Chapter 24: Another Confession

136 19 1
                                    

CHAPTER 24
ANOTHER CONFESSION

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong humingi ng sorry kay Pan noong gabi. Sa sobrang daming nasa isip ko, kahit kakasabi pa lang sa akin ni Cruzette, nakalimutan ko na kaagad. Ayaw ko man gawin dahil nami-miss ko nang kasama si Pan nang kami lang, pero kinailangan kong i-postpone muna 'yung pagkikita namin. Right now, alam kong mas kailangan ni Cruzette ng kahit isang makakausap. Kaya hindi pa man sumasapit ang napagkasunduang oras ng pagkikita, nandoon na ako sa mismong venue - sa nearest branch ng Taste from the Greens.

Tila niyayakap ako ng lamig ng lugar habang hinihintay ko siyang dumating. Hindi gaanong kalakihan ang branch na ito kumpara sa ibang branch na nakikita ko sa internet, pero enough na siguro ito to cater few number of costumers. There was a scent of vanilla flowing all over the place. Dagdag rito ang ingay na ginagawa ng blender sa dulong bahagi ng store. May dalawang klase ng set ng seat ang matatagpuan sa loob: may parang couch na nakaharap sa isang rectangular na wooden table, samantalang ang isa naman ay ilang bilog na upuan na nakapalibot sa isang bilog ring lamesa na gawa sa kahoy. The store is easy to find as it was located beside the church, along with other establishments such as fast-food chains, cake shop, a book store and a thrift store.

Habang inuubos ang oras sa pagtingin sa lugar, saktong dumapo ang mga mata ko sa babaeng naglalakad papasok sa mirrored door ng lugar. Kasalukuyan itong nakasuot ng isang puting dress na may puff sleeves. Kung pagmamasdang maigi ay makikita ang ilang pink-coloured flowers na nakaimprenta rito. Siya namang bahagyang taas ko ng kamay bilang pagbati sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin bilang sagot.

"Sorry, late," aniya.

"No prob, kadadating ko lang," pagsisinungaling ko. "Gusto mo order muna tayo?" tanong ko sa kaniya.

Kaagad akong tumayo sa kinauupuan nang tumango siya bilang sagot.

"So what do you like? Anything, treat ko na sa 'yo," paanyaya ko.

"No! Okay lang kahit ako na. Besides ako naman nagyaya."

"Okay lang naman sa 'kin," pilit ko.

"Promise, it's okay." Tapos ngumiti siya. Lumapit siya sa counter atsaka tumingin sa menu na naka-post dito. Ilang segundo lang ang lumipas ay tila alam na kaagad nito ang kaniyang gusto, kaya mabilis din siyang lumapit sa cashier. Aniya, "Hello, Sir. Isa pong chocolate smoothie."

"Isang chocolate smoothie. Ano po toppings?" pag-uulit ng cashier.

"Uhm . . . salted cream cheese?"

"Salted cream cheese. Sugar level po?"

"50 percent po." Ngumiti ito sa cashier.

Pinanuod ko lang siya the whole time habang kausap ang cashier sa harapan namin. Nang masabi ang order ay inulit ito ng cashier para ma-check kung tama ba ang in-encode nito sa papel na hawak. Mukhang tama naman ang narinig nito kaya tumango si Cruzette. Pagkatapos niyon ay agad naman siyang tumingin sa akin. "Ikaw? What do you want?"

Kung hindi pa niya ako tanungin hindi ko mare-realize na wala pa akong napipili. Hindi ko tuloy mapigilang mataranta habang tumitingin sa menu. Pero kahit gan'on, ginaya ko na lang ang order niya. "Pero zero percent po 'yung sugar level," dugtong ko pa.

Nang matapos iyon ay kaagad kaming bumalik sa aming upuan para hintaying dumating ang order namin. Binalot kami ng katahimikan sa mismong pagkakataon na iyon dahil hindi rin ako sigurado kung paano sisimulan ang usapan.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now