Chapter 31: Save the Date

36 9 2
                                    

CHAPTER 31
SAVE THE DATE

Kahit saan ka tumingin, may magjowa na magkasama. Hindi naman sa naiinggit ako. In the first place wala naman akong dapat ikainggit dahil mayroon akong Pan. Siguro nami-miss ko lang siya? (Kahit kahapon lang magkasama kami. Bakit ba?) Tanda ko pa kung paano niya ako niyakap noong araw na nagkausap kami. I missed everything. Hindi na rin ako nagtaka noong niyakap ko siya pagkatapos ng pag-uusap na ’yon.

Ang nakakatawa r’on, all this time ako lang pala ang hinihintay niyang magsalita. Hindi iyon ’yung scene na ine-expect kong mangyari. Akala ko magiging pasabog, revolutionary. ’Yung may iyakan, may sumbatan at iconic lines kagaya ng mga nasa pelikula. Kumbaga sa bavarian donut, ito na ’yung fillings. Pero ang simple lang ng naging ganap: we just talked. We just needed rest. Kinakapa pa ang mga bagay-bagay. We're both new to this so we understand.

“Alam mo, feeling ko pansexual ka?” Natingin ako kay Z na kasalukuyan kong kasama. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya binutasan ang lid ng in-order niyang milktea. She, then, took a sip and started turning the page of the book she's reading. Mukha ngang nag-enjoy siya sa pagbabasa niya dahil halata ’yung eyebags niya. Wala akong ibang masabi sa sipag niya dahil nagawa pa niyang makapagbasa ng fiction kahit ang dami naming ginagawa sa school.

“Magkaiba ang pansexual sa fluid . . . I think,” alma ko. Pala-desisyon kasi sa orientation at preference ko.

“You don't get me. Pansexual ka. Kay Pan lang sexually attracted. PAN intended” Nang tingnan ko siya, kita ko ang mapang-inis niyang mga titig sa ’kin. Napa-seriously? lang ako sa isip ko habang pinipigilang matawa sa joke niya; or kung joke mang matatawag ’yon.

“Ang random naman n’on. Magbasa ka na nga lang diyan. Ano ba ’yang binabasa mo?” Nang usisain ko ang hawak niyang libro, Almond by Won-pyung Son ito. Sabi niya baka magbasa raw siya ng books na related sa Psychology para magkaroon daw siya ng prior knowledge. Kaya kung related man ito sa sinabi niyang ’yon, ang layo na makakaisip siya ng punchline tungkol sa pansexuality. Dapat sa babaeng ’to DSM-5 ang binabasa nang matahimik.

Everything seems going well. Ang ganda ng panahon. Hindi na gan'on kabigat ang lahat. Sana lang ay magpatuloy. Pero minsan nababahala ako. Pakiramdam ko may nakalimutan akong dapat alalahanin. Siguro assignment lang? Tama, assignment lang.

“A-attend ka ba ng prom?” Cruzette turned to ask me.

“Hindi ko pa pinag-iisipan, eh,” sagot ko.

Bigla siyang napatingin sa akin at binitiwan ang libro sa lamesa. “Two weeks na ’di mo pa rin pinag-iisipan? Ang bagal mo talaga mag-desisyon kahit kailan.” It was a hmmf, I knew it.

Binayaran na niya kasi ang fee ko para sa prom kaya hindi ko rin siya masisisi. Ang desisyon din kasi niya minsan. Feeling ko kaonti na lang magrereklamo na akong wala na akong freedom to do things on my own. Pero kahit gan’on, hindi ko mapigilang matawa sa naging reaksyon niya. Mas nagiging close kami as the day goes by, and now she's confident when she's with me. Hindi naman sa ayaw ko. I like her like that. After all it was nice being her friend.

Nice friend pero masyadong makulit kaya madalas ako mapagod. Ang dami rin kasing nangyari in the past few days: CET review, preparation ng thesis defense sa first week ng March, admission test sa BulSU, graduation pictorial and many more. Feeling ko simot na simot na ang social battery ko.

“Anyways, alam kong in the end pupunta ka pa rin. Imposibleng hindi.” She smirked. Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng libro as if hindi ko ramdam ang pasimple niyang pang-iinis sa akin.

Maya-maya may naramdaman akong kumalabit sa ’kin. Lilingon sana ako pero tinakpan kaagad ang mata ko. Nang hawakan ko ’yung kamay na nasa mukha ko, wala nang ibang pangalan na pumasok sa isip ko.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon