Chapter 01: Where We Started

1.3K 63 34
                                    

P

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

P.S. ANG MABABASANG VERSION NGAYON NA ’TO AY VERY VERY UNEDITED. SO EXPECT A LOT OF GRAMMATICAL ERRORS AND MISSPELLINGS DAHIL HINDI DUMAAN ANG BAWAT CHAPTERS SA THOROUGH EDITING. I JUST WROTE IT, READ IT 2-3 TIMES, THEN POSTED IT IN PUBLIC RIGHT AWAY. PLS BEAR WITH ME PO~ (071723).

WHERE WE STARTED

•••

It's more hard these days to get a real gang: those guys who are trustworthy enough to tell your secrets and other thoughts. Those crazy dudes who are willing to accept you for who and what you are. Those little devils who are able to understand whatever you are feeling at certain times. And those who will hold you accountable through ups and downs — those little yet big things you never expect to get, but you luckily did.

Kung ako ang tatanungin, sa ngayon kasi . . . o baka noon pa man, mahirap nang kumilala ng genuine na tao lalo’t karamihan sa mga na-o-observe ko ay mastered na ang art of deceiving — mga taong kakaibiganin ka lang dahil pwede ka nilang gamitin in need of help. For years of living, lahat ng dumaan sa buhay ko parang ginamit lang ako in different aspects. Kakausapin ka kapag naiinip sila. Lalapitan ka kapag kailangan nila. Tatawagin ka kapag trip lang nila. Feeling ko nandito lang ako sa mundo para punan ’yong mga space na need mapunan.

Nang ma-realize kong ganito tumakbo ang pagkakaibigan, natakot na akong makihalubilo sa mga tao. Kung may lalapitan man ako, isa o dalawa lang. Pero ’yung matibay na connection ko sa kanila para matawag na best of best, wala. Hindi ko rin alam kung bakit parang naging OA ang reaction ko. Basta natatakot ako. Baka siguro kinalakihan ko na rin . . . na hindi ako sanay sa mga tao.

Mabuti na lang bandang 2018, nakakilala ako ng bagong tao. My image from my former school vanished as I changed my school during senior highschoolb — sa may San Santiago Integrated High.

Siyempre noong una, nakakapanibago. Sobrang daming bagong mukha na noon ko pa lang nakita. I admit, it’s difficult, but I have to adjust. But the good thing with that, I met Cruzette during those of adjustment.

“Z na lang,” naalala ko pang sabi niya.

She became one of my first friends there as I met her during enrolment. Then chose to add me on her circle when she realized I don't socialize that much with our classmates. Lagi niya ’kong dinadamay sa kahit saan kapag kasama niya sina Reene at Ced, mga original niyang kaibigan since elementary.

We enjoyed our time together. Yet events after events, things didn't go well between the both of us . . . as friends. As the time goes by, parang unti-unti kaming lumayo sa isa’t isa for some reason. Dagdag na rin noong inayos ng adviser namin ang seating arrangement sa room, sorted randomly. Doon ko naging katabi si Pan.

Una pa lang hindi ko na siya binalak kausapin. Ewan. May sense of arrogance kasi siya. Hindi naman superiority complex, medyo mahangas lang. Mahangin. Sa tingin ko nga, baka naging cons lang ’yon ng pagiging popular niya sa school. Balita ko kasi, bandista siya. To be specific, bassist ng Bright Mind Piyoque na sa school lang din naman yata namin well-known?

Laging may dalang gitara sa school kahit mukha namang “guitarister” na intro ng Magbalik ng Callalily ang tanging alam. Pero hindi rin katanggi-tanggi na may itsura siya kaya ganoon na lang ang tinginan sa kaniya ng mga baby bra warrior sa school. Two-block cut chinito boy with little cut sa kilay at umaabot ng 180cm ang tangkad — sino ang hindi magpapantasya . . . ako lang yata? Obvious naman dahil pareho kaming lalaki. I perceive, normal lang na maramdaman mong parang may kakumpetensya ka sa mga babae sa paligid mo.

Naalala ko pa first interaction namin.

“Hello, Agasi!”

Sumilip ako saglit sa kaniya at binigyan siya ng tipid na ngiti. Pagkatapos n’on, nagtuloy-tuloy na ang pagdaldal niya. Natatandaan ko pa kung paano niya sinabing parang robot daw ako kung umakto. Laging seryoso ang face features ko. Straight-faced. Parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi naman ako masyadong nainsulto. Ba’t naman kasi ako ma-o-offend sa facts?

“Parang hindi ka naman masaya na nakita mo ’ko! Ayaw mo n’on, may mukhang Paraiso kang katabi na kayang-kaya ka ring dalhin sa Paraiso?”

Kusang kumunot ang noo ko sa narinig sa kaniya. Natatawa lang itong sumenyas sa hangin dahil sa naging reaksyon ko.

“Signature line ko ’yan sa mga magiging bebe ko.”

Nakita ng mga mata ko kung paano ito nagpigil ng ngiti. Ako, napailing na lang ng ulo at nagpatuloy sa ginagawa. Ang annoying niya. Pero gaya ng naaalala kong lesson ng teacher namin dati, likas daw na adaptive ang mga tao. Siguro tao nga talaga ako kaya nasanay na rin ako sa mga kabaliwan ni Pan. Hindi ko alam. And despite my annoyance with him, we became friends eventually. “Bestfriend,” as he told me.

It all started because of stories . . . literal stories. Mula sa pagkekwento niya ng personal issues niya at sa mga makamundong bagay mula sa sarili niyang perspective. Sa paraan niyang ’yon, nagawa niya ’kong tangayin sa agos at buksan ang nilalaman ng dibdib at isip ko. He had his own way to open these secret doors hidden upon me.

Dahil din sa mga pintong ’yon kung bakit hindi lang si Pan ang nandito sa tabi ko. There’s Kuya Benny and Pao to complete the whole gang. And I'm glad that I have met these fucked-up guys. I'm deeply happy that the world let our paths crossed. I'm feeling great that they willingly shared their own little yet big universes to me and let mine merged with them.

Nagsimula lang naman ’yong bond na ’yon nang magsama-sama kami sa isang baby thesis na ipinagawa sa ’min ni Ma'am Chavez. Instead English for Acads Group 3 GC, Bros Before Hoes ang nangyari, as what Pao entitled it. Simula sa simpleng usap hanggang sa naging chismisan. From nothing into something. Hindi ko maipaliwanag. Basta nangyari na lang.

Hindi ko nga alam kung bakit nagkasundo-sundo kaming apat. Hindi man sobra pero ang opposite namin sa isa’t isa in terms of different aspects. Mayroong maingay at mayroong tahimik. Mayroong seryoso at mayroong palabiro. Mayroong palaaral at mayroong bulakbol. Sa pagiging opposite, para kaming naging jigsaw puzzle na naging konektado sa isa’t isa upang makabuo ng imahe — pagkakaibigan.

They taught me how to break the walls that had kept me hiding for years, so that I could see what beautiful things waiting for me ahead. And look what I found . . . them.

Sila ang mga nagpapatunay na hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko. Na hayaan ko muli ang sarili kong magtiwala. Na ma-attach sa mga tao at bagay-bagay. At hayaan ang sarili na ma-enjoy ang natitirang mga araw ko sa middle school. And I am going to start that thrilling part of being a highschool student by letting myself involved in a scheme. Particularly . . . a one-sided love scheme.

[ r. 122020. ]

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant