89 - Denial?

1.1K 35 9
                                    

Jm's POV

Natapos ang practice ng Ogre nang hindi kami nag-uusap lahat. Alam kong galit silang lahat sakin dahil sa nangyari. Pero mas maiigi narin na nalaman niya, ngayon wala na kong dapat alalahanin pa.

"Una na kami." Paalam sakin ni Ralph. Tumango lang ako.

Dinaanan at nilagpasan lang ako ni Dendo at Penyx. Alam ko namang kanina pa sila nagtitimpi na suntukin ako. Si Ralph lang naman ang good boy pagdating sa gulo.

Napatingin ako sa phone ko na umiilaw na naman. Kanina pa tawag ng tawag si Aera. Wala ako sa mood para kausapin siya. Gusto ko muna mag-relax.

I checked the time and it's already 8:45 pm. Mahigit 7 hours din pala kaming nagpapractice. How come na hindi man lang kami nakaramdam ng pagod? Tsk.

Tumayo ako at lumabas ng gym. Gusto ko munang mag-unwind. Masyadong magulo takbo ng utak ko ngayon.

Pumunta ako sa isa sa mga bar ng kaibigan ko. Dun ako sa may vip place, para walang magulo. Naupo ako at hinayaang magpahinga ang katawan ko. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Damn it!" Sigaw ko.

Bakit ba sa tuwing pipikit ako mukha ni Letth ang nakikita ko? Ano bang nangyayari sakin?

"Sabi na ikaw yung nakita ko eh! Sup insan!" Nakangising bati sakin ni Allen. Umupo siya sa katapat kong upuan at nag-cross leg. "Problemado?"

Kinuha ko ang isang basong beer at tinungga.

"Problemado nga. Problema mo problemado?"

"Wag kang maingay." Kung kailan gusto kong mapag-isa tsaka naman susulpot tong pinsan kong ugok.

"Ahhhhhhh baaaaaaaa kaaaaaaaa daaaaaaaaa!!!!!!"

Napatakip ako sa tenga ko ng bigla nalang siyang sumigaw. Pucha may sayad na ata tong isang to eh!

"Ay sorry, ayaw mo nga pala ng maingay." Pang-iinis niya pa. "Pero anong nangyari sayo kanina? Ginulpi ka ba ng mga kaibigan mo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Diba pinaiyak mo yung babaeng anak ni Tito Joaquin?"

Kahit kailan talaga hindi niya mabigkas bigkas pangalan ni Letth. Tsk.

"Si Letth?"

"Malay ko. Basta yung anak ni Tito Joaquin." Inikot-ikot niya ang kamay niya sa baso habang nakatingin sakin.

"Si Letth nga."

"Malay ko nga."

"Letth nga pangalan niya."

"Aba malay ko nga!"

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon