75 - The suspicion

1.1K 37 19
                                    

Jam's POV

Naghintay kaming lahat sa sagot ni Letth. Kahit kating kati na yung dila ko na sumagot pinipigilan ko parin. Ayoko namang mahalata nilang may tinatago kami ni Letth. Ayoko siyang mapahamak kahit na alam kung kasalanan yung ginawa niya. Hindi ko na ata kakayanin pa kung makikita ko siyang nasasaktan na naman.

"Pft, nagjojoke lang ako. Hahahaha, ang seryoso niyo naman masyado." Napayuko ako sa sinabi ni Kate. Damn, akala ko mahuhuli na talaga si Letth. Gosh! Kinabahan ako ng bonggang bongga dun! "Pero bakit ang tagal mo naman ata sumagot Letth?"

"It is none of your business Kate." Yung tingin ni Letth kay Kate at lalong lalo na yung paraan ng pagsasalita niya ang nagpatayo sa balahibo ko. For a second naging monster si Letth.

Hindi ko naman siya masisisi, sobrang bigat ng pakiramdam niya for sure. Masakit mawalan ng anak at alam kong hindi yun ginusto ni Letth. May mga pagkakataon lang talaga na kailangan mong mamili, at hindi ko pwedeng sabihin na mali yung pinili niya.

"Let's end this game. Hindi pa ba kayo gutom?"

Napangiti ako ng magsalita si Pen. Pareho talaga kaming mabilis makaramdam. Sobrang panget na kasi ng atmosphere. Parang kanina lang nagkakasayahan pa kami pero ngayon nagkakainitan na.

"Good idea. Ano bang masarap kainin?" Tinulungan ni Dendo tumayo Tinay. Aw, so sweet! "Thank you."

Biglang lumabas si Jm kaya napatingin ako kay Letth. Sinenyasan ko naman siya na sundan si Jm para makapag-usap sila. For sure gusto din namang malaman ni Jm yung sagot sa tanong na yun. Mukhang mahal niya naman si Letth, pero sana nga tama ako.

"Kami nalang ni Chander ang mamamalengke." Suggestion naman ni Kyna.

"Sama ako." Napangiti kaming lahat kay Ralph. Hindi din pala matitiis si Kyna hahaha! "Kung okay lang naman."

"Okay lang pare." Sagot ni Chander. Hindi na talaga matanggal tanggal sa mukha niya yung mga ngiti niya eh. No wonder kung bakit nahulog agad sa kanya si Kyna. Mabait na sweet pa.

"Kami na magluluto." Singit naman ni Dendo na kulang nalang ilipat niya yung tyan ni Tinay sa tyan niya. "I'll cook for our dinner today baby. Are you happy?" Napailing lang kami ni Pen sa inaasta ni Dendo. Excited na excited na talaga siyang makita yung baby nila.

Dahil wala namang pinagawa samin ni Pen naisipan nalang naming magswimming muna although mamaya pa dapat. Hehe, wala din kasi kaming magawa sa loob. Isa pa, gusto ko ulit makita abs niya~

"Gusto mo narin ba?" Napakunot-noo ako sa tanong ni Pen.

"Ang alin?"

"Ang maging mommy." Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan siya ng masama. Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko kaya tumalikod ako sa kanya. Aish! "Nagbibiro lang ako."

Yinakap niya ko habang nakatalikod ako sa kanya. Pero imbes na kiligin, bigla akong kinabahan kaya hinila ko kaagad si Pen palayo kung saan kami nakatayo. Aish!

"Why?" Nagtatakang tanong niya. Ng masigurado kong malayo na kami dun tsaka ako tumigil.

"Uh w-wala hehehe."

Hindi talaga ako marunong magpalusot lalo na pag kaharap ko si Pen. Paano ko ba nagagawang magsinungaling sa gwapong nilalang na to? Aish! Kung hindi ko lang talaga mahal si Letth, hindi ko to gagawin. Aish! Kung bakit ba naman kasi dun pa nila napiling maghalikan eh! For sure mauuwi na naman yun sa ano hehe.


Kyna's POV

"Ako na magmamaneho."

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon