The Death of Lovesick Boys

444 27 28
                                    

E P I L O G U ETHE DEATH OF LOVESICK BOYS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


E P I L O G U E
THE DEATH OF LOVESICK BOYS

“End of the world talaga kapag ’di ako nakapasa.”

Pinigilan kong matawa sa reaksyon niya para hindi ko siya ma-discourage.

Pinagmasdan ko kung paano siya mag-face palm habang hinihintay na lumabas ang entrance exam result ng Bulacan State University. Nag-apply din ako rito pero nauna na akong nakapasa sa Philippine Normal University. Besides nakapag-decide na akong doon tumuloy.

Sa lahat ng naging exam niya, ito na lang ’yung last na hindi naglalabas ng result. Ito na lang din chance niya for public university dahil hindi siya nakapasa sa UP at PUP. Kung hindi man siya makapasok (na hopefully ay ’wag mangyari), no choice siya kundi pumasok sa private university na ayaw niya sanang mangyari dahil sa problema sa gagastusin niya at ng parents niya. Gusto niya na raw kasing maging independent. Besides may share na rin naman na siyang nakukuha dahil regular na ’yung gig niya.

“’Wag ka nang kabahan,” sabi ko.

“Thanks, ah. Nakatulong!” Pagkatapos ay pabiro niya akong inirapan.

Gayang-gaya na niya ’yung kilos ko. Nakakainis. Hindi ko tuloy napigilang kagatin tainga niya sa sobrang gigil. Automatic namang nalanghap ng ilong ko ’yung amoy niya. Ang bango talaga ng lalaki na ’to ever since. Kahit nga siguro nakapikit ako, alam kong nasa malapit na siya kapag naamoy ko na ’tong partikular na amoy niya. Fresh na matamis pero manly na hindi ko maipaliwanag.

“May ibang school pa naman diyan na iba kung ’di ka man palarin sa BulSU.” Kayang-kaya niya ’yung ibang school for sure, enough naman siguro pera nila para sa tuition niya.

“Okay lang din naman. Kaso nga ano . . . mas inaalala ko ’yung deal natin.”

Hindi ko tuloy napigilang matawa. Akala ko nagbibiro lang siya sa sinabi niya. Noong isang araw kasi nagkaroon kami ng deal na kapag nakapasa siya sa university na ’to, dapat sagutin ko na siya. Wala na raw siyang paki kung napipilitan ako. Natawa lang ako sa thought na ’yon kasi siya lang naman nag-iisip na mapipilitan ako.

“Eh kapag ’di ako nakapasa, baka matagalan pa. Chance ko na ’to!”

Gusto ko na rin naman na siyang sagutin. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa kaniya. Humahanap pa ako ng magandang timing. Wala na rin naman nang problema dahil sure ako na mahal ko siya. Sadyang wala lang talagang label. Eh sa ’kin hindi naman na mahalaga ’yon. Siya lang naman talaga.

Two weeks ago nalaman ng parents ni Pan ’yung sa ’min. Wala namang sinabi ’yung Papa niya, pero medyo nagtampo si Tita. Una kasing pumasok sa isip nito kung paano siya mabibigyan ng apo ni Pan na apparently ay tinawanan lang ni mokong. Pero later on sabi nila, kung saan daw masaya si Pan, support lang nila ito. Mas nag-aalala pa nga raw sila sa ’kin kaysa sa anak nila. Sobrang bait ko raw kasi. Tapos itong si Pan, masyadong pilyo. Nagtawanan pa kami noong sinabi ni Tito na balitaan ko raw siya kapag niloko ako ng anak nila, hindi raw sila magdadalawang isip na i-disown si Pan.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now