42 | The Mystery Behind

489 72 7
                                    

PAULINE'S POV

"Mangmang ka ba?" Galit kong sigaw ng harapin si Roger.

Ginagamot nila Freya ang nagdudugong balikat nito na nadaplisan ng palaso.

"Hindi niyo man lang nakuha?" Nagkanda leche leche na!

"Marami ang bantay. Kung hindi pa kami umalis ay baka natuluyan na kami ro'n." Sabi ni MJae.

"Sana kahit man lang gano'n ay iniligtas niyo na si Janel!" Sigaw ko.

Mabilis ko silang sinalubong kanina pagkarating. Naiinis sa inakto nila kanina lalo na kay si Roger ng mapanood ang ginagawa nila sa mansyon.

"Kung gusto mo ay ikaw dapat ang sumugod ro'n." Simpleng sagot ni Roger na agad nakapag painit sa ulo ko.

"Ang sabihin mo ay wala lang talaga kayong kwenta!" Hinawi ko ang mga nakalagay sa lamesa sa sobrang galit na nararamdaman. Nagka-basag basag pa ang iilang gamit.

"The plan won't fail Pauline, you know that. I'm not a leader type that's why I gave you the role of being one but that doesn't give you the right to think lowly of me." Pag sagot ni Roger.


THIRD PERSON POV

Natikom ang bibig ni Pauline ng marinig ang sinabi ni Roger.

Nakilala niya si Pauline bilang anak ni Martinez. Ang nais lamang ni Roger ay makipag tulungan kay Pauline ngunit hindi niya inaasahan nang sa muli nilang pagha-harap ay mag ka
sama na itong iba pa.

Bukod sa kanilang tatlo nila Freya na may myembro ng pamilyang pinatay nila Keres, si MJae at Janel ay lumapit lamang sa kanila dahil nangangailangan ng trabaho.

Kahit si Pauline ang itinuturing lider ng grupo, si Roger parin ang lider nilang lahat. Na siyang dahilan kung bakit pa sila nakakakain at naging baguhan ngunit kilalang grupo sa mundo ng mafia.

"Ang maganda pa ay umisip na kayo ng susunod na gagawin hindi yung magbunganga nalang magdamag." Suhestiyon ni Roger.

Nang mabalik sa ulirat si Pauline ay napatikhim siya ng mariin at sinunod ang sinabi ng lalaki.

"Kailangan pa natin maghanda. Magpalipas muna tayo ng panahon bago sumugod ulit." Nagsalin ito ng alak sa baso habang ang iba may kanya kanyang kopita para magkape.

"Matindi ang paghahandang gagawin ng mga yon."Tulalang sambit ni MJae. "Nagtataka pa rin ako kung paano naming nagawang makatakas kanina kahit kayang kaya naman nila kaming patayin." Nagtangis ang bagang ng alalahanin ang nangyari.

"Mabuti nga't nakabalik pa kayo ng buhay, kun'di ay mas mahihirapan lang tayo sa pag tuloy nitong plano." Napahigpit ang hawak bi Pauline sa baso sa sinambit ni Freya.

"Bakit naman kasi nagpa-petiks petiks pa kayo kanina? Kung agarahan ngunit maayos niyong kinuha si Janel, eh sana'y narito na rin yun ngayon." Sambit ni Pauline.

"Kahit paagahin o mag tagal man kami ro'n. Paniguradong papasok palang kami sa palasyo ay bantay sarado na kami." Paliwanag ni MJae.

"Maraming nakatago sa dilim. Iyong tatlo palang na nakaharap namin ay pahirapan ng makawala kung pinalagan kami, paano pa kaya kung nagsilabasan lahat." Muling nahiga si Roger katulad ng madalas nitong gawin. Idinantay ang braso sa mata upang umidlip.

"Iyon nga rin ng napansin ko." Pag sang ayon ni MJae.

Ngayon ay mas naguguluhan sila. Lahat at hindi malaman kung akong susunod na hakbang na gagawin. Sapagkat alam nilang sa susunod nilang pagkakaharap ay dadanak na ang dugo...

TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now