VENGEANCE 13

723 123 12
                                    

KERES POV

Today, I'm wearing a black ang red checkered skirt. A black long sleeve top and a high heeled boots.

"We're going to the warehouse tonight. We will visit Nick's place." I got my small back pack ready to go.

"May sumusubok nanaman daw makipag deal dun. Hindi nila alam, La Muerte si Nick. Hahahahah." Ryker said.

Nick and Bont are good at negotiating. They trade katana's as we earn good quality weapons. Marami rin silang kinikitang pera na nakakatulong samin.

Another boring day at school. Rionach's a little quite today. She's sulking like a baby all day pero mukhang wala namang pakielam si Xanth.

When the class end. Hindi na kami umuwi para magpalit ng damit. Kasunod namin ang sasakyan ng iba pang tauhan habang papunta kila Nick.


POLENDEZ POV

"Balita ko ay pupunta sila ngayon sa ruta ni Nick." Panimula ko at nagsalin ng alak sa baso ko. "Puntahan niyo sila doon. Tignan niyo kung may masasagap kayong impormasyon."

"Yes sir."

Inalis ko ang paningin sa malaking bintana at inilipat yun kay Xanth.

"Nagsumbong sakin ang anak ko. I heard about what happened." Inalok ko siya ng alak at tinaggap niya naman iyon.

"Just a misunderstanding sir. I'm sorry." I chuckled that made him looked at me.

"No need to say sorry. Alam kong nahihirapan ka dahil sa anak ko. She's a brat but I hope you are taking a good care of her." Mahirap talagang intindihin si Rionach pero ng makilala itong si Lorcan ay biglang umamo.

I saw how happy she is with Xanth.

"I want a grandchildren. I am not getting any younger. My wife is still not in a good condition. Maaaring umayos ang pakiramdam niya kung malalamang magpapakasal na kayo ng anak ko." Umupo ako sa swivel chair habang pinapanood ang reaksyon niya.

Bahagya siyang nagulat pero napalitan rin nang pagka seryoso.

"Anytime you want sir." Napangisi ako sa sagot niya.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak mo Lorcan. Wag kang magkakamaling biguin ako.


KERES POV

Agad kaming sinalubong ng iba pang tauhan ng makarating sa warehouse ni Nick.

"Queen! It's so nice to see you." I smiled. Saglit pa kaming nagyakap.

"It's been a while Nick." He's a good friend of mine. Kami kami na ang magkakasama bago pa lumaki ang grupo. He can be trusted.

"Mga parekoy kamusta?" Pagbati niya kila Ryker.

"I miss you na. Hindi ka bumibisita sa amin babe." Nakangusong sambit ni Ryker. Ganito ang lagi nilang batian.

"I'm sorry babe. Busy lang. Alam mo naman para sa future natin to." Napailing nalang kami.

Simula ng mawala sa Headquarters si Nick ay nabawasan ang nagi-ingay doon. Silang mga lalaki ang pasimuno sa mga kalokohan lalo sa pang iinis sa'ming mga babae.

"Grabe walang pagbabago. Maingay ka pa rin." Umiiling na sabi ni Aergia ng puntahan namin ang mga bagong dating na armas. Nagpahanda rin ng makakain si Nick.

"Wala ka ring pinagbago. Masungit ka pa rin." Ipinahanda ni Nick ang mga kwarto sa bahay niya malapit sa warehouse dahil napagkasunduang dito muna kami magpalipas ng gabi.

"Uy hindi ah. Mas masungit naman si Keres. Nahawa lang kami." Inirapan ko siya. "Oh diba? Sabi ko sayo e."

Matapos ang hapunan ay tinawag ako ni Nick.

"Keres, let's talk outside for a bit." Sumunod ako sa kaniya sa malawak na bakuran. Sa dulo ay tanaw ang ilaw mula sa mga bahay sa ibaba.

Sumandal ako sa may puno habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

"Kamusta rito? Wala bang nagiging problema?" Tanong ko sa kaniya habang seryoso ang mukha.

"Maraming nagmamanman pero mga takot para gumawa ng aksyon. Mayayari sila pag nagkataon. Alam mo namang takot sayo ang mga yun." Bahagya pa siyang tumawa bago tumingin sakin.

"Kayo? Kamusta?" I sighed before talking.

"It's hard. Been in hell for awhile. Sa totoo lang ay nahihirapan ako." Mapait ang ngiti ko siyang tinignan. "Natatakot ako na baka mali nanaman ang magiging hakbang ko. Ayokong may masaktan samin. Ayokong mabaliwala lahat ng pinaghirapan natin." Muli nanamang nang gilid ang luha ko.

"Tara nga dito." Niyakap niya ako at umiiyak kong ipinatong ang ulo sa dibdib niya. Sabi ko hindi na ako iiyak eh. Bwisit! "Nakakamiss din pala marinig ang mga kwento mo. Nakakamiss marinig yung mga rants mo. As always, you can have my shoulder to cry on."

Nang mag angat ako ng tingin ay nakangiting pinahiran niya ang mga luha ko.

"Tahan na. Ang panget mo kapag umiiyak." Pang aasar niya pa. Hinampas ko siya sa braso na nakapag pa tawa sa kaniya.

"As if. Kahit manghingalo ako sa harap mo ay maganda pa rin ako." I said confidently.

"Kailan ka nga ba pumangit? Sa tagal kitang nakasama, ni isang segundo ay hindi kita nakitang magara ang itsura. Kahit sino ay walang papantay sayo." Natigilan ako sa sinambit niya. Marahan niyang inilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

Noon pa man ay alam kong pareho na kaming may gusto sa isa't isa. Pilit na itinatago dahil against yun sa rule na ginawa na meron kami.

La Muerte rule #3: No Relationship between the members.

Saglit pa kaming nagkatitigan bago dahan dahang inilapit ang mukha at lumapat ang labi niya sa labi ko.

Marahan ang pagkakahalik na sinasabayan ko. Inilakbay ko ang kamay ko sa dibdib niya bago ito mapirmi sa buhok niya.

Mariin ng pagkakahawak niya sa bewang ko habang patuloy sa paghalik. Inalalayan niya ang hita ko at binuhat iyon para mapayakap sa bewang niya at sinandal ako sa puno sa likuran ko. Hindi alintana ang suot kong palda.

Pareho kaming walang pakielam sa paligid at patuloy sa ginagawa nang may tumama sa punong kinasasandalan ko.

"Wtf?!" Gulat kaming napatigil ni Nick habang tanaw namin na nag kagulo ang mga tao sa loob dahil sa tunog ng pagputok ng baril.

"We need to go inside." Patakbo naming pinasok ang bahay niya. Wala kaming choice dahil wala kaming kalaban laban ngayon.

TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now