7. Beautiful Stranger

195K 5.3K 903
                                    

"Mom, kakilala ba talaga ng family ang mga Consunji?"

Mommy was baking that day when I decided to come home. Sa bahay ako natulog kinagabihan matapos kong tingnan si Nina Quatana sa ospital. She was okay and her baby is very healthy. Ganoon na nga lang ang tuwa ng asawa nito pati ng anak nilang biba na si Artemis. Nang gabing iyon, I took a risk of going home, nagtabi ako ng baseball bat sa kama ko in case na papasok muli sa aking bahay ang lalaking Consunji na baliw na minsang nagbalak magpari.

"Ang alam ko, Dandan, patient ng Dad mo si Adel Consunji pati na rin ang mga apo niyang sina Lukas, Adam at Sancho - even Laide. They are very close to you Lolo Elizalde but when he died nagkaroon ng gap na kaya patient na lang sila."

"Nakita ko na ba dati ang Mommy ni Javier I mean si Mrs. Aura Counsunji?"

Tumingin sa akin si Mommy. Kunot ang noo niya. Naitanong ko lang naman kasi kagabi habang iniisip ko kung anong naganap sa araw ko kahapon - bigla kong na-realize na parang nakita ko na si Mrs. Consunji. Pamilyar ang mukha niya sa akin at sigurado ako na nakita ko na siya noon hindi ko lang matukoy kung saan pero nakita ko na siya.

The only explanation there is maybe, back when I was a kid ay naipakilala na sila sa akin ni Daddy pero nakalimutan ko lang. Matagal na kasi iyon.

"Anak, hindi pa. Hindi ko nga rin kilala ang pamilya ng boyfriend mo. Why don't you invite them over and I'll cook dinner for them?"

"Mom, baka sumakit ang tyan nila." Wala sa loob na sabi ko. She again looked at me. Nanlalaki ang mga mata niya. Hindi kasi talaga marunong magluto si Mommy maliban sa cheese cake at sa chocolate cookies na three years niyang pinag-aralan ay wala na siyang ibang alam lutuin. Noong mga bata kami, we were used to eating burned bacons, eggs and pancakes tapos napipilitan kaming sabihin na masarap ang luto niya dahil pagagalitan kami ni Daddy kapag na-upset si Mommy. Palagi niyang sinasabi sa amin ng mga kapatid ko na dapat thankful kami sa efforts ni Mommy.

I appreciate that - nakikita ko kasi na mahal na mahal ni Dad si Mom. Pero sumasakit ang tyan ko panay.

"Ang ibig kong sabihin baka sumakit ang tyan nila sa sobrang sarap ng luto mo, Mommy!" Niyakap ko si Mom. "Kasi maiimpacho sila!" Nakahinga ako nang maluwag nang humagikgik ang Mommy ko. Hinalikan niya ako sa noo.

"Masaya ako dahil may boyfriend ka na. Your dad seems to like him a lot. Hindi siya tumitigil noong isang gabi - he was just telling me how proud he was and how happy he was for you, baby girl." Hinaplos niya ang mukha ko. Kinagat ko ang labi ko. How I hate Javier for this!

Paano ko pa sasabihin kay Dad na hindi naman kami mag-boyfriend ni Javier? I didn't want to disappoint him. I just sighed. Nagpaalam ako kay Mommy na magpapahinga muna sa silid ko. Iniisip ko kung paano ko maayos ang mga bagay na ito ngayon sa buhay ko.

Nahiga ako sa kama ko. Muli ay pumasok sa isipan ko ang familiarity na naramdaman ko sa Mama ni Javier. It seems odd but then, why would she be familiar to me? Hindi ko na talaga maintindihan.

Inubos ko na lang ang oras ko sa pagbabasa ng romance novel pero kahit yata anong basa ko ay naalala ko pa rin si Javier at ang Mama niya. I just sighed. Maya-maya ay tumunog ang phone ko. I saw Migs' name on the screen. Agad kong sinagot ang tawag na iyon.

"Migs! Zupp!" Malokong sabi ko.

"May ginagawa ka ba? Samahan mo naman ako. Punta ka dito sa condo ko."

"Magdadala ba ako ng foods?" I giggled at the phone.

"Pumunta ka na lang!"Ibinaba niya ang phone. Napilitan akong tumayo at kuhanin ang bag ko. Isinukbit koi yon sa balikat ko at lumabas na ng silid. Binalikan ko si Mommy na ngayon ay kausap naman si Marcus. They were laughing. I cleared my throat to get their attention.

Harder to breatheWhere stories live. Discover now