Chapter Twenty Five: Breakfast

Start from the beginning
                                    

Bigla akong napangiti sa naisip ko saka ko mas binilisan ang pagbaba ko sa hagdan hanggang sa marating ko na ang unang palapag ng mansyon.

"Magandang umaga po, Miss Eila," pambungad na bati sa akin ng mga babaeng katulong na nakasalubong ko.

"Magandang umaga din sa inyo," nakangiting bati ko sa kanila na ikinagulat nila.

Ngayon ko lang sila binati nang nakangiti ako at hindi masama ang loob dahil sa pwersahang pagkulong ni Trojan dito sa akin sa mansyon niya.

Sa sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon dahil sa pagkakaayos namin ni Trojan kagabi, pakiramdam ko kayang ngitian lahat ng taong makakasalubong ko ngayon.

"Miss Eila," nagulat ako nang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan si Carlos. "Gusto niyo na po bang kumain?"

"Nako, Carlos hindi na," nakangiting sabi ko sa kanya. "Saka siya nga pala, may hihingin sana akong pabor sa'yo."

Nakita ako ang panandaliang pagkunot-noo ni Carlos.

"Ano po ba iyon, Miss Eila?"

Ngayong nasa harap ko na si Carlos, parang bigla na lang akong nahiyang sabihin sa kanya ang plano ko. Parang may pakiramdam ako na umurong na yata ang dila ko at parang ayaw ko na yatang ituloy ang tungkol sa naisip kong paggawa ng breakfast kay Trojan.

Una, nakalimutan ko na isang professional at magaling na chef—na galing pa sa ibang bansa—ang gumagawa ng mga pagkain namin dito. Wala akong laban doon. Pangalawa, ayokong may maisip na kung ano sila Carlos at iba pang katulong dahil sa bigla kong pagpipresinta na magluto para sa amo nila. At pangatlo, nahihiya ako.

"Miss Eila?"

Biglang bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang tawagin ni Carlos ang atensyon ko.

Napatingin ako ng ilang sandali sa mukha niya at nag-aalangan pa rin kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa plano ko.

Pero sa bandang huli, sinabi ko pa rin.

"Gusto ko sanang gawan ng breakfast si Trojan," nahihiyang sabi ko.

Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Carlos mula ulo hanggang paa.

"Sigurado po ba kayo, Miss Eila? Baka mapagalitan kami ni Master—"

"Sigurado ako," mabilis na putol ko sa sasabihin niya. "At isa pa, gusto kong gawin 'to. Kaya kung pwede lang sana payagan niyo ko na galawin ang kusina."

Muli lang akong tinitigan ni Carlos saka niya ako nginitian ng makahulugan.

"Sige po, Miss Eila. Maaari mong gamitin ang kusina."

Napangiti ako sa narinig ko saka binalak nang umalis nang bigla na lang akong bumalik ulit sa harapan ni Carlos.

"May isa pa pala akong tanong," sabi ko. "Ano bang madalas na kinakain ni Trojan sa umaga?"

"Mahilig si Master Trojan sa French cuisine sa umaga, Miss Eila."

"French... Cuisine?"

Anong lasa noon? sa isip ko.

May isa pa pala akong nakalimutan na bagay.

Isa palang napakayaman na tao ang binabalak kong gawan ng agahan. At hindi ako marunong gumawa ng iba pang cuisine maliban sa mga pagkaing pang-Filipino.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Where stories live. Discover now