90 - New start

1.1K 39 7
                                    

Letth's POV

Hindi ako lumabas ng bahay buong araw. Hindi ko lang feel. Nagkulong lang ako sa kwarto ko. Don't worry dahil hindi ako nagmukmok at umiyak.

Two days had passed at naka-recover na ako sa sakit. I am ready for tomorrow. Handa na kong makita ulit lahat sila.

New me, better me.

531 new messages
315 missed calls
807 notifications

Just for two days? Wow, bilib din naman ako sa mga taong to. Kinuha ko ang phone ko. I need a new one. Ayoko ng masyadong madaming istorbo.

Kinuha ko ang sim ko at binali. Finally, i can start a new one.

Today, mag-mamall ako. Not in Kyna's mall, kundi dun sa mas maganda at mas kilala. Kailangan ko na naman ng bagong damit, make up kit, set of shoes, heels, sandals and a new look! Sounds exciting right?

"Mom, Dad, i need to go." Dad's company is still not okay. But i'm doing my best to convince his old partners to invest on our company again. "Bye!"

Hindi narin naasikaso ni Mom ang hospital namin dahil inaalagaan niya si Dad. Kaya naman ako na muna ang inaasahan niyang mag-asikaso don.

"Goodmorning po." Bati sakin ng driver ko. Hindi ko siya pinansin. Pumasok agad ako sa loob ng sasakyan.

"Kehli's mall." Sambit ko pagkapasok na pagkapasok ng driver. Isa sa mga kilala at talaga namang pang-world class ang ganda ng mall ng mga Kehli. I just discovered it yesterday.

"Eh ma'am, 3-4 hours pa po ang layo nun ah? Ayaw niyo po ba sa KMonte?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Oh sige palit tayo! Ikaw na ang amo ako na ang driver!" Pasalamat siya tinatamad akong mag-drive kaya pinatawag ko siya. Psh.

"Sorry po."

Hindi parin maalis sa isipan ko ang napag-usapan namin ni Ezekiel kagabi.

F l a s h b a c k

Lumabas ako ng bahay para itapon lahat ng meron ako na nagpapa-alala kay Jm. Lahat.

Napansin ko ang itim na sasakyan na nakaparada sa di kalayuan. Napa-irap naman agad ako. Of course alam ko kung sino ang may ari ng sasakyang yan.

Tumawid ako at kinatok siya sa loob. Nagbaba naman agad siya ng bintana.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon