Chapter 52 - Special Chapter #2

333 11 0
                                    

Christian & Mavy

Third Person POV

Lahat ay hindi maalis ang tingin sa dalawang taong nasa harapan na nakatayo sa altar.

"Do you take Christian as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" The father asked.

Mavy smiled while crying with tears of happiness, "Yes father, I do."

Christian slightly turned to his friends as he signalled with his closed fist, "Yes!" He shouted without sound.

"Do you take Mavy as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" The father asked Christian this time.

Christian' friends from the row of guys gave him their middle fingers as an reply. Which Christian ignored as he happily turned his gaze back to his future wife.

"Mr. groom?" The priest asked impatiently.

"Oy bakit?" Pag-lingon ni Christian sa pagaakalang kung sino lamang ang nagtanong sa kaniya. "Ay sorry father!" Tarantang sagot niya ng makita ang pagkunot ng noo ng pari kasabay ang pagkurot sa kaniya ng babaeng mapapangasawa at pagtawa ng mga nanonood.

"So, do you take Mavy as your wife?" Tanong ng pari na tuluyan ng nauubusan ng pasensya at masama na ang tingin kay Christian.

"Ay opo naman, yes father. I do na I do." Parang batang sagot ni Christian na napapataas pa balikat habang hawak ang dalawang kamay ni Mavy. Hindi matigil sa katatawa ang mga nanood sa kanila dahil sa maligalig nitong pag-sagot. "Pwede na ba i-kiss father?" Dagdag pa nito.

Napailing na lamang ang pari bago inanusyo na pwede na niyang halikan ang mapapangasawa pati narin ang pagiging legal nila.

Sa reception ay kakaiba ang naging aura, hindi tulad ng mga nakasanayang traditional na kasalan.

Nagmukha itong prom party. Marami ang imbitado, bukod sa mga kaniya-kaniyang pamilya, mga myembro ng organisasyon ay inimbitahan din ang mga naging kaklase nila't mga kababata.

"Pre, ito lang handa mo? Ang mahal-mahal nung niregalo ko sa'yo!" Itinuro ng lasing na si Nico ang paubos ng mga pagkain sa table nila.

"Magtiis ka, kailangan namin ng budget para kay Keanu." Pag-inom ni Christian ng tagay niya habang binabanggit ang tungkol sa darating anak nilang lalaki. "Kapag naipa-nganak na ang panganay ko, dapat mas mahal pa ang ire-regalo niyo."

"Medyo makapal ang mukha ah." Pagpaparinig ni Clint.

"Wala 'to. Kinaibigan lang tayo para perahan." Pagtulak ni Adrian kay Christian.

"Natural lang 'yan pre. Ninong duties." Pagkibit-balikat ni Christian na nakatanggap ng samu't saring mura mula sa mga kaibigan. "Kung nandito lang sana si Raven mga pre. Paniguradong 'yun ang unang makaka-close ni Keanu." Biglaang pag-sambit nito sa namayapa nilang kaibigan.

"Siya ang pinaka-mahilig sa bata. Akala ko pa nga siya ang unang mag-aasawa sa'tin at magkaka-anak." Nakayukong saad ni Nico.

Hindi nila mapigilang ngumiti ng mapait ng muli nilang maalala ang kaibigan. Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi parin sila sanay na may nabawas sa grupo nila at 'yun pa ay ang itinuturi nilang leader at kuya ng grupo.

"Tama na nga sa drama!" Pag-awat ni Clint. "Pre, balita ko bahay daw ang regalo ni King Allerick sa inyo?" Muling nabalik nanaman sa hot seat si Christian.

TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now