3. Sweet Suffering

204K 5.2K 849
                                    

"Yes?"

I looked at the man who grabbed my arm. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang siya nakita pero sa mga mata niya ay para bang kilala na niya ako. I stared at his eyes. Walang mababakas na reaksyon sa kanyang mukha. He.was poker faced and yet something is telling me that there was more than what his eyes are trying to convey.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maiwasang tingnan ang kamay ng lalaking iyon na nakahawak sa braso ko. His hand was warm and it's making me uneasy. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at bigla akong kinakabahan. Matagal ko siyang tinitigan tulad nang pagkakatitig niya sa akin. At habang nagtatagal ay parang nagiging pamilyar sa akin ang mga matang iyon.

Nakita ko na ba siya noon? Kunot na kunot na ang noo ko. Bahagya kong pinalis ang kamay niya sa braso ko.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko pa sa kanya. Nakita kong nagbago rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napuno iyon ngayon ng pagtataka at pagkalito. Kilala ko ba siya? Kung oo, bakit hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita? Imposible. Hindi ako makakalimutin but the fact that he seemed familiar bothers me. But then... I bit my lower lip.

"May kailangan ka ba? Is your wife pregnant because if she is, then maybe I could be her doctor too." Kunway winika ko. He took a step back. "Kung wala ka namang sasabihin, aalis na ako."

Nilagpasan ko siya. Nang sana gitna na ako ng pasilyo ay huminto ako para tingnan ang wirdong lalaking iyon. I smiled to myself. He must be crazy. Bakit ganoon siya makatingin sa akin? Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaglit sa isipan ko ang lalaking iyon. Nagpatuloy ang buong araw ko. I did my rounds. Nag-clinic din ako nang bandang pahapon na. Matapos iyon ay nagpaalam ako sa staff ko na uuwi na.

Tuwing uuwi ako ay ganoon na lang ang saying nararamdaman ko. I'm excited to see my family. Palagi iyon ganoon. Ngayon ko lang kasi nararamdaman na belong ako sa kanila. Growing up - I was the black sheep of the family. Grabe ang pagrerebeldeng ginawa ko noon sa mga magulang ko.

Baldeng luha ang iniiyak sa akin ng Mommy ko dahil sa mga pinagagagawa ko noon. My father was furious that he disowned me at pinalayas ako sa bahay noong seventeen years old ako. Dalawang taon akong pagala-gala sa siyudad. Nakikitira sa mga kaibigan ko. Tambay ng pub at club houses.

I was so low - napakababa ko noon. At hinding-hindi ko makakalimutan ang oras na iyon sa buhay ko. I was a drug addict - na-overdose ako at iyon ang dahilan kung bakit ako muling kinuha ng pamilya ko. I remembered my mom's face when I woke up after two days. She was crying. Her eyes were swollen and her face was full of sadness.

Iyobg hitsurang iyon ni Mommy at sapat na iyon para isipin kong magtino. That day my father talked to me - heart to heart and asked me why I was doing what I was doing and I told him the truth - that I was jealous of the attention they were giving my siblings. Lahat kasi ng kapatid ko ay perpekto tapos ako lang ang palaging nakakagawa ng mali. Apat kami, ako ang panganay. Si Edward Marcus ang pangalawa, si Edward Pablo at ang bunso naming si Georgina Fate - lahat sila ay paborito ni Daddy. Lahat sila magagaling at magaganda ang specialization sa field.

Si Edward Marcus - cardiologist.

Si Edward Pablo - orthopedic surgeon.

Si Georgina Fate - plastic surgeon.

Ako sa aming apat ang may pinakamababang form ng specialization at iyon ang pagiging OB. It hurts when I hear the three of them talk tapos sasabihin nila ang mga achievements nila. Nahihiya ako. Ang babaw lang kasi ng akin.

Marami akong insecurities sa buhay talaga - lalo na pagdating sa mga kapatid ko pero alam kong sarili ko na lang ang kalaban ko ngayon. Pinipilit kong hindi magpakain sa insecurities na iyon at masayang harapin ang buhay kasama sila. Mahal ko ang pamilya ko at alam kong mahal nila ako - I just have to train myself to ignore all the negativities and be still and love myself most especially my mom.

Harder to breatheWhere stories live. Discover now