10. Almost

191K 4.7K 541
                                    

"So, I didn't know you were friends with Javier Consunji."

Bumalik ako sa villa ng pamilya namin nang hapong iyon. Para pa rin akong naglalakad sa cloud nine dahil sa nangyari kanina. Pinapasaya ako ni Javier. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng acceptance. Hinahabol niya pa talaga ko. Somehow, I feel good about it pero nakaka-guilty din dahil hindi ko masabi sa kanya na alam ko na ang totoo.

Nginitian ko si Mavis. Nakakandong sa kanya si Bianca habang pinaglaruan ng anak niya ang kanyang buhok. They looked so pretty when they're together. Naisip ko kung nakita na ba ni Mig na magkasama ang kanyang mag-ina. Siguro naman ay lalambot ang puso niyang matigas na.

Naupo ako sa tabi niya at saka bumuntong-hininga. Tumakas lang naman ako kay Javier. Kasalukuyan kasing kausap niya ang Mama niya sa phone - doon ako tumalilis. Halos takbuhin ko iyong daan para lang makaalis kasi hindi siya papayag na umalis ako nang hindi siya kasama. Daig ko pa ang may bodyguard. But somehow, I really feel good about it.

Ngumiti lang din si Mavis sa akin pero alam kong naghihintay siya ng sagot. Huminga na lang ako nang napakalalim at saka nagsalita.

"Mahabang kwento pero nakakapagod tumakas sa kanya kaya wala na akong magagawa kundi ang mag-surrender sa kanya at hayaan na lang siya, May utang daw kasi ako sa kanya."

"Dan, nakilala mo ba siya noong..." She trailed off. Ngumiti lang muli ako. Wala akong ibang dapat sabihin sa kanya. Basta tama na iyon. Ayokong makawala ang impormasyon tungkol kay Javier.

"Dan? Nandyan ka na pala! Saan ka ba nagpunta?" Tanong naman ni Mommy nang makita niya ako. "Akala ko ba magpapa-spa tayong dalawa?"

"Aw, anoo..."

"Kinuha kasi siya ni Javier Consunji, Tita." Sagot naman ni Mavis. Nanlaki ang mata ni Mommy.

"Anak, bakit hindi mo naman sinabi na nandito ang boyfriend mo? Kayong dalawa na lang ang mag-pa-spa!"

"Sinong boyfriend?" Boses naman ni Daddy ang narinig ko.

"Si Javier, hon, nandito daw para kay Dandan ko." Inakbayan ako ni Mommy. Kitang-kita ko ang ngiti ni Daddy.

"Nasaan? Bakit wala siya dito? I've been meaning to talk to him again. He's a great boy, Danelle."

I bit my lower lip. Huminga na lang ako nang napakalalim at tumayo. "Sige, Dad, susunduin ko. Kasama niya kasi ang family niya. Wait lang, Dad ha." Umalis ako sa Villa namin at naglakad pabalik sa Villa nila. Medyo malayo ang pagitan pero kung para sa ngiti ni Dad na ganoon, kahit pa lakarin ko ang pagitan ng mundo at buwan ay gagawin ko.

Nagtuloy na ako sa loob. Nakita ko si Javier na paikot-ikot sa sala ng Villa na para bang may hinahanap. Yumuko pa siya para tingnan ang ilalim ng sofa. Sa sofa nakita ko na naman ang abogadong sinabi sa akin ni James na may kasamang babae na may kandong na batang babae. They were playing with the kid. I sighed. I really love kids. I want my own pero hindi ko kaya ang intimacy. I don't know. Nagka-boyfriend naman ako and there's this guy, Jesico - we've dated for three years pero hanggang kiss lang kami. Hindi ko kaya ang lagpas doon, pakiramdam ko nasasakal ako.

"Ayon!" Nagulat ako nang sumigaw si Javier habang nakatingin sa akin. "Nandyan ka lang pala! Akala ko tinakasan mo ako!" Lumapit ako sa kanya. Iniisip ko kung paano ko sasabihin na gusto siyang makita ni Dad. Umupo siya sa sofa sa tapat ng mag-asawa. The two were looking at me. Naiilang ako. Tinapik niya ang tabi niya - naupo ako roon.

"Hi..." Napatitig ako sa babae. "Wala kang modo, Javier, pakilala mo naman kami sa girlfriend mo." Javier snorted.

"Danelle, si Ares Consunji, pinsan ko, si Bathseeba, asawa niya at si Telulah, anak nila."

Harder to breatheWhere stories live. Discover now