64 - Complicated

1.2K 44 11
                                    

Jam's POV

Napatayo agad kami nila Kyna ng makita si Kryshna na sinampal ng malakas si Kenny sa harap ng maraming tao. Oh gosh! Wrong move! 

Ang daming fans ng Ogre na nandidito sa loob ng auditorium!

"What the?! Anong ginawa niya?!"

"Ang kapal ng mukha niya! Sino siya para sampalin si fafa Kenny? Oh my, she should learn her lesson, right girls?"

"Shut the fck up! Gusto niyo bang lumipad palabas ng auditorium?" Nanlilisik ang mata ni Kate habang kinokompronta ang mga babaeng nag-uusap sa likod kanina.

Nilapitan agad namin si Kryshna at inawat.

"Alam mo kung anong kasalanan ko? Yung pagkatiwalaan ka!" Sigaw ni Kryshna at patakbong lumabas sa auditorium.

Hinabol siya ni Kate kasama si Justin. Lalapitan ko sana si Kenny na pulang pula na ang pisngi ng bigla akong hilahin ni Penyx palayo.

"Pen, wait!"

Hindi niya ko pinansin at patuloy parin siya sa paghila sakin. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan nalang siya sa gusto niyang gawin. Ayokong pag-awayan namin tong maliit na bagay na to.

Tumigil siya sa paglalakad ng makarating kami sa may gilid ng auditorium. Binitawan niya ang kamay ko at tinitigan ako. Nag-iwas naman ako ng tingin at hindi nagsalita. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at mas lalong wala akong idea kung anong ginagawa niya.

"Sorry."

Kinuha niya ulit ang kamay ko at hinarap niya ko sa kanya.

"Ayoko lang na lumapit ka kay Kenny."

"What? Bakit?" Ano bang meron kay Kenny? Bakit wala akong kaalam-alam?

"Ayoko lang." 

Napa-irap ako sa sagot niya. Pinapalayo niya ko sa taong wala namang masamang ginagawa sakin? Plus, kaibigan pa namin? Kalokohan.

"May problema ba tayo Pen?"

Umiling siya bago sumandal.

"Then bakit kailangan kong layuan si Kenny? Di kita maintindihan. Wala naman akong maalalang may ginawa siyang mali." Kung tutuusin, ang swerte ko nga eh. Pagkatapos ko siyang saktan ni hindi man lang siya nagtanim ng galit sakin.

"Jam please." Iritadong banggit niya.

Kahit ako naiinis narin. Gaano ba kahirap sabihin sakin yung rason niya kaya niya ko pinapalayo kay Kenny? Hindi niya ba ko pinagkakatiwalaan?

"You know what? Mag-usap nalang tayo kung maayos na yang takbo ng utak mo. Ayokong mag-away tayo ng dahil lang sa pagpapaiwas mo sakin kay Kenny na di mo naman masabi-sabi ang dahilan."

Iniwan ko siyang mag-isa dun at bumalik sa loob ng auditorium. Naabutan ko si Kenny na nakatulala lang habang sila Kyna ay nasa tabi niya.

"Kyna, what happened?"

Nag-excuse siya sa kausap niya. Kung hindi ako nagkakamali, Chander ang pangalan niya. Huling huli ko naman si Ralph na masamang nakatitig kay Chander.

"Hindi ko rin alam eh. Hindi parin siya nagsasalita."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot ng makita ang sitwasyon ni Kenny. Ganyang ganyan din siya noong mga panahon binusted ko siya. Parang kasalanan ko lahat ng to eh. Ako ata ang puno't dulo ng lahat ng to.

"Jam? Are you okay?" Nag-nod lang ako sa kanya at ngumiti.

"Puntahan ko lang si Letth." 

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon