105 - MOMOL

1.7K 34 14
                                    

Aera's POV

Hindi ako makagalaw ng makita kong naghihirap ang anak ko. Hindi ko alam ang nangyayari pero nagiging violet na ang labi niya.

"Doc please, gawin niyo ang lahat parang awa niyo na." Pagmamakaawa ko sa kanila.

"Bitch calm down, magiging okay din si Micko." Nanginginig ang kamay ko. Hindi ako mapakali.

Please, please wag niyong kunin sakin si Micko. Siya nalang yung lakas ko eh, siya nalang yung nagmamahal sakin. Siya ang nag-iisang tao na nagbibigay ng kulay sa buhay ko. Parang awa niyo na, utang na loob.

"Sa labas nalang ho muna tayo misis." Nagulat ako ng bigla nila akong pinalabas.

"Teka bakit? A-anong nangyayari?"

"Babalitaan nalang namin kayo mamaya misis sa ngayon dito ho muna kayo."

Napaluhod ako dahil hindi ko na magawang ibalanse pa ang katawan ko. Para akong kinuhaan ng lakas.

"Bitch ano ba! Magpakatatag ka naman para sa baby mo!"

Inakay niya ako papunta sa loob ng chapel. Gusto ko siyang awatin dahil ayokong pumasok sa loob pero wala akong lakas para magsalita.

"You need to talk to him. Siya lang ang makakatulong sayo, bitch alang alang sa baby mo."

Umupo siya sa tabi ko at biglang lumuhod. Pinagmasdan ko lang siya habang nagdadasal. Saan siya humuhugot ng kapal ng mukha na magdasal pagkatapos ng lahat ng kasalanang ginawa niya?

"Magdasal ka na. Makikinig siya sayo. Papatawarin ka niya kahit pa gaano ka kasama." Hindi ko pinansin ang lalaking nagsalita sa likod ko.

Sa sobrang sama ng ugali ko hindi ko na alam kung paano pa magdasal. Nahihiya akong humarap sa kanya ngayon.

Napansin kong umiiyak na sa tabi ko si Sheira. Naipikit ko ang mata ko dahil ayokong nakikita siyang umiiyak.

"Lord, alam ko po kung gaano ako kasamang tao. Alam ko na baka hindi niyo ako pakinggan. Pero Lord kailangan na kailangan kita, alang alang sa baby ko. Lord please iligtas mo siya. Handa akong baguhin ang buhay ko basta ligtas siya. Opo mahirap paniwalaan pero nangangako ako na pagkatapos na pagkatapos nito magpapakalayo na ako. Isasama ko ang baby ko Lord just please, please save him. I am really desperate. Please, i beg."

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon