20. Results

135K 4K 511
                                    

Come up to meet you...

Tell you i'm sorry...

You don't know how lovely you are...

I have to find you...

Tell you I need you...

I was holding a bottle of beer while looking at Danelle's house. I don't know how long it's been. Ten hours? I don't know. I just want to stand here, para naman kahit paano ay makita ko siya. It's past twelve midnight and yet, I didn't feel like coming home. How could I do that? Nakatayo ako sa labas ng lugar na tinatawag ko sanang tahanan ko. Sinaktan niya ako. Sinaktan ko din siya. I just felt so betrayed.

I took a deep breath. Ano bang gagawin ko? I have analyzed my feelings over and over again but I feel like what we have isn't enough. I love her, I really do but it's just that - the foundation of my love for her isn't strong enough. Hindi ko kayang tanggapin na may ako, tapos on the side, nandyan ang kayakap niya at si San Vicente.

And speaking of San Vicente, Yto is taking care of him right now. Hindi ako papayag na maaagrabyado ako tapos bigla na lang ayos ang kabila. I want it fair and square so I asked Yto to take him down and with the wealth and power that our name has, parang nakipaglaro lang si Yto sa batang limang taong gulang. The San Vicente's were rich - tulad ng sa pamilya ko ay old money rin sila but the last time I check, there is nothing in this world that our surname can't do.

When you have money, everything is possible.

But still, money can't buy happiness or love.

Ang pwede lang gawin ng pera ay ang ipaghiganti ka sa nanakit sa'yo.

At alam ko rin na masama ang revenge, but for someone like San Vicente, bagay lang sa kanya ang mangyayari ngayon.

Napatuwid ako ng tayo nang makita ko ang isang bulto ng katawan na lumabas mula sa bahay ni Danelle. Kunot na kunot ang noo ko. Matangkad ang tao at tumawid siya para siguro ay puntahan ako. Nang bahagya siyang makalapit ay nakita kong si Pablo - ang kapatid na lalaki ni Danelle ang lumalapit sa akin. Nakapamulsa siya at seryoso ang mukha nang lumapit sa akin.

"Consunji." He spat my name. Tinapatan ko siya. Hindi ako takot sa kanya. Wala akong kinatatakutan -- mayroon pala at iyon ang tuluyang mawala sa akin si Danelle. Oo nga at nasaktan ko siya. Ayokong makinig sa paliwanag niya pero naisip niya ba na nasasaktan din ako? Niloko niya ako.

"Dr. Varess." I acknowledge the man.

"Bakit hindi ka pa umuwi? Danelle surely doesn't want to talk to you." Wika niya pa sa akin. Ngumisi naman ako. Sino naman siya para sabihin sa akin iyon? Ang alam ko, wala siyang pakialam kay Danelle. They hated her. I shook my head when realized that I hated Danelle for the same reasons too.

"Look," Biglang wika niya. "Siguro iisipin mo na wala akong karapatan para magsalita sa'yo but she's still my sister and I may have taken her for granted for the longest time but seeing how hurt she was, makes me want to smash your face. Nasaktan ko din ang ate ko, kaya ginagawa ko to pambawi sa kanya. Umalis ka na, Consunji, bago pa kita masaktan."

Naiintindihan ko siya. Sa pagkakataong ito ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya na pinoprotektahan si Casiel. Nakikita ko ang kaya niyang gawin para sa Ate niya at hindi rin naman ako mangingiming gawin iyon para sa bunso kong kapatid but I just wanna see Danelle.

"I want to see her..."

"She tried killing herself." Mariing wika niya. "She was too broken and what you did to her triggered that emotions. Kung susubukin mo siyang kitain ngayon, ano sa tingin o ang mangyayari sa kanya? At this moment, you're not good for her, so please just leave her alone. Let her be. Let her spread her wings and fly away from you. Umalis ka na, Javier."

Harder to breatheWhere stories live. Discover now