Chapter Twenty Five: Breakfast

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kumakain naman siguro ng itlog at bacon si Trojan hindi ba?" alanganing tanong ko kay Carlos.

Nginitian ako ulit ni Carlos bago siya marahang tumango.

"Hindi po maarte si Master Trojan sa pagkain, Miss Eila. At natitiyak kong magugustuhan niya ang kung ano mang ihain mo sa harapan niya lalo na at ikaw ang may gawa."

Bigla akong pinamulahan ng mukha doon sa sinabi ni Carlos saka ko siya inirapan at nagmartsa papunta sa may kusina habang nakasunod siya.

Matapos kausapin ni Carlos sa salitang pranses ang chef na naabutan namin sa kusina na naghahanda ng usual na almusal ni Trojan ay masaya itong ngumiti sa amin at nagbigay daan sa akin doon sa may counter ng kusina saka nila ako iniwanan ni Carlos.

At ilang sandali pa nga at nagsimula na akong mangialam sa mga gamit at pagkain na naroon sa may kusina.

Sana lang magustuhan niya ito.

Nasa tabi ko lang si Carlos habang ginagabayan niya ako sa mga dapat at hindi ko dapat ilagay sa pagkain ni Trojan.

Tinalo pa ni Carlos ang pagiging nanay ni Trojan dahil sa mga pinagsasabi niyang notes sa akin.

Na dapat daw hindi ko aalatan ang pagkain na gagawin ko dahil ayaw daw nga master niya sa maalat na pagkain. Dapat daw hindi ko masyadong papalanguyin sa mantikan 'yong bacon dahil masama daw sa katawan ang masyadong mamantikang pagkain at kung ano-ano pa.

At ngayon ko lang din nalaman na hindi lang pala pagiging head butler ang trabaho ni Carlos dito sa mansyon kundi siya din ang over all in-charge sa mga ihahain sa mahal na hari—I mean ni Trojan Mondragon pala.

"Do you usually flirt with Carlos this early in the morning, Miss Delos Santos?"

Muntik ko nang mahiwa ang daliri ko sa gulat mula sa paghihiwa ko ng sibuyas nang may bigla na lang magsalita mula sa likuran ko.

At sa paglingon ko, isang madilim ang mukha na Trojan Mondragon ang sumalubong sa akin. Malayong-malayo sa maamong Trojan na nagisingan ko kanina sa may kama.

"No one informed me that you and Carlos has some nasty business here in the kitchen. And here I thought I already forgiven you, Miss Delos Santos. Mukhang magkakaroon ka na naman ng kasalanan sa akin ngayon."

"Teka lang sandali!" bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsilyo saka ako siya hinarap. "Mali ang iniisip mo sa amin ni Carlos!"

"Oh yeah?" nang-uuyam na sabi niya saka niya ako tinaasan ng kilay at pinagkrus niya ang mga braso niya sa tapat ng dibdib niya bago niya isinandig ang katawan niya sa door frame ng pinto sa kusina. "I bet you already make up a minute ago bago ako dumating."

"It's not what you—"

"Humingi ng tulong sa akin si Miss Eila dahil gusto ka niyang gawan ng breakfast, Master."

Bigla akong napanganga nang si Carlos na ang nagsalita para sa akin.

He ruined my surprised for him!

Mas lalo lang tumaas ang kilay ni Trojan sa akin saka biglang lumagpas ang tingin niya sa likuran ko bago niya binalik ang tingin niya sa mukha ko.

"Sana lang wala akong makakain na sunog na pagkain mula d'yan sa palusot niyo na paggawa ng almusal ko."

"Hindi ako nagpapalusot na—"

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon