I rolled my eyes, "Ewan ko sa'yo, iwan kita dito eh." Inis na sabi ko, nahahambugan talaga ako sa ugali niya. Napaka-presko, feeling pogi masyado kahit pogi naman talaga siya.

Umismid siya, "Try me," at agad na pumasok sa loob ng kotse niya.

Naglakad ako palayo, bwiset talaga. Makauwi na nga lang, wala naman talaga akong mapapala kung sasamahan ko siya. Parang kinokonsinte ko lang ang kahihiyan na bumabalot sa katawan ko eh.

"Do you want me to post your face in the sns?"

Napalingon agad ako sa kotse niya, nakababa na ang tinted glass na bintana nito, nakapatong ang siko niya roon habang nakasandal naman ang ulo niya sa head rest ng kotse niya, "Ano? Anong sns pinagsasabi mo?" Nakakunot noong sabi ko.

Humagalpak siya sa tawa, "You don't know sns? Social networking site," he mockingly said. Ah, 'yun pala 'yun? Malay ko ba. Sorry na.

Nagsimula na akong maglakad palapit sa kotse niya, "At ano naman ang ipopost mo sa sns na sinasabi mo?" Nakapamaywang na sabi ko, ako pa tinakot niya eh hindi naman ako sikat. Malay ba ng mga tao kung sino ako.

He smirked, "I will post a picture of you then the right caption for it is; Stalker, beware." Nakangisi niyang sabi at mabilis na pinasadahan ang itim na itim niyang buhok.

Nalaglag ang panga ko, "A-Ano?!"

Ngumuso siya, na para bang nag-iisip, "I got some followers in my different sns accounts, by the way."

Napakagat ako sa labi ko, "And how much is that some?"

"About a hundred or two grands of followers?" Patanong niya pang sambit, na para bang kakaunti lang iyon. Samantalang hindi pa nga aabot nang five hundred ang followers ko sa twitter at instagram!

"Mukha mo, ikaw gan'un karami ang followers? Oo, gwapo ka pero grabe dream on!"

Ipinatong niya ang baba niya sa siko niya at nginitian ako ng pagkatamis tamis, grabe lumuwag 'ata ang garter ng panty ko- "Gwapo ako? Wow, thanks."

Napatutop agad ako sa bibig ko at bahagyang nilapirot iyon, bwiset talaga 'tong dila ko basta basta na lang nadudulas! Nakakahiya, "N-Naniwala ka naman, d-diyan ka na nga!"

Umismid siya, "Get in, you really talk too much,"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ang presko presko mo talaga! Nagkamali lang naman ako n'ung niyakap kita last time, akala ko kasi kakilala ko," dire-diretso kong sabi, aba! Ang galing ko na 'atang gumawa ng palusot? :O

Tumikhim siya, "Yeah, like I would be so dumb to believe you? You even know my real name?" Hindi siya nakangisi this time, and by the looks of it- he is judging me. Oh my God! Feeling ko talaga tumatak na sa utak niya na isa akong stalker!

Napakagat labi na lang ako dahil wala akong maisagot, totoo naman kasi. Hindi ako makatingin ng tuwid sa kanya kaya yumuko na lang ako at nakipagtitigan sa maputik na lupa ng Brgy. Maligaya. Hindi ko talaga alam kung paano ko nalaman ang pangalan niya samantalang panaginip lang naman pala lahat ng iyon.

"Nevermind what I said, just get in."

Napaangat ako ng tingin, hindi na siya nakatingin sa akin at nakatuon na ang atensyon niya sa manibela, "Don't even think about running away, or else-" pagbabanta niya.

"Oo na, oo na!" Pasigaw kong sabi at nagmamadaling pumasok sa kotse niya, padabog ko itong isinara agad niya naman akong sinita dahil hindi ko daw iniingatan ang kotse niya, mas mahal pa daw iyon kaysa sa buhay ko. Talaga naman talaga oh.

Pagkatapos ng mahabang panenermon sa akin ay tumungo na kami sa lugar kung saan siya magsu-survey. Hula ko ay Public Service ang course nitong lalaking 'to. Pero hula ko lang naman iyon. Tch. Hindi kasi bagay sa kanya ang pagiging matulungin dahil sa sobrang presko niya.

Nang makarating kami sa destinasyon na aming pinuntahan ay wala siyang oras na sinayang, pinagalitan pa niya ako dahil napakabagal ko daw kumilos samantalang sabi ko naman sa kanyang magpapaiwan na lang ako sa kotse para magawa niya ng maayos ang survey niya pero dahil sa nuknukan ng sama ng ugali ang lalaking 'to ay hindi niya ako pinayagan, baka daw mawala ang mga gamit niya kapag iniwan niya ako d'un na mag-isa. Tss!

Wala pang isang oras ay natapos na siyang magsurvey, nag-abot din siya ng pera sa mga taong pinagsurveyan niya. Tulong daw iyon para sa gastusin nang mga ito dahil kapos ang mga ito.

Sa pagmamasid ko sa mga ginawa niya ay medyo may pagka hardworking siya dahil talaga namang nagpasensya sa mga interview ng mga tao sa kanya tungkol sa buhay niya, kung bakit siya mayaman, kung bakit siya gwapo, kung saan siya nakatira at kung anu-ano pa. Pero may isang tanong lang talaga na naubos ang pasensya niya.

"Kuya, ang ganda naman po ng kasama niyo. Girlfriend niyo po?" Anang sabi ng isa sa mga ininterview niyang mga teenager at tinuro ako. Agad akong napatingin kay Darius na namumula ang tainga.

Kumunot ang noo niya pero halata namang hangga't maaari ay gusto niyang balewalain ang mga ganitong usapan, "Ilang kilometro ang inyong nilalakad patungong eskuwelahan?" Tuwid na tagalog na sabi ni Darius, nagulat pa nga ako n'ung una dahil napakagaling niyang magtagalog, samantalang sa panaginip ko ay para siyang pumipiyok at walang wala ang pagkaka bigkas nito.

Umiling ang batang babaeng kausap niya, "Ay, 'di girlfriend? Asawa mo po?" Nakangiting sabi nito na para bang kinikilig. Grabe, 'di ba nababasa ng batang ito ang atmosphere? Jusko po.

Nagulat ako sa biglang pagtayo ni D.O, "I need some fresh air." Nakasimangot pa rin ito at dali daling lumabas sa barong barong na bahay ng mga iniinterview niya.

Masyadong pa-showbiz naman 'tong lalaking 'to. Hmp! Pwede naman sabihin na hindi. Parang tanga lang.

Bumaba na ako mula sa kotse niyang napaka-bango, "Thank you sa paghatid."

Wala akong narinig na sagot kaya isinara ko na lang ang pinto ng kotse niya. Pagkasara niyon ay agad siyang humarurot palayo sa akin.

--
Daming silent readers.

PLUG: Paramour (Third series of XOXO Basketball Team, Kaizer Perez)
http://wattpad.com/story/7529333

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now