Chapter 23: Cancelled Plans

162 20 9
                                    

CHAPTER 23
CANCELLED PLANS

That night kung hindi ko pa kulitin si Pan sa kung ano'ng ibig niyang sabihin sa thought na hindi na magtataka sina Kuya Benny at Pao dahil magkasama kami, hindi niya sasabihin ang katotohanan. Hindi ko alam ang ire-react ko nang ikwento niyang alam na ng dalawa na may something in between kami. Napalunok lang ako ng lalamunan ko. And what made me put in shock, miski si Kuya Phylix alam na rin. Kaya pala ganoon siya umakto kapag nakikita ako, pakiramdam ko tuloy ang dense ko.

"Ano'ng nangyari? Paano mo ginawa? Kailan pa nangyari?"

Pero ang sagot niya, "Basta iyon na 'yon. Ang mahalaga, alam na nating okay lang sa kanila." Tapos ay nagpatuloy siya sa pagkain ng beef pares na parang wala lang ang tanong ko sa kaniya.

Sinubukan ko siyang sipain sa paa para malaman ang nangyari, pero tinawanan niya lang ako. "Ano ba 'yan! Dapat nag-consult ka pa rin sa 'kin," bulalas ko.

Alam kong tapos na pero parang doon lang umakyat ang kaba ko. Sabi ko naman sa kaniya dapat isama niya ako if ever aaminin na namin sa kanila 'yung sa amin. Pero aniya, mas okay na raw na inunahan na niya para hindi magmukhang kino-corner namin sila. Besides, mas gusto niya na siya ang unang masaktan kung sakaling itakwil kami ng kaibigan at kamag-anakan namin. Medyo naawa tuloy ako sa sinabi niya kaya dinagdagan ko ang beef sa mangkok niya. Knight in shining armor 'yan? Minsan ang sarap din talagang kurutin ng lalaking 'to.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung paano niya ginawa at kailan pa niya sinabi, pero kapag pipilitin ko siya, nagmumukha lang akong tangang kumakausap sa hangin.

Pero sa isip-isip ko ngayong alam na nila, kahit paano parang nabawasan ako ng pangamba lalo't hindi na namin kailangan doblehin ang pag-iingat na baka may makahalata sa amin. Masaya ako na tanggap kami ng mga taong gusto naming tumanggap sa amin. Although hindi ko maiwasang mapaisip, "Bakit kaya kailangan pa nating humingi ng validation sa ibang tao about sa relationship natin as if we have a special case, eh, katulad lang naman natin ang ibang couple sa mundo. Gender lang ang naiba."

Aniya, "Wala rin naman tayong magagawa. Sumusunod lang din sila sa standard na binuo ng mga tao sa society."

Kusang napakunot ang noo ko.

"Sure ka BSIT kukuhanin mo?"

"Baka nakakalimutan mong HUMSS din ako. Magkaklase tayo."


Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng awkward feeling kapag kasama namin sina Kuya Benny at Pao. Kahit few weeks na ang lumipas nang aminin ni Pan na alam na ng mga ito, wala, ganoon pa rin ako. This was the first time they saw me having someone romantically, of course after my relationship with Cruzette which didn't turn out good by the way. Hindi ko in-expect na ganito pala nakakahiya.

"Ano balak mong lunch?"

Kaagad ang akbay ni Pan sa akin.

He always make me feel better.

Minsan kahit hindi ko alam kung paano magre-response sa pagiging sweet niya towards me, hindi siya nagsasawa sa akin. Mukhang wala pa rin siyang tumigil kahit minsan binabatukan ko siya sa mga rasong pasalit niyang aamuyin ang leeg ko o kaya ay yayakapin ako sa tiyan. Sabi ko sa kaniya, huwag niyang hahayaan ang sarili niyang maging clingy palagi dahil baka ma-obsess siya, kahit sa isip-isip ko sino ba naman ako para ka-obsess-an. Heavy word na kasi ito.

"Kung ano na lang siguro sa 'yo," sagot ko.

"Okie," aniya. Isang ngiti ang ibinigay nito sa akin bago tumungo sa labas ng room.

Kasama namin ang barkada na magtungo sa Canteen. Hindi nawala ang biruan. Minsan nararamdaman kong hindi rin nila alam kung paano babanggitin 'yung sa amin ni Pan sa mismong harap namin. Hindi kasi napag-uusapan. Ang laging nangyayari, bibiruin kami kapag nagiging sweet kami ni Pan unconsciously. Pero 'yung tatanungin kami how's life together lately, wala. Mukhang mas nahihiya pa nga ang mga ito kahit alam ng lahat kung gaano kalakas ng mga apog nila.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now