13 - Kamatis

2.7K 74 6
                                    

Jam's POV.

Iniwan ko muna sila Letth at Kyna habang nag-uusap. Naiinis ako kay Kyna, pero alam kong mali. Wala namang ginagawang masama sakin yung tao eh. Hindi ko lang talaga mapigilan yung sarili ko na matakot.

Sa sobrang bored ko naisipan kong pumunta dun malapit sa pool. Para makapagrefresh ng utak. Naisip ko rin kasi, ang selfish ko pala. Bat ko nga naman ipagdadamot si Letth? Wala naman akong karapatan. Haha at tsaka magkaibigan na kami. Hindi namam siguro mawawala yun. Basta ba papahalagahan namin yung pagkakaibigan namin diba? May tiwala naman ako kay Letth, at alam kong di niya sisirain yon.

"Hi." Ay letth na makulit! Wooo! 

Halos lumabas yung puso ko sa sobrang gulat. Bigla nalang ba kasing sumulpot sa tabi ko?!

"H-hello?" Ang gwapo niya kyaaaaah! 

Pero hindi ko siya kilala. Baka kasamahan nila Jm to kasi gwapo rin. Pero bat naman to napadpad dito?

"Nagulat ba kita? I'm sorry." Tumabi siya sakin at ngumiti. Ang gwapo niya talaga pero mas gwapo parin si fafaJm.

"Ayos lang." Sagot ko naman.

"What's your name?" Napatitig ako sa kanya ng masama. Seriously? What's my name agad? Woah~

"Jam." Ahe, syempre gwapo eh. Napalingon ako sa kanya at saktong nakatingin din pala siya sakin. Ugh, awkward! "Stop staring. It's rude."

"Sorry. I find it cute hahaha. You look like a tomato." " W-what?! K-kamatis?! Aba sira ulo to ah! 

Ikukumpara niya na nga lang ako sa kamatis pa? Aish!

"Kamatis your face!" He just laughed so tumawa rin ako. Wala lang, hindi ko kasi na-gets kung bat siya tumatawa. Ayoko namang masabihang slow no. Hehe

Bat pag lalaki ang tumatawa ang cool? Pero pag babae kadiri, partida tatalsik pa mga laway niyan sa sobrang kilig at saya may kasama pang hampas.

"Yung laway mo." Sabi niya kahit tumatawa siya. 

Napatakip naman ako ng bibig. Seryoso siya?! Nakakahiya, lakas ko ng manglait sa iba ayan tuloy! Ako yung nabiktima. Huhuhu, lupa eat me!

"Bakit ka nga pala andito?"

"Hey, it's okay. Remove your hand." Utos niya naman. 

Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko at sinunos ko yung sinabi niya. Nadala ata ako sa titig niya omg! Ako'y nagtataksil!

"Loko ka kasi eh! Nakakahiya tuloy."

Mamaya mandiri siya sakin pero nagto-toothbrush naman ako araw araw no! Apat na beses pa sa isang araw~

"Okay lang yan. Kasama sa paglaki yan. Haha." Pang aasar niya pa sakin. Pero ang sarap niyang kasama. Puro tawa lang kasi maririnig mo. 

Bakit walang tumatalsik sakin?! Naghihintay ako eh! Para naman fair~

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Kenny. I'm Kenny Lomentimar. Nice meeting you kamatis i mean Ms. Jam?" Napatawa ako ng malakas ng umarte pa siyang parang prinsipe na nagpapakilala. Damn, ang gwapo gwapo niya!

"Tumigil ka nga. Haha!"

"Finally! Tumawa ka na ulit. Lagi kang ngumiti, ang ganda ganda mo."

Napayuko ako sa hiya. Grabe! Alam kong maganda ako pero kung sa gwapong tulad niya pa mismo manggaling? Ugh nakakahiya! Parang bigla pang uminit.

"Hey, are you okay?" Nag-nod lang ako at inayos ang buhok ko.

Nilagay ko lahat ng yun sa harap ng mukha ko bago ako ngumiti. Aish! Ngayon lang naman to fafa Jm, ikaw parin promise!

"Bakit ka nga pala andito?" Tanong niya ulit sakin.

"Nagpapahangin lang." Umayos na ko ng upo at tiningnan siya. "Ikaw?"

Nakaka-curious naman at andito siya mukhang umuwi na yung mga tao at baka nasa loob narin sila Letth. Hindi ko naman to stalker diba?

"Bumibisita lang. Can you do me a favor?" Kakakilala palang namin favor agad? Hahaha sige na nga gwapo naman eh.

"Sure. Ano yun?" 

"Wag mong ipagsasabing nakausap o nakita mo ko. Lalo na kina Jm. Maaasahan ko ba yun?"

"B-bakit? Don't tell me magnanakaw ka?!" Oh gosh! Buti nalang wala akong dala!

"Of course not. Sa gwapo kong to? Hahaha biro lang. You'll know it soon. Pero please?" Pagmamakaawa niya sakin. 

Paano ba naman ako makakahindi sa gwapong to?

"S-sure." Jusko. Ang gwapo niya lalo pag ngumingiti.

"Thank you kamatis!" Sabay yakap niya sakin. "Sige alis na ko. Napadaan lang talaga ako eh, tapos nakita kita. Akala ko kasi umiiyak ka. See you soon kamatis." Ginulo niya yung buhok ko bago siya umalis.

Ako? Nganga. Wala kong masabi. Kennykeleg ako na ewan. Hihihi. Ugh stop! Ayokong magtaksil sa fafa Jm ko no! He's my one and only~

Pero bago pa ko tumili dito hahanapin ko nalang muna si beastfriend. May ikwekwento na naman ako sa kanya! Hahaha. Ay, bawal nga pala. Huhuhu ang dami ko ng lihim kay beastfriend~

Naglakad ako papunta sana sa table kanina pero napansin kong wala na sila. Ako nalang pala nasa labas kanina? Ohhh.

"Baka nasa loob na nga." Bulong ko sa sarili ko. Naglakad ako ng mabilis pero napatigil din. Bakit parang tinutulak ako palayo ng paa ko?

"Shabu pa Jam."  I murmured.

Naglakad ulit ako papunta sa loob. Habang papalapit ako ng papalapit, pabilis naman ng pabilis tibok ng puso ko. Omg!

Pumasok ako sa loob at sa di inaasahan, hiniling ko na sana hindi nalang ako pumasok.

Parang gumuho yung katawan ko. Parang ang sarap bumagsak mismo dito sa kinatatayuan ko. Ang sarap nilang batuhin ng bote. 

At si Letth pa talaga?! How could she do this to me?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit? Selos? Lungkot? Parang halos lahat ng yan naramdaman ko. Damang dama ko yung paghiwa sa puso ko. Ang sakit pala, ang sakit sakit. Hindi ko to inaasahan. Sa dinami dami ng tao sa mundo bakit si Letth pa?! Walang pumapasok sa utak ko na rason eh. Oh di kaya dahil ba to kanina? Ang babaw naman ata!

Basta ang alam ko, sinira niya ang tiwala ko. Sinira niya yung pagkakaibigan namin. Mababaw na kung mababaw pero damn! Mahal ko si Jm, at alam ni Letth yun. Pano nila nagawa sakin to?!

Bago pa tumulo ang luha ko tumalikod na ko. Nakita ko si Penyx na nakatingin sakin. Inirapan ko lang siya at tumakbo. Tumakbo palayo sa kanila, sa kanya. Bakit ako pa?! Bakit ako pa ang kailangan na masaktan ng ganito? Wala na ba talaga akong karapatang sumaya? Wala na ba talaga?

Naramdaman kong parang matutumba na ko pero hindi parin ako tumigil sa pagtakbo. Damn, gusto ko lang makalayo sa kanila. Pero sobrang hina ko na nga ata at bigla akong natumba. Pinikit ko ang mata ko at hinintay ang pagbagsak ko pero naramdaman kong may sumalo sakin.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon