5 - Face to face

4.2K 101 9
                                    

Dendo's POV

Hindi parin maalis sa isipan ko yung mukha ng babae kanina. Matagal ko na siyang nakikita pero di ko parin alam yung pangalan niya. Di ko naman hilig mang stalk. I just found her cute. The way she smile, she's mad and even when she's crying. Hindi ko na napigilan yung sarili ko kanina. Itatanong ko lang naman dapat yung pangalan niya pero sinungitan niya ko! Badtrip. Akala ko pa man din mabait, may pagka masungit din pala.

"Lalim nang iniisip pare." Bungad sakin ni Ralph. 

Isa sa mga kateam ko sa Ogre.

"May gumugulo lang sa isip ko." 

Sabay buntong hininga ko. Baka kasi galit na sakin yun dahil sa ginawa ko kanina. Ang sungit naman kasi.

"Babae ba to? Hahaha!" Kinuha niya ang bola at nagdribol. Kahit kailan talagang to si Ralph walang sense kausap.

"Lalaki pare." Pagbibiro ko sa kanya.

Siya lang naman yung nakakatuwa kausap dito, kahit na minsan nagmumukha na siyang bakla. Marunong sumakay sa trip, sobrang trying hard magpatawa at madaldal.

"Wag mo na akong isipin pa pare. Andito lang naman ako sa tabi mo. Hinding hindi kita iiwan pangako ko yan sayo." Sabi niya habang paikot ikot sa gym. Loko talaga kahit kailan. Kaya ayoko dito para sa kapatid ko eh. Tss

"Kahit kailan ka talaga. Umamin ka lang kung nababakla ka na sakin ha?"

Bigla niya kong binato ng bola. Muntik na gwapo kong mukha don, buti nalang nakailag.

"Wag kang ganyan pare. Nakakasuka." Sabay tawa niya. Buti nalang talaga kaibigan ko tong kupal na to kung hindi nasapak ko na siya. Kahit naman gaganyan ganyan yan, maasahan mo parin yan.

"Asan na ba si Jm? Anong oras na, kailangan na nating magpractice. Malapit na ang finals." Kahit kailan talaga tong si Tigas. Di na dumating on-time. 

Tigas tawag namin din kasi laging naninigas.

Nagulat kami ni Ralph sa sobrang lakas ng pagbukas ng pinto ng gym. Agad akong natulala ng makita ko siya. Anong ginagawa niya dito? At bakit niya kasama ang kambal ko?! 

Agad kong tiningnan ng masama si Kyna. Umiwas naman siya nang tingin tss.

"Hoy dendong kupal na makapal ang labi at kilay! Halika nga dito at mag face to face tayo!" Aba! Napupuna niya na naman ang kagwapuhan ko. Tss, bakit ba ang cute niya kahit galit na siya?

"Oh?" Maiksing sagot ko.

Hindi ko na alam sasabihin ko. Mas gusto ko pang titigan nalang siya magdamag.

"P Q R S T! Leche! Yung kanina?! Bakit mo ginawa yun?!"

"Sabi ko sayo iinform mo ko pag magjojoke ka diba? Anong meron kanina?" Pagkukunwari ko. Ang sarap niyang asarin. Yung mukha niya sobrang lukot na sa inis. Siya lang ata yung kilala ko na kahit galit na cute parin.

"Anong meron?! Gago ka ba? Pagkatapos mo kong pagtripan kanina magpapalusot ka pa?! Ang panget mo na nga tapos may gana ka pang magsinungaling ha?! Ay shet!" Galit na galit na nga talaga siya. At pinaliguan niya pa ko nang mura.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya kahit minumura niya na ako. She's driving me crazy.

"Meron talaga akong nakita. Isa pa gwapo lang ako pero hindi ako sinungaling at para makaalis ka na, hindi ako gago, gwapo lang. Okay na? Tss." 

Nakakatuwa talaga pag napipikon na siya. Yung maliit na ilong niya lumalaki. Yung noo niya mapupunit na. Paano ba ko nagkagusto sa babaeng to?

"Curse you! Gago ka hindi gwapo. Wag kang assumero pwe! Ang panget panget mo leche!" Tss, kababaeng tao ang sungit sungit. 

Padabog siyang umalis at iniwan si Kyna. Kahit gustong kong makaayos siya hindi ko magawa. Paano ako makikipag-usap ng mahinahon sa taong hindi alam ang salitang kalma?

"K-kuya, s-sorry, kase ano e--" Iiyak na naman to pustahan. Tss, ang laki laki na iyakin padin.

"Shut up. Umalis ka na." Sabi ko sa kanya. 

Hanggang ngayon wala padin siyang natututunan sakin. Tss. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan pero ewan ko ba at hindi niya sinusunod lahat ng yun. Para lang din naman sa kanya yun.

"Sige po kuya. A-alis na ko, bye." Nasasaktan akong nakikitang ganun yung kapatid ko, pero kailangan niyang matuto.

"Wow pare, palpal ka. Ang ganda niya, palaban pa! Pwede na." Agad kong binato nang rubber si Ralph. Aba gago, balak pa kong unahan. Tss

"Kung gusto mo nang iyo maghanap ka basta wag siya. Kung ayaw mong basagin ko yang mukha mo!" Pagbabanta ko sa kanya. Ayoko sa lahat may kahati. 

At ang loko tinawanan lang ako. 

"Aamin din pala. Bakit pa ko maghahanap kung anjan naman yung kapatid mo diba?" Sabay angat niya ng kilay at tumakbo palabas.

Mukha bang hahabulin ko pa siya? Aba sinuswerte siya kung ganon. Hindi din naman siya makakaasang ipapaubaya ko sa kanya kapatid ko.

Kinuha ko na yung rubber ko at nag-ayos na nang gamit. Mukhang hindi pupunta si Jm kaya wala munang practice. Tss wala ka talagang maaasahan kay Jm. Kung hindi tamad, paasa. Ewan ko ba kung may magandang katangian pa ba yung tigas na yon.

BENEFITS [Completed]Where stories live. Discover now