Chapter 19: Audible Heartbeats

183 24 8
                                    

CHAPTER 19
AUDIBLE HEARTBEATS


"So bakit nga parang hindi na kami belong?"

Gustuhin ko man sabihin kay Pao ang totoong dahilan, ayaw ko naman maging padalos-dalos at ibuko lahat ng bagay na mayroon sa pagitan namin ni Pan.

Nagkayayaan ang barkada na dumayo sa D'Bar sa reason na hindi na kami madalas nagkakasamang magkakaibigan. Matagal na ring hindi nakakainom. Lagi kasing may kulang. Laging may nagsosolo. Nagtatampo tuloy 'tong dalawa, lalo na si Pao. Kapag kinekwestiyon niya ang mga bagay, mas pinipili ko na lang na hindi magsalita.

Iyong sa amin ni Pan, lihim pa kasi. Hindi kami ready pareho para sabihin sa kanilang dalawa 'yung kasalukuyan na nangyayari for some reason: a.) hindi pa kami sure sa timpla nila. b.) walang out sa 'min. c.) hindi pa kami officially together at ayaw naman namin na maunsyami ang lahat dahil ikinwento na kaagad habang hindi pa settled. Kahit ako ang tatanungin, ayaw ko munang malaman nila dahil mababa pa ang certainty level ng situation.

"Alam naman naming mag-bestfriend kayo, pero sabihin niyo naman kung may puwang pa ba kami d'yan sa pagitan niyo." Patuloy pa rin si Pao sa pagmumukmok nito. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil aware naman ako na medyo disappointing 'yung ginawa namin ni Pan sa pagle-left out sa kanila nang ilang beses.

"Tama na pagiging OA. Hindi pa tayo nagsisimula, oh!" natatawang reaksyon ni Kuya Benny atsaka minatahan si Pao.

Bilang depensa, "May pinasuyo kasi si Pan n'on kaya nadalaw sa bahay namin. Maaga lang din namin nagawa kaya imbes na umuwi siya kaagad, nanuod na lang din kami ng movie sa bahay." Na gawa-gawa ko lang para ma-settle 'yung pagmamaktol ni Pao.

"Okay," iyon lang ang sinabi niya. Naniwala naman sila kaya relieved na ako kahit paano.

Kaya pagkatapos din niyon, nag-shift na kaagad ang flow ng usapan. Siyempre hindi namin malilimutang pag-usapan 'yung recent na ganap sa school: Research 3. Nagkaroon ng groupings sa room namin, apat kaming nasa Bros Before Hoes pero ni isang set sa 'min hindi naging magka-group. Napunta sa iba't ibang group. Ako, napunta sa group na hindi masyadong progressive sa academic field ang members (na sure akong magsa-suffer ako any moment.) Ngayon pa nga lang iniisip ko na 'yung possible scenarios na mangyayari. Mabuti na nga lang at nagkaroon kaagad kami ng topic na gagawan namin ng study, waiting lang na ma-approve ng research adviser namin 'yung statement of the problem na ako solely ang gumawa.

Ang kainaman naman kina Pao at Kuya Benny, napunta sa groups na may mga matatalinong co-members. Lalo si Pan, kasama niya si Cruzette sa iisang group. Ang naging problema lang nila kanina hindi kaagad sila nakaisip ng final topic dahil parang occupied ang isip ng leader nilang si Cruzette, as to what Pan told me. Kaya si Pan na mismo ang nag-suggest na by next meeting mag-prepare na lang daw sila ng kaniya-kaniyang topics atsaka pipili ng sa tingin nila ay most efficient among all. Alam ko namang gagawin din ni Pan ang best niya for their sake. Sabi niya kasi sa 'kin pagbubutihan niya raw pag-aaral niya para may pangkain siya sa mga future anak namin. Tinawanan ko lang siya at sinabing baliw siya.

Speaking of him, halos thirty minutes na rin kaming nakapwesto dito sa D'Bar pero missing-in-action pa rin siya. Sabi naman niya sa chat sa GC, susunod siya at may mahalaga lang na inuna. Hindi na rin ako nag-usisa dahil baka importante nga talaga at makaabala pa ako.

Imbis na magpatuloy sa pagrereklamo si Pao, nag-suggest na lang si Kuya Benny na um-order na ng isang tower ng beer atsaka apat na servings ng chicken wings na iba't iba ang dressing na kaagad rin naman nilang ginawa.

"Uy! 'Di ba, Kuya ni Pan 'yon?"

Nang tingnan ko ang direksyon na tinuturo ni Kuya Benny, nakita ng mga mata namin ni Pao ang isang matangkad na lalaking may suot-suot na strap na bumubuhat ng isang bass guitar. Nakasuot ito ng shirt na isang white shirt na pinatungan ng isang checkered na flannel. Kahit malayo at malabo ang mga mata ko, namukhaan ko kaagad si Kuya Phylix. Base sa porma nito, mukhang may gig yata siya ngayon.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now