Chapter 04: Of Beers and Tears

421 47 18
                                    

OF BEERS AND TEARS

•••

The sky is dark, and so is the road. Sumasabay sa pagkinang ng mga bituwin sa kalangitan ang pagkundap ng ilaw ng mga sasakyan sa kalye, pati na ng mga poste. The traffic lights, the billboards, and the signages - it's also shedding us their lights. Halos alas siete na rin ng gabi nang magkita-kita kami nina Pan and Benny sa D'Bar, paboritong drop off place naming apat. Lagi kaming nandito may okasyon man o wala. Basta trip lang namin, go kami. It binds us. Sabi nila sa bawat pag-inom namin dito, para kaming lines na nag-i-interconnect sa isa't isa. Oh, well.

Maganda 'yung lugar. Hindi masikip, hindi maluwag. It gives off neon vibes dahil sa aesthetic lightings na pwede ma-encounter sa loob ng establishment. Iyong mga pieces of furniture, ipaparamdam sa 'yong nasa 80s ka, pero at the same time ay may modern vibes din. May matatagpuang disco ball sa gitnang bahagi ng bar. Sa gilid na bahagi naman nito, may makikitang ministage para sa mga guest band or performer for a certain time, na pwede ring pang-open mic sa kahit na anong oras. Ang bawat pwesto; sa magkabilang gilid ay may sofa in gingham check design. Sa gitna naman ay may matatagpuang isang lamesa na may kaparehong design tulad ng sa sofa.

Pero 'yung pinakagusto naman dito, mura ang drinks kahit na mukhang mamahalin ang appearance ng bar. Sa ilang beses namin na punta rito, kilalang-kilala na kami ng guard at ng ilang bartender. Noong unang punta nga namin, hindi kaagad ako pinapasok. Sobrang bata raw kasi ng itsura ko kahit na matangkad naman ako. Well, in fact, minor pa rin ako, seventeen to be exact. I am the youngest in the gang. Si Pan at Pao kasi, turning nineteen na. Habang si Kuya Benny naman, malapit nang mag-twenty years old. No doubt kung bakit parang baby ang turing nila sa 'kin. Pero in the end, nakapasok din naman ako. Tito kasi ni Pao ang may-ari ng bar.

Katulad ng nakagawian, nag-usap-usap kami. Nagkwentuhan. Nagbiru-biruan habang umiinom sa kaniya-kaniyang bote ng beer. Uminom kami nang uminom. Paulit-ulit na sumabay sa kanta. Nagtawanan. At kung ano-ano pa. Kahit paano, unti-unti kong nakakalimutan 'yung sakit na nararamdaman ko as if mayroong anesthesia ang mga iniinom namin.

May mga times na gusto ko na lang umiyak nang bigla. Pero ilang beses ko ring tinanong ang sarili ko kung anong point ng pag-iyak kung alam ko sa sarili ko na hindi rin naman siya mapupunta sa 'kin.

Payo ni Kuya Benny, "Pero ilabas mo 'yang nararamdaman mo. Hindi naman porque lalaki ka, hindi ka na pwede masaktan at umiyak."

He has a point actually, pero ang bobo ko naman kasi para umiyak sa bagay na ako rin naman ang may kasalanan. Besides, mahal ko ang sarili ko para ipahiya ito sa mismong harapan nila. But . . . but this liquor . . . nawawalan ako ng paki sa paligid. Para akong nag-iibang tao. Parang nararamdaman kong wala akong batas na dapat sundin.

Sa bawat inuman na nagaganap, kahit kailan hindi nawala sa 'min 'yung matinong usapan na may laman. Parang deep talks ng mga bobo ganoon. Nakasanayan na, eh. Pero 'yung highlight sa usapan ngayon - malamang ako.

Kuya Benny turned his face to me. "Ano ba'ng nakita mo kay Z at ganoon ka kabaliw sa kaniya?" tanong nito. Humigop siya sa beer na hawak ng kanang kamay niya at pagkatapos ay tinaasan ako ng kaniyang mga kilay.

Sandali akong napaisip. Parang may biglang kumpol-kumpol ng speech balloon na lumutang sa ibabaw ng ulo ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang yumuko at bumuga ng mga malalim na hininga.

I started to ask myself, "Ano nga bang nagustuhan ko kay Cruzette?" Kung sasagot ako, baka wala rin akong masabi. Hindi ko rin kasi alam, eh. Basta ang alam ko, gustong-gusto kong pinagmamasdan siya. Gusto kong tinititigan ang mukha niya; 'yung kilay niyang manipis, 'yung matangos niyang ilong, 'yung labi niyang pink, 'yung mga mata niyang nagsusumamo, 'yung bangs niyang tumatakip sa maputi niyang noo - siya. Gustong-gusto kong pinagmamasdan siya. Aside from that, mabait kasi siya. I love the softness of her moves, the innocence of her looks; she seems like a cute little bunny hopping across the grassy land.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now