Chapter 21: Top Pan Badge

186 21 13
                                    

CHAPTER 21
TOP PAN BADGE

Ilang araw din ang lumipas at nagdaan na ang weekend. Balik unending na mga gawain sa school na naman. Gaya ngayon, mas nadagdagan pa pagsa-suffer namin sa final research ngayong second semester ng last year namin bilang senior highschool students. Kumbaga, last pahirap na sa buhay namin for the mean time. And we had no choice kundi gawin ang mga task of relating to this subject dahil alam ng buong klase kung gaano ka-strict ang research adviser namin sa outputs, si Sir Dela Cruz. Baka magdelikado pa ang pagiging consistent honor student ko nang dahil sa kaniya.

And as told by our research adviser, naka-task kami ngayon para tapusin ’tong first chapter ng paper namin to be passed within the day. Ako naman ’tong si aligaga at masyadong focused sa pagta-type sa keyboard ng laptop habang papapalit-palit ng tingin sa references at MS Word. Sapong-sapo ko lahat ng gawain dahil nagkekwentuhan lang ’tong groupmates ko — sina Vhong, Francisco at Sarah. If it wasn't for my grades, hindi ko naman ipu-push ’tong suffering ko.

Gusto kong magreklamo pero hindi ko magawa. Ang una kong balak, mag-solo na lang dahil parang ganoon na rin naman na ang siste ko. Sadly, hindi in-approve ni Sir. Bawal din namang magtanggal ng groupmates, kahit ’yung pinaka-least efficient na lang just to let them taste their own medicine. Kaso may core principle si Sir sa subject niya. As leaders, we should be responsible of our members. With that, we should be seeking the strength and weakness of our groupmates and help them improve themselves.

Gusto ko sanang magreklamo since parang ang siste, nagiging enabler lang kami ng pagiging irresponsible ng mga estudyanteng may sapat na pag-iisip naman para malaman na hindi lang sa kanila umiikot ang mundo kaya dapat respetuhin ang time at energy ng ibang tao. Base kasi sa pagkakaalam ko, ang curriculum ang in charge sa paghubog sa mga estudyante para ma-further improve ang capabilities nito. Besides as students, hindi rin namin ito task dahil evident naman na ang teachers ang tunay na knowledgeable about sa assessment among students.

Pero on the other side of the coin, imbis na magreklamo, mas pinili ko na lang paniwalaan na baka practice na rin ito sa ’min para maging progressive citizen kami ng society. Pero required ba na ma-stress ako nang ganito dahil sa groupmates ko? Minsan gusto ko na lang ding maging palamunin.

Mabuti na nga lang at may plano kami ni Pan na mag-Netflix and Chill sa bahay nila pagkatapos ng school day. Sabi niya, baka magtanong-tanong din raw siya sa akin tungkol sa proper execution ng paglalagay ng mga information na nakuha sa related studies. Hindi naman raw kasi pwede na si Cruzette lang ang kikilos sa kanila.

Sabi ko nga sa kaniya, sabihin niya kay Z na exchange ko siya kay Vhong tutal puro hangin lang naman ambag nito sa group ko. Kung si Pan lang siguro ang ka-group ko, baka sitting pretty na ako ngayon sa sobrang willing niya mag-participate.

Kaya nang matapos ’yung 1st Chapter ng inaaral naming topic, napasandal kaagad ako sa proper seat ko. Nakapikit at sinusubukang magmura sa isip dahil hindi ko naman iyon magagawa in real life. Ilang segundo ang lumipas, may kumalampag sa ibabaw ng desk ko. Pagtingin ko, ’yung pink kong tumbler.

“Saan ka nag-refill?” Iyon kaagad ang tanong ko kay Pan.

“Sa canteen. Nauhaw din ako, eh. Dinala ko na rin ’yung tumbler mo,” anito sabay lapit sa ’kin at bahagyang ginulo ang bangs ko. Medyo bumaba tuloy ang salamin ko.

“Ang layo, ah!”

“Kasama ko naman si Pao. Alam mo mag-thank you ka na lang.”

“Okay, thank you!”

Isang tikom na ngiti ang iginawad ko.

Hindi ko napigilang tumungga sa tumbler ko dahil pakiramdam ko’y nanunuyot ang lalamunan ko. Pagkatapos ma-replenish, inilabas ko ang sariling phone mula sa bulsa ng sariling pants at nagsimulang mag-scroll sa Spotify para hanapin ’yung playlist kong perfect for the situation: “Sana pinatay mo na lang ako; songs about wanting to die out of stress.” First song to play, No Rest for the Wicked ni Lykke Li.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon