Pero dahil sa pag-aalala ko, ramdam kong nanghihina ako. Parang nablanko ang isip ko, nanginginig ang mga kamay at tuhod. May narinig akong kung ano sa likod kaya napatingin ako roon. Nanlalaki ang mga mata ko kung ano ang nakita ko.



Venom vampire na papalapit sa akin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Namumula ang mga mata nito at nakalabas ang mga pangil. Napapikit na lang ako at hinintay na lapain ako nito pero wala akong naramdaman.



"Heyl!"



Napadilat ako nang marinig ko iyon. Hindi ako makagalaw nang makita ko si Lucifer na iniharang ang katawan niya para sa akin. Hawak-hawak niya ang kaniyang balikat na may kagat ng venom vampire. No. . . tumulo ang mga luha ko dahil sa nakita. Nakatingin siya sa akin at napatitig ako sa mga mata niya. Lungkot. . . takot. . . pagmamahal. . . iyan ang nakita ko.


"Run, Heyl! Run!" he shouted.



Kahit na naririnig ko ang sinabi niya, hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ako. Hindi. . . ayoko. Ayokong iwan siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Hindi ako ganito, isa akong wizard vampire. Hindi dapat ganito. Mas lalo akong natulos sa kinatatayuan nang malakas na itinulak ng bampira si Lucifer kaya tumilapon ito sa kung saan.





"Lucifer!" I cried. No! Bumagsak siya sa lupa, paharap sa akin. May tumulong luha sa mga mata niya habang patuloy na bumubulong na tumakbo ako.




Napahawak ako sa tainga ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Mama sa akin dati. Lahat bumubulong sa akin. . .



"Siya ang kahinaan mo, Heyl. . ."


"Hindi kayo pwede dahil ikababagsak niyo ang isa't isa. . ."



"Darating ang araw na wala kang magagawa para sa kaniya lalo na sa bingit ng kamatayan. Katulad noong wala akong nagawa para sa papa mo. . ."



"Ikaw ang magiging dahilan ng kamatayan niya balang araw. . ."



"No. . ." I whispered. My lips were quivering and my body was trembling. "Hindi!"



Hindi iyon totoo. Hindi! Ayokong maniwala noon. Hindi dahil nangyari sa iba, mangyayari rin sa akin. Papatunayan kong p'wede kaming magmahal nang walang nararamdamang takot. Si Lucifer, siya ang kahinaan ko pero siya rin ang lakas ko.



Nandidilim ang pangingin ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko pero isa lang ang nararamdaman ko, galit. Galit sa nanakit kay Lucifer. Wala akong ibang gustong gawin kun'di ang ipaghiganti siya. Parang nanumbalik ang lakas ko at isipan, sobra-sobra pa nga. Napatingin ako sa paligid. Napapaligiran na kami ng maraming venom vampires.

Vampire AcademyWhere stories live. Discover now