41 | The Rat's Secret

482 73 16
                                    

KERES POV

Narito kami sa isa sa mga silid na hindi nalagyan ng kahit anong camera ng Asesinos Novatos. Wala kaming dapat ikabahala kaya't malaya kaming makakakilos dito.

"Tutuluyan na ba 'to?" Pagtatanong ni Vincent.

Nakaupo sa isang silya sa gitna si Janel. Batid kong mahigpit ang pagkakatali sa kamay at paa na may busal rin sa bibig.

"Pakawalan niyo." Utos ko.

"Huh?" Lahat sila ang nagtataka sa sinabi ko.

"Uulitin ko pa ba?" Nagsikilos sila ng mapansing wala ako sa wisyo para makipagbiruan.

"Babe." Lapit ni Xanth sabay halik sa ulo ko.

Hindi ko parin maiwasang mainis sa nasaksihan kanina. Ayoko namang magpakain sa selos dahil alam kong kaya akong talunin ng galit ko. Mahihirapan nanaman akong controlin ang sarili ko.

"Ano boss, hinihintay lang namin ang signal mo." Pinaglalaruan ni Ryker ang hawak na baril.

"Kahit babae 'to, kayang kaya na namin yang puruhan. Game na bossing." Bakas ang pagiging excited sa boses ni Christian.

"Kalagan niyo at wag saktan." Mas lalo silang nagtaka sa sinabi ko.

Nakangiwing sinulyapan ni Janel ang nag sugat na niyang pulsuhan bago tumayo mula sa pagkakaupo at nag inat.

"Tch." Sarkastikong parinig ni Aergia.

"She's one of us." Ngayon ay lahat ng atensyon nila ang na sa akin na.

"What?"

"Seryoso ba?"

"Hindi naman april ngayon para mang - fool."

"You're joking right?" Pagkukumpirma ni Licia.

"I'm not." Sabay binigyan ng makahulugang tingin si Janel.



*FLASHBACK*

JANEL'S POV

"Ano ng balita jan?" Tanong ni Ate Pau mula sa telepono.

Sinipat ko ang kabuuan ng manor pati narin ang iilang trabahador na nagkalat sa labas. Mas nadagdagan rin ang kawal.

Napangisi ako sa nakita. "Wag kang mag alala ate. Mukang magtatagumpay ang plano natin." With that I ended the call.

"How sure are you? How many percent?" Sinilip ko sa lens ng baril ang kwarto ni Keres na wala pa ring presensya roon.

I sighed before I answered the person's question. "50/50." Walang malay na sagot ko bago napagtanto ang nangyayari.

Fuck.

Paglingon ko ay kaharap ko na ang walang emosyong muka ng babae. Nakapanga-lumbaba sa kaharap na bakod at aktong nakikisipat.

"Anong ginagawa mo rito?!" Parang tangang tanong ko.

"Huh?" Inosente niya akong binalingan ng tingin. "Uhm.. sinasamahan ka?"

Kinakapa ko ang telepono para mabilisang maka dial ngunit inangat niya ang isang kamay hawak ang hinahanap ko.

"Kailangan mo ba?" Tanong niya.

TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now