62 - The pageant

1.3K 48 10
                                    

Kryshna's POV

Nagmamadali kaming tumakbo ni Kate papunta sa auditorium. Panira talaga kahit kailan yung traffic na yan eh! Kapag hindi ko naabutan na yung performance ni babe ipapatanggal ko talaga lahat ng traffic enforcer! 

Joke lang.

"Gands bilisan mo!" Sigaw ko kay Kate na may dala-dala pang banner.

"Ikaw kaya dito!" Sabay irap niya sakin.

Sino ba naman kasi nagsabi sa kanyang gumawa pa siya ng banner? Sa mga fans palang ng Ogre sobrang dami ng banner. Hahaha!

"Bakit naman kasi gumawa ka pa niyan?"

"Walang basagan ng trip no!" Napatawa nalang ako sa sagot ni Kate.

Ang obvious niya naman masiyado na dead na dead siya kay Justin. Parang dati lang mukha silang aso't pusa tapos ngayon parang lovebirds na.

Sumingit kami ni Kate papunta sa upuan namin. Sobrang daming tao naman ata ngayon? Sobrang puno ng auditorium.

"Ang baho! Ugh!" Rinig kong sigaw ni Kate sa unahan.

Pati daan nahaharangan narin ng mga studyante. Ibang klase talaga ang Ogre.

"Oy! Akala ko di na kayo dadating eh." Nginitian ko lang si Kyna at umupo sa tabi ni Jam.

Naaawkwardan parin ako sa kanya, i don't know why.

"Asan si Tinay?"

Umupo si Kate sa tabi ko at inayos na ang banner. Sakto at di pa nagsisimula, maabutan pa namin silang magperform.

"Nasa likod. Siya kasi mag-aayos kay Letth." Sagot naman ni Kyna. "Si Jam naman nag-aasikaso din sa likod for the performance of Ogre."

Siniko ko si Kate ng mapansing nagsuot siya ng earphones. Bastusing bata talaga to.

"What?"

"Kinakausap ka diba?" She rolled her eyes and look at Kyna.

"Thanks for the info." Sinuot niya ulit yung earphone niya at sumandal sa upuan.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Kyna pero nakangiti lang siya. Nginitian ko nalang din siya para hindi siya makaramdam na parang binabalewala lang siya. Knowing Kyna, napaka-sensitive niya sa mga ganitong bagay.

Lumabas narin ang emcee at agad na nagsigawan ang crowd.

"Are you ready?" Sigaw ng emcee.

Tili ang nangingibabaw sa buong auditorium. Kahit sobrang sakit sa tenga, wala parin kaming magagawa. Bakit ba kasi ang gagwapo ng mga lalaking to?

"What the fck! Ngayon niyo lang ba nakita yang mga yan?! Araw-araw niyong nakakasalubong yan! Ugh!" Highblood na naman si Kate.

As if namang maririnig siya ng mga tao dito.

"Woah! Okay okay. So before the pageant start, let us all welcome. Our very own, OGRE!"

Namatay lahat ng ilaw at kasabay nun ang sobrang lakas na sigawan ng mga kababaihan. Ugh, mukhang mababasag eardrum ko dito eh.

"Mic test, mic test." Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Ralph.

"You're smiling Gands. Kinikilig ka no?" 

Sinamaan ko kaagad ng tingin si Kate. Alam ko namang nananadya na siya eh at hindi na nakakatuwa.

"Sorry."

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon