Chapter 29: Apple and Logics

64 9 0
                                    

CHAPTER 29
APPLE AND LOGICS

Kagaya ng lagi kong sinasabi ko kay Pan dati, kahit nakikita ng mga mata niya ang ang presensya ko sa harapan ng stage, lagi siyang makakaasa na sa likod ng lahat ay nandoon ako at sinusuportahan siya. Ever since ma-release ang EP ng Bright Mind Piyoque, lagi ko na ’yon pinatutugtog. Nag-avail pa ako ng Spotify Premium para walang ads habang nakikinig. Nag-promise kasi ako sa kaniya na pakikinggan ko ’yon nang paulit-ulit. Pero kahit siguro hindi ako nangako, pakikinggan ko pa rin ang buong EP dahil hindi maikakailang maganda ito.

Hindi ko in-expect na ADIEL ang magiging name nito. Una kong nalaman ang salitang ’to kay Pan gawa ng bigay niyang bracelet sa ’kin. Buong akala ko random name lang siya, pero upon searching nalaman kong “ornament of God” ang ibig sabihin niyon. Hindi ko pa rin alam kung ano connection n’on sa EP nila. Hindi rin ako music expert pero kahit paano alam ko namang may relevance ’yung tracks sa isa’t isa: Ironically, Kabig, Arriety at Will-o'-the-wisps.

Sa apat na kanta, Arriety lang ang mayroong music video sa YouTube. Isang linggo mula nang i-release ito, mayroon na itong halos one hundred views. Gusto ko sanang i-congratulate si Pan sa success ng banda nila pero parang may pumipigil sa ’king gawin ’yon. Besides wala rin naman akong salita na natanggap sa kaniya kahit noong sumapit ang bagong taon. Kahit simpleng “happy new year,” wala. Pero pinili kong hindi mag-drama. Ang kapal naman ng mukha ko kung maghahangad ako ng atensyon sa kaniya pagkatapos ko siyang saktan.

From SNS detoxification, bumalik na lang ako sa Facebook para bumati sa Bros Before Hoes GC along Manny Pacquiao New Year GIF. We had a fun conversation. Kaso kung hindi ko pa tingnan ang account ni Pan, hindi ko malalaman na naka-unfriend na ako sa kaniya. Para akong sinaksak sa dibdib. Ano pa bang magagawa ko? Doon pa lang alam mo nang ayaw na niya ako sa buhay niya.

Ilang araw bago magsimula ang klase, nakipagkita ako kay Cruzette. Just like the usual, inaya ko siya sa Taste from the Greens. Sabi ko sa kaniya ililibre ko siya basta pumunta lang siya. Minsan ang ewan ko rin sa mga kaibigan ko.

We grew closer together. Hindi ko alam kung kailan exactly nagsimula pero kapag kausap ko siya, pakiramdam ko okay lang na magsabi ng kung ano-ano. Ang bait kasi niya. Alam kong hindi niya ako ija-judge. Hindi ko alam kung umabot na ba sa puntong minsan na siyang nainis sa drama ko at nahihiya lang siyang banggitin. Magso-sorry naman ako. Kaya ko naman ayusin behavior ko.

“It's okay. No problem. Para namang ’di tayo friends!” Isang ngiti. Pinagmasdan ko siyang galaw-galawin ang hawak na cup habang binabalot kami ng katahimikan. “Pero maiba tayo, wala pa rin bang progress sa inyo?”

Isang buntonghininga ang kumawala sa baga ko. Pakiramdam ko tuloy miski siya pagod na rin sa hindi matapos na dilemma namin ni Pan. Sinubukan kong tumango sa kaniya bilang sagot.

“I'm sorry. Wala akong magawa to help you numb the pain,” aniya.

“Deserve ko naman siguro ’yon? Pagkatapos ng nagawa ko sa kaniya . . .”

“Valid din naman ’yung nararamdaman mo. Don't be too hard to yourself.”

I paused. “Para sa ’kin kasi kahit sabihin nating valid naman ’yung naramdaman natin, reflection kasi natin ’yon sa sarili natin. Alam nating may mali tayong nagawa. Parang jina-justify lang kasi natin ’yung wrongdoings natin kapag sinabi nating ‘okay lang ’yon, valid naman tayo.’ Valid kayo pareho. But that doesn't change the fact na may nasaktan. Dapat akuin ’yung mga naging kasalanan.”

I looked at her. “May nasaktan, so ano nga dapat gawin? Ang nakikita ko kasi sa ’yo you got no courage to face him. Kasi pakiramdam mo wala kang mukhang maihaharap sa kaniya?” Sandali niyang pinaglaruan ang cup na hawak. “Hindi naman sa pinangungunahan ko lahat pero malay natin isang sorry lang pala ang katapat? Mas okay kasi na marinig nila ’yon mula sa ’tin hindi ’yung lagi lang natin minumwestra na we're very sorry sa nagawa natin sa kanila. Hindi magiging sapat ang initiative lang sa paghingi ng apology. Mag-sorry ka nang harapan. Hindi man n’on 100% sure maayos ang lahat, at least there is a chance for you to open the door for forgiveness.”

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang hirap mag-digest ng mga bagay kapag nasa ganito kang state. Ang hirap i-manage ng mga thought. Hindi mo alam kung alin sa puso at isip ang susundin at pakikinggan.

“Xei, you have to make a move.”

Tumitig siya sa mga mata ko, tila kinukumbinsi ako.

“Hindi ko alam kung paano,” tapat kong sagot. “

“Just face him,” she smiled. Maya-maya ay nakita ko ang pag-angat ng pinky finger niya. “Promise mo sa ’kin na magso-sorry ka sa kaniya,” aniya, more on commanding me.

I tried to make a smile.

Mukhang nainip sa lack of response ko kaya siya na mismo ang kumuha ng kamay ko para makipag-pinky promise sa kaniya. “You have to be strong. Huwag kang panghinaan ng loob. Kakayanin mo naman ’yan, ikaw pa?” aniya habang nakangiti, tila pinapagaan ang loob ko.

Natawa na lang ako nang marahan.

“Sige na, gagawin ko na.” Bumitaw kami sa pinky finger. “Basta bigyan mo lang ako ng time to process everything.”

Muli siyang ngumiti.

“Sana magawa mo as soon as possible. Huwag mong hayaan na umabot sa point na huli na ang lahat.”

Hearing this, sana nga hindi pa huli ang lahat.

***

a short update.
last three chapters to go.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now