9. Fam Bam

150K 3.6K 337
                                    

"Why is she here? Hindi naman siya sumasama sa mga sports gathering natin. Anong nakain niya and why did Dad let her come?"

Hindi ko na lang pinansin si Georgina nang marinig ko ang sinabi niya. Nasa van kami noon. It was a Sunday and she was right. Hindi naman ako sumasama noon sa kanila - kahit ilang beses akong ayain ni Mommy o ni Dad ay palagi akong tumatanggi na sumama sa sports club para makipag-bonding sa kanila. But that morning, I wanted to try. Gusto ko kasing masubukan kung pwedeng maging tulad ng pamilya ko ang pamilya ni Javier.

I envy the guy for having a family like that.

Kausap ni Georgina si Marcus. Naiintindihan ko naman sila. Alam nang lahat ng nakakakilala sa pamilya kung anong nangyari sa akin noon at kung anong ginawa ko. Iyon ang dahilan kung bakit hindi nila ako masyado kinakausap. They are all ashamed of what I've done.

"Georgina, I can hear you." Nakita kong pinanlakihan ni Mommy ng mata si Georgina. I just sighed. Nakatingin lang ako sa bintana habang iniisip kung paano ako mag-o-open up sa kanila. Javier seemed to be very close to his mom and dad. The way they talk and treat each other, halatang open sila sa isa't isa. And I want that.

"Mom..." Tiningnan ko si Mommy. She touched my cheek. "May spa doon diba? Mag-spa tayo!" Nakangiti ako. I saw Georgina roll her eyes. Binalewala ko na iyon.

"Sige, pero after ng game ng Daddy mo at ni Nathan ha. I'm so glad you came with us, Dandan!" Niyakap pa ako ni Mommy. I just smiled.

Nakarating kami sa sports club. Humiwalay agad si Marcus at Pablo. Si Dad naman ay akbay si Mommy tapos magkasunod kami ni Georgina. Hindi niya ako pinapansin. She was talking to the phone at sinasabi niya na sira na ang araw niya. Nainis na ako. I faced her.

"Kung sira na ang araw mo, Dear Sis, 'wag mong sirain ang araw ko, dahil masaya ako. Okay? Have a good day." Iniwan ko siya at umagapay sa mga magulang namin. Hindi ko alam kung anong problema sa akin ni Georgina, siguro masyado siyang bitter sa nangyari sa mga "so called" friends niya noong panahon na nagwawala ako. Hindi ko naman kasalanan na dahil sa akin ay nilayuan siya. Isa pa, kung talagang kaibigan nila ang kapatid ko kahit na ano pang baho ng pamilya namin ay hindi nila iiwan ang kapatid ko.

But Georgina didn't understand that fact. Para sa kanya ako lang ang may kasalanan and that I made her life a leaving hell.

Nagpunta kami nila Mommy sa squash area. Naroon na si Uncle Nathan, si Mig at si Mavis. Mig was holding his five year old daughter habang si Mavis naman ay pinupunasan ang likod ng bata. Agad akong lumapit sa kanila.

"Baby! I love babies! Come to Aunt Danelle!" Napahagikgik si Mavis sa sinabi ko. I heard Georgina snorted.

"Yeah! Come to Aunt Danelle habang sober pa siya."

"That's uncalled for, Georgina!" Sigaw ni Daddy. Hindi ko na lang pinansin. Kinuha ko ang pamangkin ko at nakipaglaro sa kanya. The baby's name is Bianca. Kamukhang-kamukha si ni Mig. Walang itulak kabigin.

"Mukhang mainit ang ulo ng kapatid mo, Dandan." Umupo si Mavis sa tabi ko. Ngumiti lang ako.

"She's miss little sunshine, yaan na lang. I'm not affected diba, Bianca? You're such a cutie! Mas cute ka sana kung nagsasalitan ka at pinapansin si Auntie. Ay! Nakilala mo na ang pinsan mo? Si Ella?"

"Nandoon si Migs. Ewan ko ba. Magulo sila ni Ika ngayon. I apologized already. Si Tita Ella, she's mad at me. Civil lang siya sa akin dahil best friend niya si Mommy pero alam kong galit siya dahil nailayo sa kanila ni Uncle Nathan ang unang apo nila." Hinawakan ko ang kamay ni Mavis.

"Maayos din sila. Lahat ng bagay sa mundo, Mavis, naayos. Look at me. I'm a living proof that there's hope. Mas malala ako dati."

Tama naman. To think na sinubukan kong nakawan ang isang inosenteng pari - hindi lang wallet ang nakuha ko kundi ang virginity niya. Napangiti ako ng maalala ko ang mukha ni Javier habang sinasabi niya sa akin na kinuha ko ang virginity niya. Napakagat ako ng labi. He looked like a five year old kid who lost his candy.

Harder to breatheWhere stories live. Discover now