Chapter 26: Too Much to Handle

171 19 1
                                    

CHAPTER 26
TOO MUCH TO HANDLE

The moment na hindi ako pinansin ng groupmates ko, on that point alam kong ako lang ang may paki sa grades ko. Ang hirap isalba ng isang bagay kung ikaw lang 'yung kumikilos - katulad ng research subject na 'to. Noong ma-realize ko kung gaano ka-fucked up ng situation, ako na mismo ang kusang umalis sa GC. Bukas na ang research proposal, bahala na. Kahit labag sa loob ko, tinapos ko ang natitirang dapat ayusin sa paper namin. Everything stresses me out. Ni hindi ko na magawang makakain at makatulog nang ayos nitong nagdaang araw. At ngayon, nagsa-suffer pa ako sa mga iniwan kong midterm projects sa paghilata ko habang iniisip kung saan ba ako nagkulang.

Gustuhin ko mang kausapin si Pan pero pakiramdam ko ayaw niya. Ituloy ko man ang pagmumukmok sa gilid, ako lang din itong kawawa. Sabi ko sa sarili ko, bahala na muna siya sa kung ano'ng plano niya sa buhay. Basta ako, I will try my best to finish all these works. Nahihirapan din kasi ako. Hindi ko alam kung an'ong uunahin. Pakiramdam ko pasan ko ang mundo. Nakadagdag pa 'tong mga ka-group ko. Ni hindi man lang yata nakaramdam na itinakwil ko na sila.

Kaya noong nakaluwag-luwag sa mga gawain, tumihaya kaagad ako para ilapat ang likod sa sahig. Isang malalim na hininga ang ginawa ko habang pinagmamasdan ang ceiling ng kwarto. Hindi pa man din nakakapagpahinga ang isip ko, siya na kaagad ang laman nito. Wala akong ideya sa kung ano ba talaga ang nangyayari. Ilang beses kong tinatanong ang sarili ko kung may mali ba akong nagawa. Parang noong nakaraan lang kasi, okay naman kami.

May hindi ba ako alam?

Hindi ko napigilang mapasampal sa mukha ko habang naghahalo sa isip ang insecurities, workloads at invisible issues sa pagitan namin ni Pan.

I always tell him he deserve everything. Lately, I realized that I wasn't able to give it for him. Pero kahit na ganoon, gusto ko pa rin iparamdam kung gaano ko kagusto sa kaniya . . . at gaano ako ka-willing ibigay lahat ng mayroon ako para lang sumaya siya.

Pero just like the other day, wala akong natanggap na message mula sa kaniya. Hindi ko napigilan ang kusang pagkawala ng buntonghininga mula sa baga ko. I just stood up, thinking. Inisip ko na lang, baka masyado lang siyang busy kaya hindi nito nahahawakan ang phone niya. With that, I decided to change my clothes, go in front of his house and make up with him. It's the least thing I can do.

Hapon na rin noong makarating ako sa bahay nila. The day is gloomy as the sun slowly fades from the sky. Pinili kong magdala ng isang paper bag na naglalaman ng short cakes at Piattos chips. It's one of our favorite snacks and I just hope it could make him happy. Nang makakuha ng sapat na lakas ng loob, 'saka ako lumapit sa gate para pindutin ang doorbell.

Hindi mawala ang bigat sa dibdib ko habang hinihintay na makita ang pagbukas ng pinto mula sa kinatatayuan ko. Wala pa rin akong detailed plan sa kung paano ko siya kakausapin, pero for now gusto ko muna siyang harapin. O kahit na yakapin. Kahit naman na medyo nagtatampo ako, hindi mawawala ang pagka-miss ko sa kaniya.

Kahit siya itong hindi namamansin, gusto kong humingi ng sorry: sa naging behavior ko these days, sa mga nagawa kong unconsciously nakaka-offend at sa mga bagay na hindi ko alam ay issue sa kaniya. Gusto kong humingi ng pasensya dahil sa pagkakaroon ko ng tendency na sa akin lang umiikot ang mundo. Inaamin ko rin na hindi ako 'yung boyfriend material na tao kaya nahihirapan akong iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya ka-mahal . . . I guess ganoon na nga 'yung nararamdaman ko. Gusto ko humingi ng tawad dahil hindi ako 'yung taong in-expect niyang magiging perfect para sa kaniya.

Siya kaagad ang nakita ko pagkabukas ng pinto. Kasalukuyan itong nakasuot ng white shirt at loose pants, typical pambahay niya. Base sa kaniyang reaction, hindi nito inasahan ang biglaang pagdating ko. Ilang segundo lang siyang nakatitig sa akin bago lumingon sa loob ng bahay at tila nagsalita na hindi masyadong naintindihan ng pandinig ko. Maya-maya ay lumalapit ito sa akin. Sinubukan kong ngumiti para hindi awkward; iyon din ang ginawa niya.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now