Chapter 02: The Hopeless Case

798 54 23
                                    

THE HOPELESS CASE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THE HOPELESS CASE

•••

Noong sinabi kong, "Things didn't go well between Cruzette and I as friends." Baka siguro as lovers? That's what I thought.

Kung hindi ako nagkakamali, unang beses ko siyang nakita noong araw ng enrollment. Saktong nakapila kami noon sa tapat ng admission office kasama ang ibang mga magpapa-enroll sa Humanities and Social Sciences strand. Para akong poste sa likod niya. Saktong pagkabigay sa kaniya ng enrollment form, napansin ng staff na walang tinta ang pen na ginagamit nila. Ilang beses naghanap ang staff ng extra pero wala itong makita. Napansin ng mga mata ko kung paano siya mataranta noong wala siyang makitang extra kahit sa bag niya. Mukhang nagmamadali yata siya. Ako naman, kahit nahihiya, kagat-labing inabot sa kaniya ang pen ko.

I saw how her eyes glimmered. She gave me a smile, accepted the pen, then gave her gratitude to me. Wala akong ibang ginawa kundi ang tahimik na tumango bilang sagot. I realigned my eyeglasses correctly as I watched her from her back. Kung hindi pa ako kalabitin ng nasa likod ko, hindi ko malalaman na inaabot na pala sa akin ng staff 'yung form.

Humingi ako ng pasensya sa staff at nahihiyang ngumiti bago tanggapin ang papel. Pumwesto ako sa tabi ni Cruzette na noo'y hindi ko pa alam ang pangalan at hinintay itong matapos sa pagsusulat mula sa table ilang centimeters ang layo sa bintana ng admission office.

Ilang segundo lang ang lumipas sa pagsasagot niya pagkatapos ay dumiretso siya sa admission staff para ibalik ang sinagutang papel maging ang requirements niyang nakalagay sa brown envelope. Nakita ko lahat ng naging galaw niya as if naka-glue ang mata ko sa kaniya. At kung hindi pa siya lumapit sa akin, hindi ako aalis ng tingin sa kaniya.

"Thank you."

Hindi ko alam kung bakit pero sapat na ang mga salitang iyon para mag-malfunction ang buong sistema ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Halata pa ang panginginig ng boses ko nang sabihin ko ang salitang, "walang anuman."

Ngumiti-ngiti siya sa akin, parang puppy, as if she's internally laughing about me, but I didn't flinch tho. Aminado naman ako na tila gusto ng paningin ko kung paano siya ngumiti o tumawa regardless of reasons.

Ang tanging naalala kong sinabi niya sa akin bago siya magpaalam, "See you sa first day of class." Pagkatapos niyon ay mahinhin niyang ikinaway ang kaniyang kamay sa akin bago magpalakad papalayo.

That's our very first little interaction. It's kind of funny to think that that short span has given me a big impact.

Hindi nga siya nagkamali. Nagkita kami ulit noong pasukan. Siya ang nag-guide sa akin sa school dahil since 7th grade ay dito na siya nag-aaral sa San Santiago Integrated School. More than that, naging seatmates kami for a very short period of time. Minsan ding naging study buddy; pasahan ng PowerPoint files, hiraman ng notes at whatnots.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now