Chapter 15: Sincerity is Scary

251 29 17
                                    

CHAPTER 15
SINCERITY IS SCARY

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano aamin si Pan kay Alexia. Pero sana i-take niya rin as measure ang sinabi ko sa kaniyang staring test. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari once he confessed his feelings to her. Walang nakaaalam kung saang sitwasyon ito eksaktong mahuhulog. Pero one thing is for sure, it's either diretso inuman or diretso bihirang pansinan dahil siguradong nakatutok na ang atensyon niya rito. Wala naman na kaming say doon dahil ang gusto lang namin para sa isa't isa ay maging masaya. Wala nang iba pa.

Naalala ko pa kung paano siya mag-daydream habang iniisip na nasa own bubble na niya si Alexia. Sabi niya, dadalhin niya raw ito sa gig nila. Kakantahan palagi. Gagawan pa ng kanta. Ipapangako rito na siya lang at wala nang iba pa. Hinding-hindi siya titingin sa iba, bagkus ay sa mata lang niya. Hinding-hindi niya raw ito magagawang saktan. Gagawin pa nga niya ang mga gusto nito para mapasaya lang siya, kahit na labag sa kalooban niya. Anything he could think of as someone who admitted himself to be a hopeless romantic. Hopeless romantic only for someone he truly likes.

Para 'ka ko siyang tanga.

Ang sagot lang niya, "Gan'on naman talaga kapag nagmahal."

Bigla ko tuloy naalala 'yong sinabi ko kay Cruzette nang minsang ma-lock kami sa kwarto ni Crisp, included na 'yong panahong umiikot pa ang mundo ko sa kaniya. Para akong tanga. Being in love feels good, but it will just turn into a mere pain once it lasted. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang. Mabuti na lang at tapos na ang mga katangahan ko sa buhay. O baka hindi pa? Hindi ko rin alam.

Speaking of her. Habang hinihintay sa gate sina Pan, Kuya Benny at Pao sa pagpapasa ng late project nila sa faculty, hindi ko inasahan ang biglang pagsulpot ni Z sa harapan ko. Parang hangin. It was the usual frontal appearance I always see in the classroom; fair skin, short-hair, bangs and her pastel bag. But this time, something has changed. Walang glow. Parang puno ng pag-aalinlangan.

Sinubukan kong bigyan siya nang taimtim na ngiti nang magkaharap kami. Hindi siya naka-react kaagad. Para siyang panandaliang nawalan ng battery sa harapan ko. Nang makabalik ang charge niya ay atsaka pa lang siya ngumiti pabalik sa akin, pagkatapos ay hinawi ang ilang strand ng buhok papunta sa likod ng kaniyang tainga. Nakita ng mga mata ko kung paano ito huminga nang malalim bago biglang hawakan ang braso ko sa paglakad, patuloy pa ring nakayuko. Hindi man lubusang alam ang nangyayari, nagpatangay ako sa kaniya.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong nito.

"Pwede naman," bulong ko.

Katahimikan.

"Reene and Ced, hindi na kami nag-uusap. We already cut our ties."

Halata ang pagkabagsak ng enerhiya sa boses niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging behavior ko. Gusto kong sabihin sa kaniya na mabuti ay unti-unti na niyang binibitawan ang mga bagay na toxic para sa kaniya, pero nararamdaman ko kung paano niya hindi gustong pakawalan ang pinagsamahan nila ng kaibigan niya. They were with each other ever since. After all, they were friends. But sometimes it's fine to remove the things that harms you, regardless of who and what they are. It's not a selfish act. It's called caring for yourself. Hindi naman makasarili ang isipin minsan ang sarili.

Ang problema lang ngayon, mag-isa na lang siya. Walang kasama. Siguro iyon ang dahilan kung bakit parang nawala ang dating awra na nakikita ko lagi sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

"Ayos ka lang?" ang tanging nasabi ko.

"Trying to get better," tipid niyang sagot.

Pagkatapos noon bumalik kami sa katahimikan. Parang kung may anong bato na humaharang sa kaniya-kaniyang lalamunan, pinipigilan ang isa't isa na magsalita. Pero nakita ko kung paano niya sinubukang maging matapang sa harap ko.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now