38 | Asesinos Novatos

534 83 31
                                    

THIRD PERSON POV

Sa isang pribadong subdibisyon namamalagi ang grupo ng Novice Killers o mas kilala bilang ASESINOS NOVATOS. Katulad ng salitang NOVICE, sila ay baguhan lamang. Binuo upang maghiganti.

"Ganun parin. Kundi sa manor ay masaya silang nagliligalig. Tuwang tuwa sa pagkabuhay." Sarkastikong sagot ni MJae ng tanungin siya ng lider na si Pauline patungkol sa grupo ni Keres.

"How about you Freya?" Pagbaling sa babaeng naka sports bra at leggings na papunta sa sana sa gym nila.

"Everything's fine. What do you expect?" Mataray na sambit nito.

"Tch." Asik ni Pauline. "Janel?"

"Hmm?" Walang pakielam nitong sambit dahil alam niyang kahit kailan ay hindi siya pumalya sa trabahong inaatas sa kaniya.

"Nagawa mo ba ang inutos ko? Baka naman namamataan ka na roon?" Naniniguradong tanong ni Pauline.

"Kaya ko na 'yon okay? Trabaho ko na 'to noon pa man." sabi niya bago ibalik ang atensyon sa kinakaing chocolate.

'Mas mabuti pa palang nag-matyag nalang ako sa manor kesa makasama ang mga 'to.' Isip ni Janel.

Bumukas ang pintuan kasabay ng pag pasok ni Roger.

"Saan ka galing?" Pagtanong ni Pauline. "Nakabili ka ba ng pagkain?"

"Nasa kotse." Tipid na sabi nito bago dire diretsong humiga sa sofa at itinakip ang braso sa mata bago umidlip.

"May gaganaping party sa linggo. Kaarawan ng prinsipe. Kailangan natin makadalo roon at hindi na dapat mag aksaya ng panahon." Bigla silang nagkaroon ng interes sa sinabi ng lider.

"Anong plano? Dadalo lang ba tayo ro'n?" Sambit ni MJae habang nililinis ang baril na hawak.

"Katulad ng napagkasunduan. Freya, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo kay Lorcan. Janel, manatili ka muna malapit sa manor para mabantayan ang galaw ni Keres."

Inilatag ang blueprint ng palasyo sa lamesa para malaman kung saan sila pupwesto.

"Habang inaasikaso namin ni Roger ang iba, ikaw ang bahala sa paglagay ng bomba at ibang camera sa paligid ng palasyo, naiintindihan mo ba?" Pagtatanong ni Pauline kay MJae.

"Malinaw." Pag saludo nito.

Maingat ang bawat paglahad ng detalye dahil hindi madaling kalabanin ang makakatunggali.

Inangat ni Pauline ang dyaryong laman ang balita ng pagkakalipat ng trono mula sa dating reyna na si Kalliste papunta kay Keres.

"Magkikita rin tayo, Elentiya. Mainit rin sana ang pagtanggap mo sa amin." Nakangising sambit nito.


KERES POV

Naging seryoso ang lahat mula sa pagpili ng tamang armas hanggang sa susuoting damit sa gaganaping party.

"Tatanda ka nanaman." Isang araw pang nakasalubong ko muli ang kapatid ko.

"Kaya tawagin mo na akong kuya." Inakbay niya ang braso sa akin bago ako sakalin.

"Ack--daddy oh!" Pagsusumbong ko.

Hinarap kami ng tatawa-tawa naming magulang. Napa ismid nalang ako. Hindi naman nakakatawa yung ginagawa sakin ah?

"Sumbungera. Bata ka ba?" Siniko ko siya sa tiyan kaya't napabitaw ito.

"Stop it, Damen. Lagi mo nalang inaasar yang kapatid mo." Parang batang umakay ako sa braso ni mommy bago dilaan si Damen.

TAME SERIES 1: Taming Keres Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon