32 | Mission part 3

607 90 0
                                    

KERES POV

I've been receiving texts from La Muerte. Kahit gustuhin kong mag reply ay hindi maaari. Bumili ako ng bagong sim card at cellphone dahil baka ma-locate kami ng di oras.

"Mukang ayos naman bossing." Iritadong nilapitan ko sila.

Kanina pagkatapos naming mag agahan ay mag dumating na isang bungkos ng bulaklak. May nag doorbell at ng makalabas si Clint ay wala na raw tao roon.

"Eh sino naman nagbigay niyan pre? May maliligaw ka 'no?" Sabi ni Christian kay Clint.

Nang akala kong maiinis si Clint ay napalabi nalang ako sa sinabi niya. "Oo. Alam naman nating lahat na ako ang laging nakakakuha ng atensyon ng babae. Ako tuloy ang pinapadalhan ng bulaklak." Tipid na ngisi ang ibinaling niya kay Christian.

"Mayabang ka talaga. Wala kang kasing yabang." Nakangiwing balik nito.

"Inggitero." Clint spatted back.

Magka-krus ang kamay ng lapitan ko ang bulaklak sa lamesa. Iniiwasang hawakan iyon.

"Did you already checked it? Any threats? Camera? Any locator devices?"

"Clear. Wala naman boss. Walang threat pero dapat ata mabasa mo 'to." Inabot niya ang isang nakatiklop na papel. "Baduy." Bulong niya pa.

Nagtataka ko siyang tinignan bago nakataas ang kilay na binasa ang sulat.

My Elentiya Keres,

                    Don't forget to eat, you should stay healthy. Don't forget to sleep early, sleeping late can also affect your health. And also, don't forget how much I love you Keres.                                     

Walang nakalagay kung kanino nanggaling kaya't lalo lang kumunot ang noo ko. May nanti-trip ba sakin?

Natunton na ba nila Davin ang tinitirhan namin? Shit.

"Nagtayuan balihibo ko pre." Sabi ng isa sa mga nakikibasa ng sulat.

Wala nga rito ang La Muerte pero parang may pumalit naman sa pagiging usyoso ni Ryker.

"Naramdaman mo rin yung pandidiri pre?" Maarteng pinagpagan ni Adrian ang braso ng  sakyan ang trip ni Christian.

"Nakakilabot." Bulong ni Clint bago kami layasan sa sala.



DAMEN'S POV

Nakahinga kami ng maluwag ng makita nagkakaisa ang lahat.

"They are staying somewhere in north. Ilang oras ang byahe mula rito." Franco and other trackers has been very busy to know where Keres is staying. "Isang modern house na sa tingin ko ay pagmamayari ni Queen."

"What are you waiting for? Her life is in danger!" I saw how my mom panicked so I quickly go to her side to calm her down.

"Mom, we will do everything we can. Don't worry too much. It could be bad for your health." Pag aalo ko rito.

"What can I do? Nakatakas ang Sin Piedad. Hindi tayo pwedeng basta basta lang mapanatag anak." I hug her as she cried.

Mautak sila Polendez dahil pinili nilang kumilos sa oras na alam niyang wala ang atensyon namin sa kaniya.

"She will be fine. I won't let anyone hurt my daughter." Pangungumbinsi ni Daddy.

Walang oras na nagpahinga kami. Lahat ay pagod at nakakaramdam ng antok ngunit walang tumitigil sa paghahanap sa kapatid ko. After four days, we located where she is staying, only to find out that she's living with guys.

TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now