Chapter 18: Some Sort of . . .

142 8 3
                                    

CHAPTER 18
SOME SORT OF . . .

'Good morning! Nag-almusal ka na?'

Saktong alas otso ng umaga nang magising ako mula sa pagkakahimbing, text message kaagad ni Pan ang unang bumungad nang tingnan ko ang phone ko. Limang minuto pa lang ang lumipas nang matanggap ko ang mensaheng iyon. Hindi pa man din nakakapaghilamos, nag-type na kaagad ako sa keyboard sa screen ko para makapag-reply.

'Hindi pa po. Kakagising ko lang, eh.'

Ilang segundo pa lang ang lumilipas nang ipadala ang message, nakatanggap na kaagad ako ng tugon sa kabilang linya.

'Awe, wag ka magpalipas ng gutom. Almusal ka na po ^__^. Gusto mo ipagluto pa kita?'

'Corny mo. Haha! Sige na po maghihilamos na po ako.'

'Okie po. Ingat baka madapa ka. Hindi ko pa naman kakayanin na mawala ka.'

Natawa na lang ako nang mabasa ang message niya. Hindi ko alam kung paano magre-respond nang matino sa kaniya. Sa sobrang sweet niya kasi, pati ako nagki-cringe. Pero ewan. Minsan nangingiti ako kapag nagiging vocal siya. Although dumadating 'yung puntong nawe-weirduhan ako sa nararamdaman ko at sa set up namin, hindi ko maitatangging gusto ko ang mga ginagawa niya sa 'kin.

Kahit ilang araw na ang lumipas nang hinayaan ko siyang manligaw, parang bago pa rin siya sa pakiramdam. Madalas hindi ako makapaniwala na nangyayari ang ganitong bagay sa aming dalawa ni Pan. Para kasing hindi kapani-paniwala. Kusa na lang akong natutulala sa kisame o sa kung saan, parang nakatitig sa kawalan, sino-sort out ang mga pangyayari sa kung paano kami umabot sa sitwasyong ganito. Minsan kinukurot ko sarili ko para magising, only to find out na hindi pala panaginip ang lahat.

Totoo 'to.

Totoo siya.

Simula nang tanungin ako ni Pan kung pwede ba naming subukan, madalas na siyang nakabantay sa 'kin. Hindi pa naman dumarating sa puntong nasasakal ako. Madalas na kasi kaming magkausap. Madalas bumanat. Madalas ding lumabas nang kami lang dalawa. Palagi siyang nagte-text at tumatawag para kumustahin ako, tanungin kung nakauwi na ako, alamin kung ayos lang ba ako at kung ano-ano pang mga tanong na pinipili ko pa ring sagutin kahit minsan hindi ko na alam ang sasabihin.

Literal na wala akong masabi. Minsan 'di ko maisip na 'yung dating friendly hug at akbay niya sa 'kin, magkakaroon ng meaning ngayon. Kapag kami lang dalawa at walang ibang nakakakita, hinahayaan ko siyang hawakan ang kamay ko; minsan pinaglalaruan pa niya mga daliri namin. Hanggang ngayon dina-digest ko pa rin na mayroong something sa pagitan namin ng best friend ko. Ulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na bago siya sa pakiramdam. Hindi kasi ako makapaniwala na darating sa puntong may lalaking lalapit sa 'kin. He's the first boy. Masaya. Nagugustuhan ko kung paano siya magkaroon ng mas pinalalim na concern sa 'kin. Masarap pala sa pakiramdam na mayroong ding naglu-look out sa 'yo.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin matapos maghilamos. Hindi naman sa self-conceited pero mukhang ang bright ng mukha ko ngayon kahit sabon lang ginagamit ko sa mukha ko lately. Sinubukan kong ngumiti, tiningnan ang sariling mukha sideways. Ngumiti ulit ako at pinalobo ang pisngi para alamin kung totoo ba 'yung sinasabi ni Pan na cute ako. Hindi ko mapigilang matawa nang ma-realize kong mukha na akong tanga sa salamin.

Kung hindi pa ako katukin ni Mama sa banyo, hindi ako lalabas. Nang buksan ang pinto, bumungad sa harapan ko ang nakakunot na noo ni Mama.

"O ba't ka nakangiti?" takang tanong nito.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz