Nag hintay lang ako ng ilang minuto ng reply nito at di kalaunan ay nag reply na din ito.

____________________________
Unknown Number

I'm Ivan,remember? Ako yung kapatid ni Amier na na-meet mo
Kahapon :)

Receive: 2:48 pm
____________________________

Ah,si Ivan naman pala ito,akala ko nang tri-trip na eh.

Agad ko namang sinet ang pangalan nya sa cellphone ko as 'Ivan😊' para naman di na ako mag taka kung sino itong ka text ko.

Medyo nagta taka lang ako kung paano nya nakuha yung numero ko kaya naman tinanong ko s'ya.

____________________________
To: Ivan😊

Pasensya na,unknown number kasi nakalagay sa cellphone ko kaya akala ko nang tri-trip lang,by the way kanino mo nakuha number ko?

Sent: 2:54 pm
____________________________

Maybe binigay ni Nathalie number ko? Mahilig kasing mang trip yun eh.
____________________________
From: Ivan😊

HAHAHA,bakit naman kita pag tri-tripan?

Receive: 2:56 pm
____________________________

Medyo may pagta taka talagang nabubuo sa isipan ko eh,lalo na't hindi nya sinagot yung tanong ko.

____________________________
To: Ivan😊

Siguro,stalker ka noh?

Sent: 2:59 pm
____________________________

Nag libot-libot lang ako dito sa bahay ni Tristan dahil parang ang tagal mag reply nitong si Ivan.

Tila mahaba yata ang tugon nito kasi ang tagal mag reply eh.

____________________________
From: Ivan😊

Di naman,grabe ka naman sakin,ganon pala tingin mo sakin,sige di nalang kita ite-text mukang nakaka storbo ako eh..

Receive: 3:05 pm
____________________________

Mali yata ang pag deliver ko ng words kaya ganon ang reply n'ya.

Iba yata yung nasa isip nya na stalker.
____________________________
To: Ivan😊

Hala hindi! Saglit lang!

No signal❌
___________________________

Putragis na 'yan! Ngayon pa nawalan ng Signal.

Kung saan-saan ko itinataas yung cellphone ko para lang mag send yung message ko kaso ayaw talaga,patuloy na lumalabas yung 'No Signal❌'

Alam ko na!

Umakyat ako sa rooftop dahil nagba bakasakali ako na may signal na duon at hindi katulad ng sa baba na ayaw maka send ng message.

Pag tapak ko ng huling hagdan ay agad kong natanaw ang isang nakatalikod na tao at nasisigurado kong lalaki 'yon.

Dahan-dahan akong lumapit dito at binabalak ko sana s'yang gulatin.

Hayden's POV

Kasalukuyan kong nilalanghapna ang simoy ng hangin dito sa rooftop,tutal wala akong magawa tapos ginugulo pa ng puso't isip ko yung kaluluwa ko.

Habang nakatayo ay pumikit ako para mas lalong namnamin ang pagka presko ng hangin.

"Ay Bulatika!" Gulat na sambit ko habang lumalayo sa isang taong nanggulat sa akin.

"Bakit ka ba nanggugulat?" Medyo inis kong tanong kay Jenna nang gulatin nya ako.

"Bakit ka nandito?" Pag babalik nito ng tanong sa akin.

"Iniisip ka"

"Huh?"

"I mean nag iisip lang" pag papalusot ko nangadulas ang dila ko sa pag sagot ng tanong nya.

Ano ka ba naman,Hayden! Ang tanga mo!

Stop thinking about that,Hayden! Kalimutan mo na 'yung kanina.

"Ah akala ko naman kung ano eh" sambit nito.

Mukhang hindi nya naman narinig,kaya safe ka,Hayden. Next time mag dahan-dahan ka para di ka nadudulas!

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Pag papahaba ko ng conversation namin.

Para man lang kahit sa pag uusap mag karoon s'ya ng attention sakin at makapag isip ako na may chance ako kahit man lang 1%.

"Mag se-send ng message,wala kasing signal sa baba eh." Tugon nito na ngayon ay naka upo na sa upuan at nasa harapan nito ang isang mini table.

Sino naman kaya ung ka-text nya?

Maybe,her mother?

Pero may possibleng iba,so sino nga?

Kapatid?

Hindi eh!

'Sabi ko stop thinking of it eh! Ano ba Hayden tumigil ka na nga!'

"So,saan kayo pumunta ni Nathalie kahapon?" Tanong ko habang naka patong ang dalawang braso sa parang pader na nag sisilbing harang sa rooftop nila Tristan.

Nag antay lang ako nang isasagot nya ngunit tila wala yata s'yang balak sumagot dahil ilang minuto na ang nakalipas at di padin s'ya nag sasalita.

Nilingon ko ito at napagtanto na nakangiti habang nakatutok ang mga mata sa cellphone at ang mga daliring handang pumindot ng letra kahit anong minuto.

"Hu-huh?" Tanong nito nang malaman na nag hi-hintay ako ng isasagot nya.

"Sabi ko,saan kayo pumunta ni Nathalie kahapon?" Pag uulit ko ng tanong na kanina ko lang sinambit.

"Ah,d'yan lang" tugon nito.

Nang sumagot na s'ya ay muli ko nang ibinaling ang attensyon ko sa hangin at sa araw na mamaya nalang ay lu-lubog na.

"Huh? Saang d'yan lang?" Di mapigilang tanong ng bunganga ko.

Last na 'to,Hayden! Itikom mo na 'yang bunganga mo!

Muli nanaman akong nakaramdam nang kakaiba dahil sa tagal at bagal nito sumagot.

Ibinaling ko ang attensyon ko sa kanya at muli kong napagtanto na nakangiti nanaman sya at halos mabali na ang daliri sa ka-kapindot ng mga letra sa cellphone nya.

Tila hindi n'ya 'ata ako napansin or naramdaman man lang na may tao dito na nag tatanong sa kanya.

Dahan-dahan at patago akong nag lakad papunta sa likod n'ya para malaman kung sino ba yung taong pinag tutuunan nya ng attensyon at halos hindi nya na ako marinig kakatext sa tao na 'yun.

Yumuko ako para tingnan kung sino yung tao na yun at napagtanto ko na 'Ivan😊' ang pangalan ng tao na yun at may emojie pa.

Nakita ko din na nag message sa kanya si 'Ivan' nang may kasamang pulang puso.

Tila alam ko na nga kung sino yun sa buhay n'ya at talagang pinagkakaabalahan n'yang replyan kaysa sagutin ang tanong ko:(

Di ko man matanaw ang mga letra pero isa lang ang nakita ko na nakapag pasigurado na sa desisyon ng puso at isipan ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thank you for reading this!

Hope you like it!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!

GOD BLESS US ALL AND KEEP SAFE♡

Alavida!💗

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Where stories live. Discover now