21. Salubong

144K 4.4K 715
                                    

Ibiza, Spain

"Está usted seguro de esto? Quiero decir, que ha sido un año y medio. Usted y Roge debe estar casado ahora."

"English please."

I rolled my eyes at my cousin - si Czareena. Siya ang panganay ni Uncle Juan at ni Aunt Reena. Dalawang taon na halos ako sa Espanya at kinalimutan ko na ang lahat ng may kinalaman sa pangyayaring naging dahilan ng aking paglayo. That night when I almost killed myself, umiyak lang ako sa bisig ni Daddy habang si Mommy ay hawak ang kamay ko. They never left me but the next morning when I woke up, tinawagan ko si Ninang Reena dahil kailangan kong lumayo at iwan muna pansamantalaga ang lahat ng ito para mahanap ko ang sarili kong nawala nang bumalik ako sa pamilya ko at noong mahalin ko si Javier.

Ako kasi, sigurado akong mahal ko si Javier. Sigurado ako na siya ang gusto kong makasama. Kung sana pinagpaliwanag niya lang ako noon, sana hindi kami aabot sa ganito. Hindi ko kayang huminga at mamuhay sa isang lugar kung saan Malaki ang posibilidad na makita ko siya. Hindi rin kasi ako handa. Hindi ko alam kung paano ko sya pakikiharapan kaya tumakbo ako. Umalis ako at namuhay sa isang lugar na malayo sa kanya at pati na rin sa pamilya ko.

Ayaw akong payagang umalis ni Daddy but when Uncle Juan came to pick me up, walang nagawa si Dad. Hinayaan na niya akong sumama kay Uncle Juan pauwi ng Ibiza at mamuhay kasama nila. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mas naramdaman ko ang pagtanggap galing sa mga anak ni Uncle Juan kaysa sa mga kapatid ko.

Czareena or as I fondly call her Czacza - is Uncle Juan's first born. Tulad ko ay doctor din siya. She's a plastic surgeon - she's good at it pero dalawang taon lang siyang nag-practice pagkatapos ay umayaw siya para lang umuwi sa Ibiza. Ayaw niya sa Pilipinas - simply because it's hot. Si Mikaela naman ay pangalawa, she's a writer and she's based in Batanes, the next is John Michael who's also a doctor - a plastic surgeon na nasa Seattle naman. Then came, Estefan na siyang-siya naman ni Uncle Juan. He climbed the Mount Everest last summer and Uncle JM couldn't be so proud.

Lima silang magkakapatid. Si Ysobel ang bunso at kasalukuyang nag-aaral pa lang ng Law sa Hardvard. And like what I said - para bang mas tanggap nila ako dito kaysa ng mga sarili kong kapatid.

"Dandan, estás escuchando a mí? O ya estás dormido?"

Binalingan ko ng tingin si Czacza. "Sinabi ko na nga, English lang o Tagalog! Dumudugo pa ang ilong ko sa'yo, Czacza!"

"Fine!" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere. "Sabi ko dapat kasal na kayo ni Roge ngayon. It's been a long time. Sinagot mo siya ng yes sa will you marry me question pero anong nangyari na? Naiinip na kami ni Mika sa kakahintay sa inyo. Para bang walang progress ang relasyon ninyo. Nakakainip."

Naiitindihan ko si Czacza. Kahit ako ay nababagalan sa relasyon naming ni Roge. Nakilala ko siya noong kararating ko sa Ibiza. Isa siya sa mga associates ni Estefan sa negosyo niya at siya ang nagpakilala sa akin sa kanya. Mabait si Roge. Ni hindi ko nga alam na nanliligaw siya sa akin. Basta panay na lang kaming lumalabas na dalawa. Tinutukso ako ng mga pinsan ko sa kanya pero hindi ko naman pinapansin but then, one night in the middle of October he turned to me and talked to me heart to heart.

"My mom wants me to marry. Do you believe in love, Danelle?"

We were sitting in front of that big Maple tree inside that triangle park located at the heart of the city. Nabigla ako nang tanungin niya ako kung naniniwala ba ako sa love. Isa lang naman ang sagot ko, oo, naniniwala ako sa pag-ibig pero hindi ako iyong tipo ng tao na swerte dito. I just nodded at him. Mukhang na-amuse siya sa sinabi ko.

"Really, you don't look like it." He said I made a face. "I don't believe in love. I believe in convenience and that's why I'm asking you to marry me, Danelle. You're the most convenient woman I have ever met. Marry me and you will never have to suffer."

Harder to breatheWhere stories live. Discover now