23 | Lorcan

671 98 7
                                    


RYKER'S POV

"After a week.." Hindi makapaniwalang bulong ko.

Hawak ko ang pinadalang sulat mula sa palasyo. Isang linggo nalalabi para mabuhay si Keres.

"Bakit ka nandito?!"

Lahat kami ay naalarma ng pumasok si Lorcan dito sa headquarters ng La Muerte kasama ang ilan niyang miyembro.

"Ang kapal rin ng muka mong magpakita rito!" Aergia shouted. Kahit paos sa kaiiyak ay hindi napigilan ang magalit sa dumating. Ano nga bang ginagawa nito rito?

"Aergia.." Inalalayan siya ni Vincent. Agad kong pinukulan ng masamang tingin kaya napakamot ito at bumitaw.

"What do you want?" Tanong ko ng makatapat si Lorcan.

"I am not a traitor." He said.

"Anong akala mo sa'min? Tanga?" Tinabig lang ni Aergia ang mga kamay na pumipigil sa kaniya. "Ano pa bang kailangan mo Xanth? Hindi pa ba sapat sayo ang nararanasan ni Keres sa palasyo?!"

Ilang araw ng mawala si Keres, napag alaman naming nasa palasyo siya. Umaasang maayos ang lagay ngunit alam naming hindi papalagpasin ng Royalties ang ginawa nito kila Tevan.

"Umalis ka na pre." Pagbabanta ko. Agad namang umalerto ang mga tauhan ng humakbang paabante si Lorcan.

"I told you to get out of here Lorcan!" Galit na sambit ko.

"I am not a traitor." Panimula niya. "We only have one goal here, it is to protect Keres. Now, we need to eliminate Polendez group." Nagsindi siya ng sigarilyo bago magsalin ng whiskey sa malinis na basong nakuha sa lamesa.

"And you want us to believe you?" Mavy asked.

Tinapunan muna ng tingin ni Lorcan si Licia bago bahagyang ngumiti na pasarkastiko. "Just trust me. I know what I am doing." Yumuko si Licia at hindi binalak makipaglaban ng titig kay Lorcan.

"Then what now? Ni hindi kami makalapit sa palasyo. Paano namin mapoprotektahan si Keres?" Vincent asked.

"Who knows? Baka pinapahirapan na siya doon!" Nagsisimula nanamang mamuo ang luha sa mata ni Aergia.

Gusto ko siyang lapitan pero masyadong seryoso ang usapan.

"Ano bang maitutulong namin?" Sambit ko na halatang ikinagulat ng kasamahan ko.

Kailangan naming mailigtas si Keres. Kung plano niya kaming traydorin ay kailangang nasa amin na si Keres.

"Huwag lang kayong maging sagabal sa plano ko." He said before leaving our house.

Aba't! Anong karapatan niyang talikuran ako? Tsk.

"Should we trust him?" Franco asked.

"Sumakay lang muna tayo sa trip niya. If he tries to betray us again, make sure that we already have Keres, safe and sound." Seryosong sambit ko bago magsindi ng sigarilyo at lumabas ng bahay.

"Lorcan."

Nakasandal siya sa kotse niya. Alam kong maaabutan ko siya.

"How is she?" Tanong ko. May kutob na ako sa nangyayari pero kailangan ko ng kumpirmasyon.

"She's fine." Itinapon niya ang sigarilyo at binuga ang pang huling usok. Sumandal sa kotse habang nakapamulsa.

Tch. Masyadong pa cool ang hayop.

"Paano kami makakasiguradong kakampi ka namin?" Isang katangahan man na tanungin siya ng ganito ngunit wala kaming magagawa at alam kong may nalalaman siya.

"I was never your enemy." He said before he looked at me. "This is all part of the plan."



XANTH'S POV

"What plan?" The boy asked. What's his name again? Archer? Kyler?

"I love Keres. I know she's been hurting for what I am doing up until now. From being Sin Piedad's ally.." I clenched my jaw. "pati narin ang ilaglag siya sa pagkamatay nila Tevan."

Yes, it was all planned. Alam kong nasaktan ko siya.

Noong araw na nagpapanggap akong pinoprotektahan si Rionach, batid ko ang sakit mula sa pagkakatulak ko sa kaniya.

I'm so fucking stupid to hurt her. That was never my intention. I need to play all along to make SIN PIEDAD believe that I am one of them.

"Fucking! Stupid!" Kahit pagod ay paulit ulit ko paring sinusuntok ang punching bag.

Sa gym ako dumederetso kapag nawawala na ako sa sarili. Hurting Keres means hurting myself too.

"Ano ng balita sa Sin Piedad? May pinapagawa ba sayo? Hindi ka ba natatakot na may nakasunod sayo rito? Tss."

"I am not dumb to lose everything I've been working for." Umayos ako ng tayo. "Alam kong ngayon ay nagsasaya na sila." I smirked before going inside my sports car.



THIRD PERSON POV

INIKOT ni Polendez ang mata habang pinagmamasdang ang lahat na magdiwang sa nangyayari.

Matagal na nilang hinahangad ang mapatalsik ang La Muerte pati narin ang pagkawala ng kanilang reyna.

"This is it dad. Malapit na at pamumunuan na rin natin silang lahat." Rionach, her daughter said happily. She thought he'll let her have the throne?

As what Keres said, Polendez is a selfish devil who doesn't care about anything. He wants the throne. He wants power.

He smiled at her. "Yes. We will rule all of them."

Bumaba sila mula sa ikalawang palapag. Sinasalubong sila ng mga tauhan.

Nagmistulang kaarawan ang nagaganap sa araw na iyon. Lahat ay nagsasaya sa pagiinom, puro mamahaling alak ang ipinahanda niya. Malaki ang ginastos para sa araw na iyon dahil ito raw ang nagsisilbing nalalapit na pagkakamatay ng reyna ng La Muerte.

"Polendez." Salubong ni Draco. Myembro rin ng organisasyon. Inaakalang magkakampi ngunit pare pareho lang silang pinapaikot ni Polendez. Pare parehong umaasang gagawin silang kanang kamay nito.

"Pare. Nalalapit na ang tagumpay." Pinuno ng demonyong pagtawa niya ang malawak na silid.

"Pero wala pa ring sinasabi ang nakatataas patungkol sa trono. Hindi ba't dapat ay ikaw na ang nakaupo roon?" Pagtatanong nito kaya natigilan si Polendez.

Agad na bumalatay ang galit sa mukha. "Hindi ko rin alam kung bakit ganoon."

"Dahil siguro ay alam ng Royalties na hindi naman ikaw ang nakahuli kay Keres. Hindi mo naman napatunayang totoo ang mga ebidensiya mo diba?" Paguusisa ng kaniyang kausap.

"Si Lorcan ay may patunay. Sakop na siya ng miyembro ko kaya dapat lang na ako ang mamuno." Mahigpit ang pagkakahawak niyo sa basong may alak.

"That's exactly my point. He showed the proof to the royalties. Kahit sakop mo siya ay may sarili parin siyang grupong pinamumunuan. Sigurado ka bang hindi ka pinaikot ni Lorcan?"

Agad na natigil ang lahat ng ibato ni Polendez ang hawak na baso. Ngayon niya lang napagtanto ang pangyayari.

"Hindi maaari ito! Punyeta!"

"Dad! A-anong problema--" tinabig niya ang anak kaya napasalampak ito sa sahig.

"Walang kwenta!" Sigaw nito. Hindi matanggap ng mapagtantong niloloko lang sila simula palang. "Hanapin niyo si Lorcan! Patayin niyo kung kinakailangan."

TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now