"Teka lang! Kakain ka pa nang pinadala nang kaibigan mo,diba?" Pag pigil ko sa kanya.

"Nawalan na ako nang gana" bigkas nito at aktong lalagpasan na ako nang lakad nang muli ko itong tanongin.

"Bakit naman?"

"Dahil sayo" mabilis pa sa isang segundong sagot nito.

Galit nanaman ba 'to sa'kin?

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

"Kasi nandito ka"

Bakit ba parang palagi nalang kumukulo ang dugo nito sa'kin?

May nagawa nanaman ba akong masama para mag kaganito s'ya sakin?

"Ah ganon ba,sige enjoy your food mukhang special 'yan,padala kasi yan nang matalik mong kaibigan,a-akyat na muna ako para mag karoon ka nang ganang kumain" sambit ko sabay diin nang salitang 'matalik'.

Totoo naman kasi matalik n'yang kaibigan 'yun,parang mas may time pa s'ya duon kaysa sa aming mga kaibigan n'ya,pero sabagay months palang naman kami mag kakaibigan baka sila matagal nang mag kaibigan.

"Ano bang problema mo?" Kunot noo nitong tanong sa'kin.

"Wala naman akong problema,ikaw baka may problema ka." mahinahon kong tugon sa kanya na ngayon ay tila nag aalburuto na ang mukha sa galit.

"Yung totoo?" Taas kilay nitong sambit.

"Wala nga,baka ikaw ang may problema,you can share it naman to your matalik na kaibigan." sambit ko at muling pag didiin sa salitang 'matalik.'

"Why are you keep on pointing to 'matalik na kaibigan'?"

"Wala lang,totoo naman eh" patuloy na pagiging mahinahon kong sambit sa kan'ya.

"Arrgghhh!! Whatever,Tristan!" Sambit nito at tuluyan na akong nilampasan.

Mukhang uminit nga talaga 'yung ulo n'ya dahil sa'kin.

Hayden's POV

Kagigising lang nang diwa ko at pilit na iminumulat ang mata galing sa pag kakapikit.

Nagising ako dahil sa ingay sa baba,may nag aaway yata.

Nag toothbrush lang ako at nag hilamos 'saka napag desisyonan na bumaba at iwan nalang si Keith at Lucas dito sa kwarto.

Pagka labas ko nang kwarto ay agad na nahagip nang mata ko ang nagdadabog na si Nathalie.

Papaakyat 'to at tila wala sa mood makipag usap.

Sinundan lang s'ya nang mata ko at hindi n'ya pa man binubuksan ang pinto ay bumukas na ito.

Niluwa naman nito ang isang napakagandang dilag. Tila aalis nanaman yata ito.

Aktong bababa narin sana ito gaya ko ngunit nang makita n'ya si Nathalie ay kusa din itong bumalik sa loob at sinundan si Nathalie.

Nakakaramdam na ako nang gutom kaya bumaba na ako.

Pag baba ko naman ay duon ko nakita ang siguro'y dahilan nang pagka init nang ulo ni Nathalie kanina.

"Bro,anong nangyari kay Nathalie?" Salubong kong tanong kay Tristan.

"Ayun,na inis ko" tugon nito sa mahinahon na boses.

Marahil wala itong magawa kaya nang trip nanaman.

"Bakit mo naman ginawa yun?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Wala lang" kalmado nitong sagot.

Pambihira talaga 'tong lalaking 'to. Bumabalik nanaman ang pag ka loko-loko n'ya dati.

Tinanguan ko naman s'ya at dumiretso ako sa kusina para mag luto nang kakainin.

Nag luto lang ako nang itlog para sa almusal mamaya na ako mag luluto nang pangkalahatang ulam talaga.

Matapos mag luto ay nag sandok na ako nang kanin at 'saka inilipat ang itlog sa plato ko tsaka ako kumain.

"Bro,kain" pag aalok ko kay Tristan na nakaupo sa sofa.

Kumain lang ako nang kumain at maya-maya lang ay nakarinig ako nang kalabog sa taas.

Tila kalabog ito galing sa pag sarado nang pinto.

Di kalaunan ay nakarinig ako nang yapak at pag tingin ko sa hagdan ay nakita ko si Jenna at Nathalie na nakabihis nang pang alis.

May pupuntahan nanaman yata ang dalawang ito.

Ang kaninang nakasimangot na Nathalie ay ngayon naka poker face naman.

Nilampasan lang kami ni Nathalie at si Jenna naman ay kumaway muna sa amin bago siya tuluyang lumabas nang pinto.

Napag isip-isip ko lang,saan kaya napunta 'tong dalawang 'to?

Parehas kaya sila nang pinupuntahan?

Mall kaya 'yun?

Time to shopping?

Baka may kailangan lang sila bilhin?

"Saan nanaman kay ang punta nang dalawang 'yun?" Tanong ko sa sarili.

"Nakakapagod isipin na hanggang dito nalang tayo sa tabi" dinig kong sambit ni Tristan.

Ang kaninang kalmadong Tristan ay ngayo'y nakayuko na at tila may malalim na iniisip.

"What do you mean,bro?" Tanong ko sabay subo nang kanin.

"Nakakapagod isipin na hindi natin kayang pantayan ang pag katao na nais nang gusto nating babae" sambit nito sa malungkot na tono.

"Your right." Pag sang-ayon ko sa sinasabi n'ya.

"Bro,I wanna ask you something." Sambit ko na nakapag palingon kay Tristan.

"What?"

"Gusto mo bang sundan natin sila?" Bigkas ko sabay lagay nang pinggan sa lababo.

"Matagal na." Natango-tangong sanguni ni Tristan.

"Kung ganon,tara na!" Sambit ko sabay kuha ng susi nang kotse sa ibabaw nang ref.

To be continued..

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα