Chapter 03: Just Like in the Novels

207 20 7
                                    

JUST LIKE IN THE NOVELS

•••

May tatlong rason kung bakit hindi magiging kami ni Cruzette: first, aware akong hindi kami pareho ng nararamdaman para sa isa't isa; second, langit siya samantalang hampas-lupa naman ako; pangatlo, may boyfriend siyang kung tutuusin ay much better sa akin sa maraming aspects. Kung susumahin, first reason pa lang alam ko nang talo na ako.

Ganoon kakomplikado ang sitwasyon ko. Dagdag pa ang fact na hindi ko kayang higitan ang boyfriend niya - si James. Paano ba naman kasi, gwapo at athletic na nga tapos matalino pa? Samantalang ako, patatas na nga, 'yung hindi pa nahugasan. Ang advantage ko lang sa kaniya, hindi ako nabansagang babaero sa campus. Sa sobrang good ng image ko, hindi ako kilala.

In short, lamang pa rin siya.

Hindi ko mapigilang ma-insecure sa sarili ko kapag pumapasok sa isip ko ang disadvantages ko. There are times na naaawa na lang ako sa sarili ko kapag humaharap ako sa salamin. Hindi ko mapigilang maiyak. I'm trying to be better, but I just couldn't. Sa tingin ko nga, ito na 'yung best version na maibibigay ko. Such a shame, I know. Nakakalungkot.

Pero ewan ko ba kung bakit parang bigla na lang akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang may masagap akong balita. It was a sunny morning and probably a good day for me, I guess.

"Narinig mo na ba ang balita?"

"Anong balita?"

"Game over na raw sina Z at James."

Pero vengeance aside, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako noong unang beses kong marinig ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Gusto kong sumigaw ng "finally, may chance na 'ko!" pero partly naiisip ko ang nararamdaman ni Z ngayong break na sila ng boyfriend niya. Lalo pa't aware ako na once their relationship ended, alam kong malaking dagok iyon para sa kaniya. Malinaw sa akin kung gaano niya kagusto si James.

Noong minsang aksidenteng mag-eavesdrop ako sa usapan nila ng mga kaibigan niyang sina Reene at Ced, para akong nabingaw noong confident niyang sinabi na humahanga siya sa boyfriend niya. Aniya, "I could see his dedication and determination to me. Na-sense ko, sincere naman siya sa 'kin. Oo, sabi ng iba medyo playboy siya but I couldn't see it. Kung oo man, maybe dati 'yon at 'di na ngayon. People change. That's what they say."

That love despite of flaws and imperfections is the reason why I'm aware how much she loves him. Proven na ang feelings niya sa kaniya. Kahit kilala na niya kung sino si James at sa possibilities na pwede nitong gawin sa kaniya, hindi niya iyon pinansin at pinagtuonan ang good intentions ng lalaki. That's risking for love. And based on romantic novels that I've read, it's too difficult for people to risk for love, to love without what-ifs and the likes. Doon pa lang, alam ko nang wala akong laban.

But seeing Cruzette today, it's like she's suffering in silence.

Naaalala ko ang mga panahon na nahihirapan akong lumapit sa kaniya. Laging nasa isip kong hanggang tingin na lang ako sa kaniya. Na kahit gustuhin ko man, nahihirapan akong lumapit. Para kasi akong sinasakal ng mga titig niya. Hindi ko magawang kumilos nang maayos kapag malapit siya sa tabi ko. Kaya nga hindi ako tumitingin sa kaniya sa tuwing may reporting ako dahil paniguradong epic fail ang kalalabasan. Kaya rin hindi ako makalapit sa kaniya noong may pagkakataon pa.

Pero gusto kong maglakas-loob this time. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kaniya. Simula nang malaman kong break na sila ni James, parang ang baba na ng energy niya. Iyong sweet aura na napapansin kong bumabalot sa kaniya palagi, parang lumamlam na. Kaya kahit na nahihiya ako noong lunch break, sinubukan ko pa rin gumawa ng paraan para i-reach out siya. Wala rin naman siyang kasama. Nakaupo lang kasi ito sa seat niya at parang walang balak kumain sa canteen. Iyong mga kaibigan ko naman, halatang sobrang gutom na kaya nauna nang lumabas sa room.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now