19. Will never be

140K 4.3K 717
                                    

Nakakasakal iyong masakit na parte. Nakakasakal iyong masasamang titig ng tao. Para bang kulang ang hangin sa mundo dahil sa nararamdaman kong sakit. Buong buhay ko, hinintay ko ang isang taong tatanggap sa akin ng buo at walang pagdududa at nang dumating siya, akala ko ayos na but then things just had to fall apart. Hindi ko kaya iyong sakit. Kung tulad lang sana ni Jessico noon na sinaktan ako ng pisikal ay matatanggap ko, but what Javier did to me is too painful that I find it hard to breathe.

Two days have passed. Sinubukan kong kausapin si Javier. Pinuntahan ko siya sa bahay nila para kausapin siya but Mama Aura said na hindi umuuwi si Javier. Nag-alala ako sa kanya. I tried calling him but he's not answering hanggang sa pinatay na lang niya ang telepono. Dalawang araw din akong iyak nang iyak. Hindi ako nag-stay sa bahay, sa clinic lang ako. Ginagawa ko ang mga bagay na ginagawa ko sa tunay na buhay. Gumagalaw ako na parang naka-program lang. Ngumingiti. Akala ng ilan ay ayos ako but the thing is, wasak na wasak ang buong pagkatao ko.

I was set up. Kung sana ay pinakinggan ako ni Javier ay mas nagging madali ang lahat. Si Romano San Vicente naman ay bigla na lang nawala. Ni hindi ko na alam kung saan siya pupuntahan. Napailing na lang ako. Iniisip ko kung plano niya iyon, ano iyon, dumating lang siya tapos ay siniguro niyang masisira ang buhay ko tapos ay mawawala siyang parang bula? Paano naman ako? Paano na ang buhay na pingarap ko na kasama sana si Javier? Why is it so hard to be happy?

"Insan!"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Migs. He went inside my clinic and he was smiling. Kasunos niya si James. Nang makita ko si James ay alam ko na alam na nila kung anong nangyayari sa akin. Pinilit kong ngumiti.

"H'wag ka nang ngumiti." Sabi ni James. "Gusto mo ba na ipabugbog si Consunji sa mga bataan ko?"

"Sinong bataan mo? Si Zach, Si Gerd? Si Atlas? I'm okay." Ngumiti muli ako.

"Okay naman pala siya! Ayain na lang natin mamaya sa gig ni Atlas!"

Nakangiti pa rin ako pero ngawit na ang panga ko. Hindi ko kayang mag-isa dahil baka bigla na lang akong mawala sa aking sarili. Tumango na lang ako at sinabing sasama sa kanila. Alam ko na kung ano't anuman ang mangyayari ay hindi naman nila ako pababayaan.

Nagtapos ang araw ko na hinihintay si Javier na magparamdam sa akin pero wala. Wala kahit isang text - kung ilang beses na yata akong nag-iwan ng mensahe sa kanya dahil gusto ko talaga siyang makausap pero wala, wala na yata talaga siyang pakialam and it hurt more and more every minute that he's ignoring me, mas lalong humihina ang loob ko.

Nang gabing iyon ay sumama na lang ako kina James sa Horizon. Pinanood namin ang unang gig ng anak ni Ninong Ali. And like what everyone is expecting, Atlas took everyone's breath away. Kahit ako ay nawalan nang hininga pero ang dahilan noon ay ang text ni Javier sa akin.

Nang makita ko ang pangalan niyang nag-appear sa screen ng phone ko ay nakadama ako ng saya but upon reading his message my world fell.

From: Javier Consunji <3

Subject: Leave me alone

Msg: Just let me be, Danelle. Tapos na tayo. Wala akong panahong makinig sa mga kasinungalingan mo. Magsama kayo ni San Vicente.

Tears started rolling down from my eyes at alam kong napansin din iyon nila James. I felt his hand on my shoulder.

"Kaya mo pa ba?"

Napailing na lang ako. Tinatanong nila kung kaya ko. Kaya ko nga ba? Dalawang araw ko nang iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Dalawang araw na akong namamatay sa sakit. Bakit ba hindi pa matapos ito? Hindi ba pwedeng kapag may nagmamahal at mahal mo ay happy ending na agad? Hindi ba pwedeng sa pagkakataong ito, magkatotoo ang forever? Gusto kong maniwala sa putang inang forever na iyan! Gusto ko si Javier.

Harder to breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon