40 | Buwitre at Leon

459 74 6
                                    


KERES POV

Pagpasok sa palasyo ang sasalubong agad ang magarbong lugar. Mahigpit ang seguridad at halatang pinaghandaan ang lahat.

"Franco, naayos mo na?" Nagpanggap na busy sa pagce-cellphone ng tanawin ko siya sa kabilang lamesa.

Apat kaming nasa iisang lamesa. Ako, si Xanth, daddy and mommy. Habang magkakasama sa dalawang magkadikit na lamesa ang mga natirang ka grupo namin.

Nasa harapan si Damen kasama si Licia na halata na ang pagkabagot at hindi pagka-sanay sa ganitong malalaking okasyon.

"Licia chill." Asar ni Aergia kaya't mula sa harap ay pinukulan niya ito ng masamang tingin.

"Everything's set. I hacked the cameras so I already have access." Franco replied.

"Hey, I need to go." Pag paalam ni Xanth.

"Hmm." Tipid na tango ko. Tinanaw ko pa siya hanggang sa harangin siya nila Draco para makipag kamustahan.

"Keres, go to your friends. Ayos lang kami dito anak." Mom said. I smiled at her at agad rin naman lumipat.

"Wala pa bang action?" Bulong ni Christian. "Nangangati na ang kamay ko."

"Kamutin mo tanga." Pambabara ni Adrian.

"Pasapak nalang kaya pre baka mas effective?" Ganting sagot nito.

"Bakit ba isinama mo pa rito 'tong mga isip bata na 'to?" Inis na sambit ni Mavy.

"Oy, my loves grabe ka sakin ah." Nanlalaki ang matang sabi ni Christian.

"Alam mo pre, pamilyar talaga.." Napunta ang atensyon namin sa usapan nila Nico at Raven.

"Bakit ba?"

"Hindi ko maalala kung saan.." Aktong pilit na iniisip niya ang gustong maalala. Inis na pinagala ang dila sa loob ng pisngi.

Sinundan ko ang tingin nila ng makitang si Xanth 'yon. Kasama na nito ang isang myembro ng Asesinos.. Freya Lacroix.

Napataas ang kilay ko ng palandasin ng babae ang palad sa balikat ni Xanth.

"Oh my.. this is bad." Ngiwing bulong ni Aergia.

"Putcha ang lakas talaga ni Lorcan. Chick magnet!" Manghang sambit pa ni Christian.

"Be careful with your words, Christian. Remember that someone's always ready to kill you just to shut your talkative mouth." Sabi ni Ryker na kararating lang mula sa kung saan.

"Bakit ang tagal mo?" Inis na tanong ni Aergia.

Agad napangisi si Ryker sa narinig, "Ilang minuto lang 'yon, na miss mo agad ako? Grabe talaga epekto ng isang Ryker Isaac Lewis sa'yo 'no?"

"In your dreams!"

Patuloy kong binantayan ang kilos ng dalawang tao. Bukod sa mainis ay wala akong magagawa kundi kimkimin ang galit ko dahil alam kong nakabantay ang mga matang kanina pa kaming gustong sugurin.

"Putcha naaalala ko na!" Sabi ni Nico.

"Congrats pre. I'm so proud of you."

"Akala ko kailangan ka pa naming dagukan para maalala mo. Sayang."

"Ang alin ba?"

Napasang-ayon nalang ako sa huling tanong na nagmula kay Oliver.

TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now