VENGEANCE 9

734 140 14
                                    

KERES POV

Nakapabaliktad akong nakaupo habang naghihintay sa pag gising ng mahal na reyna. Her name means 'QUEEN' parang ipinanganak upang magaya sa pagiging sakim ng pamilya.

"Good morning sunshine." I said sarcastically. She still look a little dizzy so I helped her to get better.

"What the fuck?!" I throw her a full glass of water. See? It worked.

"Now you look...fine and refreshed." Matalim ang titig na binibigay niya sakin. Wala man lang akong naramdamang katiting na takot.

"Hayop ka!" She shouted.

"Is that a compliment? Thank you." Her annoyed face entertains me. Tumayo ako at pumwesto sa harap niya at sumandal sa mesa. Ang pwesto ni Xanth tuwing nandito kami.

"I freaking hate you!" She spitted in my face that earned her a slap from me.

Ryker throw a folded handkerchief from the second floor while enjoying the show.

"I should be the one hating you and your family." I narrowed a glare after wiping my face. "You exactly know what happened." I walked in front of her.

"Bagay lang sayo yon! Malandi ka!" Sinampal ko ulit siya at sabunot ang buhok na iniharap ko ang mukha niya sakin.

"Look who's talking."

"Stop it Keres." Xanth entered the room with his cold stare.

"Why should I?" I asked irritatedly.

"Do you think he is an ally? Think again Keres. We all have one goal here. Everyone's obssesed with the throne." Napalingon ako kay Rionach ng ibulong niya ito.

"That's enough. They already prepared dinner." Bahagyang hinawakan ni Xanth ang siko ko para igawi palabas pero mabilis kong iniwas iyon. I saw his confused look na nakapag pangisi kay Rionach.

"Don't give her any food. Starve her. Let her die. I don't care." Pag utos ko sa mga bantay. Dumiretso ako sa kwarto. Wala akong planong harapin sila ngayon.

Weeks have passed and everyone got busy. School sa umaga sabay dederetso sa trabaho pagkauwi. Patuloy kami sa paghahanda at pagpaplano habang nagkakagulo ang pamilya nila Polendez.

"Oh! What are you wearing? That's not your style." Licia asked.

"You've changed. Less trouble and more appropriate clothes." Aergia's right. I wore a red fitted longsleeves with lace at the back. Tucked in black pants and a 3 inches black heels.

Hindi ko alam na malaki na ang epekto ng nga sinasabi sakin ni Xanth sa mga nakaraang linggo. Pati ang pananamit ko na sinabihan niyang masyadong maikli ay hindi ko napansing unti unti kong binabago.

Wala akong kinikibo miski isa magmula ng nung sa nangyari noong nakaraan. Hanggat maaari ay iniiwasan ko si Xanth.

"Keres kumain ka muna." Naabutan kong kumakain sila Vincent ng bumaba ako pero patuloy akong naglakad papunta sa death room para makita si Rionach.

And guess what? Wala akong nadatnan na kahit sino doon.

"Where is she?" I asked everyone when I got out from the room where I put Rionach. Pare-pareho silang natigilan. Takot na sumagot sakin.

"I said where the fuck is she?!" They got startled with my sudden outburst.

"Ipinalipat siya sa isang kwarto ni Sir Xanth, Queen." Naginit ang dugo ko ng banggitin yun ng ka myembro ng lintik na hari ng El Miedo.

"Wala man lang ni isa ang nagtanong ng opinyon ko?!" Nasimula ng magsidatingan pa ang iba. Nilapitan rin ako nila Vincent. "Alam niyo rin?" Tanong ko sa kanila. Sabay sabay silang yumuko para kumpirmahin ang ikinagagalit ko.

Napahilamos ako ng mukha. Inis na inis sa nangyayari. Sinipa ko ang malapit na vase walang pakielam kahit mamahalin pa iyon.

"Saan?" Sambit ko. "Saang kwarto?!" Pag uulit ko pa ng walang sumagot sakin. Takot na itinuro ng isang tauhan ang kwarto sa dulo katabi ang opisina ni Xanth.

Pabalibag kong binuksan ang pinto. Hindi naka lock at tumambad sakin si Rionach. Maayos ang itsura at mukang alagang alaga.

"I told you to starve and let her die. Ano 'to?! Nagmuka pang nagbakasyon 'to rito eh!" Niyukuan lang ako ng mga tauhan. Tumatawang lumapit sakin si Rionach.

"Your acting almighty here na para bang may kapangyarihan kang pasunurin ang lahat. I told you already. Dapat naging mas matalino ka sa pagpili ng kakampihan mo." I am so enraged and ready to slap her when my hand that stopped mid air.

"What the hell is happening here?" Mas nadagdagan ang takot sa itsura ng mga tauhan dahil sa pagdating ni Xanth. Naramdaman ko nalang na hinila ni Rionach ang kamay ko. Inilapit sa ulo niya at pinilit isira iyon. Pilit kong binabawi ang kamay ko kaya ang labas ay parang sinasabunutan ko siya.

"Keres what are you doing?!" Marahas akong itinulak palayo ni Xanth kay Rionach kaya tumama ako sa gilid ng kudradong lamesa.

Bumalatay ang sakit sa likuran ko at napansin iyon ng lahat kaya mabilis akong dinaluhan nila Ryker pero iniwas ko ang sarili sa pag alalay nila.

"Xanth, she's hurting me." Umiiyak na sambit ni Rionach.

Artista punyeta

"I did what?!" Hindi ko na pinigilan ang galit na nararamdam ko. Susugurin ko siya ng humarang sa harap niya si Xanth.

"Are you insane?! What the fuck do you think you're doing Elentiya?!" Kita ang galit sa mukha niya pero mas galit ako. Lalo pang nagalit sa pinag gagagawa niya ngayon.

"I did not do anything! I didn't even lay any of finger at her!" Hawak na ako nila Vincent sa braso alam nilang nawawala na ako sa katinuan dahil sa galit. "Ako dapat ang nagagalit dahil imbis na pahirapan ay inalagaan niyo pa yang hayop na yan!" Agad napalitan ng umiiyak ang kaninang naka ngising itsura ni Rionach ng lingunin ito ni Xanth.

"She's lying! Bigla niya akong sinugod at sinabunutan. Xanth, I'm scared." Kumapit siya sa braso ni Xanth habang nagpapaawa.

Pagak akong tumawa. "Ano Xanth?! Maniniwala ka? Nahihibang ka na ba? This is our plan. Eh bakit kinakampihan mo yan?! Bakit mo siya pinoprotektahan?!" Ano bang problema niya?

"This was never our plan. Ikaw lang ang may plano nito! Alam mong hindi ako sangayon sa pagkuha sa kaniya pero ipinilit mo!" Xanth shouted. My lips parted as I stared at them in awe.

"Ano bang problema mo pre?" Inis na tanong ni Vincent.

"Why are you even helping her? Bakit tumatalikod ka sa bigla sa plano?" Tinulak pa  ni Aergia si Xanth pero hindi ito natinag. Agad na dumalo sila Xyrus sa tabi ni Xanth.

"What a lying bitch. Kita naman ng lahat na hindi ka sinaktan!" Galit na rin si Licia pero sinensyasan ko na sila.

Everything is a mess. I let my fucking guard down and trusted a man who I forgot was also a devil.

"Do what you want. Believe what you want to believe. Patuloy mo yang protektahan dahil parehas ko kayong papatayin sa susunod nating pagkikita." My teeth gritted with anger. Nagsimula akong maglakad paalis.

"Where are you going Keres?" He asked. He sounded guilty and looked apologetic but I don't care.

I am fucking hurt and I don't even know why.

"We're leaving this shithole." I turned around, ready to leave as my tears began to fall.

Agad na sumunod sakin ang nga kasamahan ko. Patuloy na nakayuko ang mga tauhan ni Xanth na hindi man lang nagsalita patungkol sa nangyari kanina. Mga walang kwenta!

Sa susunod kaming magkita ay humanda silang lahat. Wala akong sasantuhin ni isa.


TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now