Chapter 16: After Shock

209 24 13
                                    

CHAPTER 16
AFTER SHOCK

•••

I never liked boys. I actually hate them for treating me bad since my traumatic era of being young and weak, especially those who proclaimed themselves as "real boys." Stereotyping, maybe? Pero sila mismo ang nagsampal sa mukha ko na I will never be like them. I'm thankful, actually. Kung ganoon lang ka-narrow ang batayan nila para matawag na lalaki, I will never be one. Siyempre exception ang Bros Before Hoes sa inis ko. They are the only boys I like, but not in a romantic way.

However in this matter called attraction, I don't think I will ever like a guy. Hindi sa straight ako, dahil hindi naman talaga ako straight kapag nakatayo. I don't want to put any label in my gender identity. Hindi sa ayaw lang matawag na bakla o silahis, any terminologies . . . name them. I just believe in versatility. Anyone has the right to like whoever they want. Gender fluidity. Kung kanino ka tamaan, tatamaan ka. After all, it's not about what's in the pants, but what's in our hearts.

Pero kung ipapasok ko si Pan sa ideology ko na 'to, kahit minsan hindi ko nakita ang sarili ko kasama siya sa romantic na paraan. Siguro nga kinain ko rin ang sinabi ko sa kaniya; nag-set ako ng fine line sa pagitan namin. To prevent on thinking of malicious things. Na kahit magbigay siya ng mixed-signals, hindi ko malalamang mixed-signals na pala iyon.

Isang araw na ang lumipas simula nang umamin si Pan pero para pa rin akong na-warshock. Paano ba naman sobrang tahimik na ng buhay ko, tapos sa isang iglap para akong pinaulanan ng bomba. Ang pasabog - confession niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang maguluhan sa mga sinabi niya. Hindi ko ma-digest. Buong gabi kong inisip kung paanong nangyari iyon. Ang ganda ng usapan, eh. Everything is clear that he's pertaining to Alexa. Iniisip ko tuloy kung may nabanggit ba siyang si Alexia ang pinatutunguhan niya o talagang automatic lang na si Alexia ang nasa isip ko kapag may binabanggit siyang mga bagay.

Pero hindi, eh. Malinaw sa isip ko ang mga kinwento niya noong nakaraan. Na kaya hanggang ngayon wala pa siyang girlfriend, eh, dahil kay Alexia. He told me about the four-year thing of them. Pati sa kung paano niya ginawang wallpaper si Alexia sa phone niya, tanda ko pa. Kung talagang gusto niya ako for almost two years, parang ang tanga ko naman kung hindi ko mapansin 'yon. Hindi ako manhid. For sure, niloloko niya lang ako. At kung totoo man ang hinala ko, puwes hindi magandang biro 'to.

Sinalubong ko ang panibagong araw sa school na litong-lito pa rin sa kaganapan. Halos thirty-minutes ba namang nasa banyo at iniisip ang mga nangyari, hindi na kataka-taka na dadating ako sa school nang medyo late. Pagsiwang ko sa pinto, presensya kaagad ni Pan ang napansin ko. Nakasandal ito sa bintana, tumatawa na para bang walang nangyari habang kausap sina Kuya Benny at Pao. Hindi ko alam kung alam ba ng dalawa 'yung ginawa ni Pan noong movie marathon namin, pero feeling ko maiinis ako kapag nalaman kong kasabwat sila dahil hindi ko matatanggap na pinagkaisahan ako.

Nang tumama ang mata ni Pan sa 'kin, kusa itong nahinto sa pagtawa. Mukha ngang ewan dahil nakatitig lang ito sa 'kin. Kung hindi pa ako makita ni Kuya Benny at tawagin ang pangalan ko, hindi sila titinag sa pwesto nila. Kusang lumabas sa baga ko ang isang malalim na buntonghininga bago magdesisyong lumapit sa kanila.

I smiled at them, including Pan, as if nothing happened. Hindi ko napigilang ang pagtaas ng kilay ko nang hawakan ni Pao ang balikat ko, tinititigan ang mukha ko.

"Stressed ka? Mukhang 'di ka nakatulog."

Automatic na nalingon ako kay Pan, bigla itong lumihis ng tingin. Pagkatapos ay gamit ang notebook na hawak ay hinampas niya ito sa likod ni Pao. "Mamaya ka na makipagkwentuhan, kopyahin mo na 'to!" Tapos ay natawa siya. Maya-maya ay napatingin siya sa 'kin. Isang malamlam na ngiti ang ibinigay nito sa 'kin bago bumalik sa pagbubuklat sa loob ng bag niya.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now