35 | Last Mission

623 92 2
                                    

KERES POV

Maraming tao sa palasyo ngayong araw. Napagpasyahang gawing selebrasyon para raw sa panibagong simula.

Nanatili kami panandalian sa palasyo bago ako bigyan ng isang regalo ng aking ama.

"Dad..what?" Namamanghang sabi ko.

Nasa harapan namin ang isang manor. Isa sa mga pagmamayari ng pamilya ko.

"Grabe. Ang yaman niyo talaga. Pwede ho bang humingi ng isa?" Pagbibiro ni Christian.

"Why not?" Natatawang sabi ng hari.

"Dad, this is too much." Hinarap ko sila pagkatapos makita ang 'munting regalo' raw na nais nilang ibigay

"Maliit na bagay lang yan anak." Nakangiting lumapit sakin ni Mommy.

"Maliit na bagay pa 'to? Paano kaya kapag malaki na?" Sarkastikong sambit ni Ryker.

"Manahimik ka." Bulong ni Aergia.

"You deserve it. Marami kaming pagkukulang sayo anak. Tanggapin mo na 'to." My dad smiled at me.

Kung sa labas palang ay magarbo na ang manor walang wala kaming masabi sa kagandahan ng loob.

Sa laki nito ay maari na kaming manirahan lahat.

"Is this real?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"It is baby." Natatawang sagot ni Xanth.

Napaggpasyahan kong isama ang La Muerte at El Miedo para manirahan dito. Natanggap bawat grupo ng organisayon ang kanilang reward mula sa misyong ginawa nila na masayang ipinagkaloob ng pamilya ko.

Ang grupo nila Raven ay tinulungan rin ng pamilya ko. Inanyayahan ko rin silang manalagi rito ngunit may inaasikaso pa raw sila sa kani kanilang pamilya.

"Bossing baka may single kang kakilala jan. Tauhan na maganda, sexy, matalino ganon." Pangungilit ni Christian.

"Hmm. Meron naman." Nakangiting balik ko. Magkakasama kaming kumain at masaya kong tinanaw ang lahat.

"Yon! Lakad mo ko bossing." Excited na sabi niya.

"Kala mo naman papatulan ka." Pambabara ni Raven.

"Wag kang pakielamero."

"Pagpasensyahan mo na yan boss. Palya kasi lagi love life niyan." Astang binulong ang huling salita.

"Hoy! Narinig ko yun ah." Nagmamakaawa niya akong nilingon. "Boss.."

Tumatawang umiiling ako bago tawagin ang isang babae.

"Anong atin Queen?" Magalang na tanong niya.

"I need you to do me a favor." Agad siyang tumango. "I want you to work with Christian. Spend a week in Spain and do your job."

Xanth smirked before putting his arms at the back of my chair.

"What?" Gulong tanong ni Mavy.

"Goodluck pare!" Nagtatawanan ang magkakaibigan.

"Susungitan lang ako nyan e." Malungkot na bulong ni Christian.

"Will you do it?" Pagtatanong ko.

"Fine. Whatever you say Queen. Pakisabi nalang sa makakasama ko na ayoko ng may pabigat sa trabaho."

Nagtawanan kami ng mas nalukot ang muka ni Christian.

"Aba! Ako pabigat? Asa." Asik niya bago ako harapin. "Boss, pakisabi nga sa mataray na babaeng yan na wag na wag siyang mahuhulog sa alindog ko habang nasa misyon kami." Pagyayabang niya.

TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now