18. Heto na... Heto na... Heto na... AHHHH

152K 3.8K 745
                                    

Hindi ako mapakali. Tingin ako nang tingin sa orasan ko habang nakaupo sa gitna ng coffee shop na iyon habang naghihintay kay Judas Escalona. Hindi ko na matandaan kung kailan pa kami huling nagkita. All I know is that I broke up with him before I almost OD'd and when I woke up, nasa ospital na ako kasama ang buong pamilya ko. After noon, wala na akong balita sa kanya.

Nakilala ko si Judas noong nasa high school pa ako. Siya ang nagbigay ng atensyon na gusto ko. I fell in love with him and eventually, we became an item. Siya ang kasama ko sa mga kalokohan ko noon. Siya ang nagturo sa aking uminom, mag-drugs at ang magrebelde sa pamilya ko. Siya ang supplier ko noon, when broke up with him, nag-iba ang supplier ko, ginipit niya ako at iyon ang dahilan kung bakit nakilala ko si Javier.

Ngayon ay natatakot ako - kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ko siya pakihaharapan. Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Paano ko itatanong sa kanya ang mga pangyayaring iyon sa buhay ko - iyong mga bagay na halos hindi ko na matandaan - halos hindi ko alam kung totoong nangyari nga.

I held my breath when I saw him entered the coffee shop. He was wearing a plain black v-neck shirt, a pair of khaki pants and that off white pair of chucks. Napanganga ako. Si Judas ba talaga ito? The Judas I remember was young, wild and carefree. Wala siyang pakialam! Mukha siyang totoy na pinabili ng kapatid niya ng suka sa kanto - but now...

I guess, the eyes glasses and the trimmed facial hair did the trick - he looked so mature and so... HOT? I shook my head. I shouldn't think of him that way. Ayoko. Hindi pwede. Ipinaalala ko sa sarili ko kung bakit ako nandito. Ngumiti ako nang tumingin siya sa akin. He walked towards me and sat on the chair in front of me.

"Hi." Kinakabahang wika ko. Ngumisi lang siya tapos ay may inilabas siyang kulay brown na envelope at itinulak iyon papunta sa akin.

"Tulad pa rin ba ng dati, Danelle?" Seryosong wika niya. Noong una ay hindi ko maintindihan ang sinabi niya but when I took a look at the envelope, parang napasong ibinalik koi yon sa kanya. Tumingin ako sa buong paligid at saka binalingan siyang muli.

"Gago ka ba?! I don't do that anymore! I'm sober! I'm okay and I don't need that!"

Nakangising itinago niya iyon sa likod niya. Pagkatapos noon ay inilagay niya sa mesa ang dalawa niyang kamay. Para siyang batang lalaki na sinabihan ng teacher ng sit properly. I shook my head and took a deep breathe.

"Ano ang kailangan mo?" Tanong niya sa akin. "Pitong taon, Danelle, you broke my heart. Nawala ka na parang bula tapos ngayon, tatawagan mo ako? I'm not that kind of man, Danelle. Hindi kita hinintay. Ngayon hahabulin mo ako? Hu u ka sa akin!"

Nanlaki ang mga mata ko. Ano na naman ba ang sinasabi ng gagong ito? Ang tagal naming hindi nagkita tapos sasabihin niya ganito? Nagpapatawa ba siya? I shook my head again.

"Hindi iyon iyon! Nakakatanga ka naman eh!" Pinilit kong kumalma. Hindi ako mapakali. Tiningnan ko siya nang mata sa mata. "Ever heard of Isabel San Vicente?" Nilakasan ko ang loob ko. Pilit kong inihahanda ang sarili ko sa maririnig ko mula sa kanya. Siya lang ang alam kong makakasagot sa akin. Alam kong nakilala ko si Isabel bago ako makipagkalas kay Judas. I introduced the two but after that, wala na akong narinig mula sa kanya o tungkol sa kanya.

All this time, I thought that she was in the States but I was wrong - very wrong!

I had no idea she's dead and worse, I killed her.

"Oh yes! Pinakilala mo siya sa akin diba? Too bad she died that night we broke up." Wika niya pa na parang cool na cool. Lalong nanlaki ang mga mata ko. How did she die? Did I really kill her? I want to ask him that. Hinahanap ko lang ang boses and when I finally found my voice - basag naman iyon.

Harder to breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon