Chapter 13: Healthcare Companion

202 28 6
                                    

CHAPTER 13
HEALTHCARE COMPANION

PAN'S BAND PLAYING THEIR OWN RENDITION OF TAYLOR SWIFT'S WILDEST DREAM ON HER COUSIN'S GARAGE. Kahit nayayamot ako dahil sa pagme-make face sa akin nito habang tumutugtog sila, hindi ko pa rin mapigilang mapangiti sa tuwing nakikita siyang hawak ang kaniyang gitara at inilalabas ang passion niya sa music. Hindi ko mapigilang mapahanga sa kung paano niya ilabas 'yung talents niya . . . because he's really good at it, kahit pa minsan sinasabi niya sa 'kin na ang mediocre niya sa craft niya.

Mabuti na lang talaga at inimbita niya ako sa band practice nila ng mga pinsan niya. They're calling themselves Bright Mind Piyoque, in which I told him "what a weird name for a band." "Mas nakakapukaw kasi ng attention kapag kakaiba," he just answered. Pagkatapos nag-state siya ng groups with weird names such as Panic! At the Disco, Johnny and the Moondogs (which is the former band name of The Beatles), Pussycat Dolls and other names I couldn't remember anymore.

"Mayroon namang meaning 'yon - making great things out of failures." He continued as I looked at him, waiting for more to satisfy my curiosity. "Bright Mind portrays positivity kasi, meanwhile Piyoque came from the word "piyok" which simply means voice crack.

As far as I remember, their band was formed during their family reunion only for entertainment purposes, kaso nagtuloy-tuloy since into music silang lahat ever since. Keyboardist nila si Kuya Colai, tapos si Kuya Lucas naman 'yung drummer; pareho niyang pinsan. Pan, himself, is a bassist and also the backing vocals. Ang kapatid naman niyang si Kuya Phylix, lead vocals. As he mentioned, lagi silang tumutugtog sa D'Bar at nagko-cover ng mga kanta mula sa iba't ibang musicians, pero kahit na isang beses hindi ko pa naranasang mapanuod sila sa gig mismo.

"Wildest dreams, oh~" And then Kuya Phylix smiled as he dropped the last beat.

Kaagad akong napapalakpak matapos silang panuoring tumugtog. Parang mga langgam na nabulabog ang lahat at nagpulasan. Pinanuod ko kung paano nila ayusin ang sarili nilang gamit at itabi muna para magpahinga. Nakailang kanta na rin sila: from Hate to See You Heartbreak ng Paramore and Promises ng Beach Bunny to Dulo ng Hangganan ng IV of Spades at Wildest Dreams ni Taylor Swift. Para akong nanunuod ng paid concert, lightings and stage na lang kulang.

Pinagmasdan ko kung paano lumapit si Pan sa 'kin habang tinatanggal ang pagkakasukbit ng strap ng gitara sa kaniyang balikat. Kaagad kong kinuha ang bottled water sa may tabi ko at inabot sa kaniya. Nang hahablutin na'y kaagad kong nilayo bilang pambibiro sa kaniya. Nanlaki pa ang butas ng ilong nito habang nakatitig sa 'kin. Ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya bago tuluyang ibigay 'yung bote ng tubig para makainom siya.

"Sabi ko sa'yo magaling ka, nakangiti lang ako the whole time," sabi ko sa kaniya, tinitingnan siya kung paano niya buksan ang bote.

"Balita!" reaksyon nito at muntik pang maibuga ang iniinom niyang tubig.
Pumwesto siya malapit sa akin, nakaupo sa puting plastic chair na naka-standby lang kanina pa. "Nandiyan ka kasi kaya kailangan kong galingan," pagbibiro nito.

"Alam mo ang alat mo!"

"Siya lang ba magaling?" Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses, si Kuya Phylix pala. Nakatayo ito sa harap namin habang ngumunguya, hawak-hawak sa kaniyang kamay ang isang bawas na sandwich.

"Magaling din naman po kayo."

"Pero sa tingin mo sino mas magaling sa 'ming dalawa? Bawal bias, ah. Walang best friend - best friend dito," he asked, smiling.

Kusang napalingon ang ulo sa pwesto ni Pan, nakangiti lang ito sa 'kin at tila malapit nang matawa. I gave him a questioning look, asking him what I should answer with his brother. But he didn't get it. Hinadali pa 'kong sumagot.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now