6 - Friend Request

4.5K 88 9
                                    

Letth's POV

Grabeng kamalasan naman tong araw na to. Ugh! Ang yabang yabang ng lalaking yon! Akala mo sobrang gwapo. Damn, he's getting on my nerves! Konti nalang masasapak ko na siya eh! Pasalamat siya at nakapagpigil pa ako damn! 

Asan na ba si Jam?! Tinanong tanong pa ko kung asan ako di naman pala susunod. Sipain ko sa ngala ngala yun eh.

"Sht." Napahinto ako sa kinatatayuan ko ng masulyapan ko si Penyx.

Ngayon ko nalang ulit siya nakita at may kasama pa siyang babae. Di ko alam pero may naramdaman na naman akong kirot sa dibdib ko. Di naman eto yung una eh, kung tutuusin palagi naman. Pero di parin pala ako nagiging manhid.

Tatlong taon na kong nagpapakatanga sa kanya. Ni hindi niya man lang ako mapansin-pansin. Di ko naman pinagsisisihan yon. Sa kanya palang ako nagkagusto, wala nang iba pa. Kuntento na kong sumusulyap sulyap lang sa kanya kahit pwede ko naman siyang lapitan. Feeling ko kasi ang taas niya, tipong ang hirap niyang abutin. Parang langit at lupa. Pero syempre keme lang yun. Ano to teleserye? Pero ewan ko ba, andami dami namang lalaki sa mundo pero siya at siya parin yung gusto ko. Lecheng puso to no? Sa kanya pa talaga tumibok.

"Baka matunaw naman yan Beastftiend?" Ay butiking may pakpak!

"Fck. Jam naman eh! Tss, bat ang tagal mo? Halika na umuwi na tayo." Yaya ko sa kanya.

"Alam kong masakit beastfriend, wag kang mahiyang mag open sakin." Napairap naman ako sa sinabi niya. 

Malamang ikwekwento ko talaga sa kanya tong nararamdaman ko, as if namang tatantanan nya ko pag di ako nagkwento.

"Salamat ha? Tss." At lumakad ako ng mabilis. Sanayan lang din naman siguro to, baka nga kahit may asawa na siya okay lang eh. Mamahalin ko parin siya.

"Uso mang antay beastfriend hmp. Dalian na natin at marami pa kong kwento sayo!"

Kwentong walang kwenta. 

Ang sarap sana sabihin sa kanya yun. Kaso wag nalang, knowing Jam mabilis magdrama yan. Sumakay na ko sa sasakyan ko at sumunod naman siya.

"Ikaw magdrive. Mahiya ka sakin." Sabay bato ko sa kanya ng susi.

"Anong bago Letth? Hay nako!" Pagdadabog niya. Ang daming satsat magmamaneho din naman pala.

Ilang minuto lang din ang lumipas at nakarating na kami sa bahay ko. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit na ng damit. Si jam naman nagpaiwan sa sala at baka gawin ko pa daw siyang yaya. Naalala niya kasi dati nung sobrang broken ako kay Penyx, siya pinagligpit ko ng mga kalat ko. Tapos wala naman siyang magawa kasi badtrip ako. Takot niya na lang na masapak.

Pagkatapos kong magpalit pumunta na agad ako sa sala.

"Oh bilis. Magkwento ka na at nang makauwi ka na. Naiirita ako sa mukha mo!" Pagbibiro ko sa kanya. 

Pag yan nagkwento pustahan makakalimutan niya ng may kwento rin ako. Lalo na kung tungkol na naman kay Jm.

"Ang sama mo! May nang away sayo no? Tss, sakin din eh, sila Aera. Ang lalandi nila! Minsan nga naisip ko, bugbugin mo kaya ako tapos papalabasin kong sila gumawa para mapaalis sila sa school. What do you think?" Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jam.

Seriously?! Wtf, anong nakain nito at biglang naging ganito ang takbo ng utak niya?

"Hehe joke lang. Yung mukha mo naman."

"Magkukwento ka ba o ano?!"

"Eto na nga po. Sungit!" Sabay pout niya. "Pumunta kasi ako sa room niyo kanina. Hihi" Halatang kinikilig siya. 

Tss, pustahan about kay Jm na naman to. Wala namang ibang ikwekwento yan eh kundi sa mga kalandian niya. Kung hindi naman kay Jm, sa mga kaaway niya at kinaiinisan niya. Marami kasing naiinggit sa kanya dahil anak siya ng may ari ng school. Kung ako sa kanya hindi ko sila pag-aaksayahan ng oras para patulan pa. Low class.

"Oh tapos?" Walang gana kong sagot.

"Magkunwari ka namang excited ka sa kwento ko Letth, kahit kunwari lang." See? Ang demanding niya pa.

"Fine. Bilisan mo sayang oras ko." 

"Heh! Ayon na nga, pumunta ako sa room niyo tapos nakita ko si fafa jm. Wit! Nakausap ko pa siya! Woohoo! Tapos, tapos nginitian niya ko." Tumayo siya at biglang umikot ikot. "Tapos yung boses niya oh god! Ang sarap pakinggan kahit sumisigaw pa siya. Grabe talaga, tapos tumawa pa siya. Sobrang nanghihina ako pag nakikita ko siya. Kakaiba yung nararamdaman ko sa tuwing napapalapit siya sakin. Nababaliw na talaga ako kay Jm beastfriend! Hihihi" Sabay tili niya. 

Napatakip naman ako sa tenga ko.

"Yun lang?! Yun lang ginawa halos mamatay ka na sa kilig? Ang oa mo kahit kailan. Akala ko pa naman hinalikan ka na o kaya naman nagtapat na sayo. Tss." Ang babaw niya talaga. Sumakit lang ulo ko sa kanya.

Maliit na bagay lang pero halos mamatay na siya sa kilig? Obsess.

"Curse you beastfriend. Wala ka lang lovelife eh." Sabay belat niya. Binato ko nga ng unan.

"Lul. May Penyx naman ako." Sabi ko sa kanya.

"Ang tanong iyo ba? Hahahaha." Sabay ngiti niya ng mapang-asar.

Ganyan kami mag-usap ni Jam kapag tungkol sa kanila. Parang hindi kami magkaibigan, wala kaming suporta sa isa't isa.

"So tingin mo iyo si Jm? Dream on. Umuwi ka na nga at baka mapatay pa kita." Tiningnan niya lang ako nang masama bago tumayo.

"Leche ka talaga kahit kailan beastfriend! Yung bitterness mo umaapaw. Tse! Pumasok kang maaga bukas, may program daw eh." Sabay flip hair niya. Madapa ka sana.

Pagkaalis na pagkaalis niya umakyat agad ako sa kwarto ko at nag facebook. Wala akong balak kumain, nakakawalang gana. 

Kinuha ko ang laptop at nag log in.

Email: LetthLiu@yahoo.com

Password: **********

Logging in...

Agad tumambad sakin ang napakadaming notification at friend request. Una kong tiningnan ang friend request.

Dendo Monte

529 mutual friends

John Kevin

124 mutual friends

Kenneth Sanchez

218 mutual friends

See more...

Wow! At ang lakas pa talaga ng loob niyang i-add ako sa fb?! Bwiset talaga tong mokong na to! Ugh! Bahala ka jan, di kita icoconfirm! Manigas ka! Bwiset. Akala mo kung sino ka! Nakakainit to ng ulo! Kung nang-aasar siya well congrats sa kanya! Panalo na siya!

Kahit sa pangalan  niya naasiwa na ako. Pag ba sinuntok ko tong laptop matatamaan siya? Argh! Sinira niya na pati gabi ko!

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon