Chapter 05: Rick Rolls and Other Chips

236 28 3
                                    

RICK ROLLS AND OTHER CHIPS

•••

Madalas kong naiisip na kahit siguro umamin ako kay Cruzette, hindi mababago ng pag-amin na 'yon ang nararamdaman niya sa akin. After all, alam ko rin naman ang isasagot niya. Reality check, she never saw me as someone she would fall for. Although kahit paano, may maliit pa rin na part sa akin na nagsasabing gusto ko siyang i-pursue pero hindi ko sinusuportahan dahil alam kong hindi pwede. Ang sabi ko sa sarili ko, bahala na 'ka ko. Hintayin ko na lang mag-fade away 'tong feelings ko hanggang sa tuluyan nang mawala. After all, alam ko naman na ang sagot niya kung mangyayari man iyon.

Kahit noong nakaraan, nabalitaan ko na naman kina Reene at Ced na nagkakalabuan daw ulit sina Z at James. Kahit gusto kong mawalan ng pakialam, hindi ko magawa. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na nakikinig sa usapan ng mga chismosa. Iyong unang pag-aayos nilang dalawa na naganap sa room, hindi ko alam kung ano ugat niyon. Nito lang, kung tama ang pagkakarinig ko, nahuli daw ni Cruzette itong unggoy na may ibang ka-bebe time nang aksidente niyang mabuksan ang phone nito.

Kahit na gusto kong lumapit kay Z para alalayan siya at magpaka-rebound pansamantala, hindi ko rin ginawa. Aware naman akong mas martyr pa si Cruzette kaysa sa akin kaya alam kong magkakaayos din silang dalawa kinabukasan.

Pero nagkamali yata ako. Walang nagbago sa aura ni Cruzette. Ganoon pa rin siya. Malungkot. Lumipas ang ilang araw na ganoon lagi ang siste niya. Para siyang araw na nawalan ng liwanag. Gusto kong lumapit sa kaniya at muli siyang pagliyabin pero parang hindi rin ako 'yung taong gusto niyang gumawa niyon para sa kaniya. Kapag pinagmamasdan ko siya, napapansin kong sa ibang direksyon siya lagi nakatuon. Kapag lalapit naman ako sa kaniya, hindi niya intensyon na lumalayo sa akin. Para nga kaming magnet na may magkaibang poles, pilit na naglalayo. Ayaw ko talaga ng science.

I watched her secretly for three consecutive days. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Mukhang apektadong-apektado siya sa break-up nila ni James. Kung pwede ko nga lang siyang yakapin para lang mapawi ang lungkot na nararamdaman niya gagawin ko, pero hindi, eh. Hindi ko kaya.

Noong dismissal nakita ko siyang mag-isang naglalakad palabas ng school gate. Ilang beses kong kinumbinse ang sarili ko na lumapit sa kaniya bago ko ito mapagpasyahang gawin. Mabilis kong hinakbang nang salitan ang mga paa ko para maabutan siya. Hindi pa man ako nakakalapit pero napalingon na kaagad siya sa direksyon ko. Kaagad niya ring nilihis ang tingin niya nang madatnan ako. Sa ilang segundong lingon na iyon, alam kong bumubugso na ang mga luha niya.

Tahimik akong lumapit sa kaniya. Habang katabi ay sinabayan ko siyang maglakad. Diretso lang akong nakatingin sa daan bago humugot ng malinis na panyo mula sa bulsa ko atsaka inabot ito sa kaniya. Walang ano-ano ay napahinto kaming dalawa sa paglalakad.

"Para saan?"

Kung hindi pa siya nagsalita baka nilamon na kami ng katahimikan.

I tried not to be shaky. Humugot ako ng lakas ng loob para sumagot. "According to studies, to cry sometimes is kind of healthy. Wala akong reference sa ngayon . . . pero naniniwala naman ako," walang direksyong sambit ko.

"Sa'n mo naman nakuha 'yung idea na iiyak ako?" anito, tapos nag-fake smile siya.

"Our eyes can tell." Kahit na nayuyuko ay pinilit ko siyang bigyan ng ngiti pampabago ng mood. Pagkatapos niyon pinilit kong iabot sa kaniya 'yung panyo. Kung hindi pa nito mapansing nangangawit na 'ko baka hindi niya pa 'yon kinuha.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon